CHAPTER TWELVE

18 0 0
                                    

Pinagpatuloy lang ni Jae ang panliligaw nya sakin. Isang beses sa isang linggo nag papadala sya ng boquet of flowers. Kalimitan tuwing sundays dahil sunday ang araw noong sinagot ko sya ilang taon na ang nakakalipas. Ilang beses ko rin syang sinabihan na layuan na ako dahil ayaw ko na ng issue pero wala akong magawa dahil eto sya, pinapatunayan ang sarili nya sakin.

Ngayon ay ang huling gabi na ng pagiging disisyete anyos ko, napag isip isip ko na dapat maging mas maayos pa ang mga desisyon kong gagawin sa buhay ko dahil hindi na ako bata.

Sa gitna ng pagiisip ko ay biglang tumunog ang cellphone ko. Si Jae na naman, sinagot ko ito dahil gusto ko rin ng makakausap.

"Magaan na ba ang iyong paghinga, bumalik ka na sakin. Klaro na ba ang isip sinta? Bumalik ka na sakin" pagkanta nya sa kabilang linya.

"Advance happy birthday madam. Pasensya na kung hindi na ako magiging parte ng 18 dances mo dahil sinira ko yung relasyon natin. Pero hayaan mo, kapag naging tayo na ulit araw araw kitang isasayaw. Habang buhay kitang bibigyan ng roses at hindi lang dahil birthday mo." Mahinahon nyang sambit pagkatapos nyang kumanta.

"Salamat. Sayang wala ka." Sagot ko sa kanya. Tumutulo na naman ang luha ko sa di ko malamang dahilan.

"Tandaan mo yang sinabi ko ha? Sige na love, tulog ka na maaga ka pang mag hahanda para sa party mo bukas. Iloveyou. Sleepwell" pinatay nya ang tawag bago pa man ako mag paalam sa kanya.

"Iloveyousomuch love. Imissyou" bulong ko at ipinikit ko na ang mga mata ko dahil ayaw kong mag isip ng kung ano ano.

------

"Love! Gising dali!" Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Jae na nasa harapan ko.

"Love! Bakit ka nandito! Mamaya makita ka nila nanay! Umalis ka na ano ba!" Pinagtutulakan ko na sya dahil baka may makakita sa kanya at mahuli kaming dalawa.

"Alam nila tita na nandito ako. Love tayo ka na dyan dali!" Hinatak nya ako para makabangon ako sa higaan.

-----

"ATEEEEE!!! GISING!!!! MOMMY SI ATE AYAW GUMISING!" Napamulat ako ng biglang merong sumigaw sa tenga ko. Punyeta panaginip lang pala na kasama ko si Jae, kala ko naman totoo na!

------
Maaga akong dumating sa venue para maaga akong makapag prepare. Naiwan pa sila nanay sa bahay dahil may iba pang inaayos. Nakita ko rin na abala na ang catering sa pag aayos ng venue.

"Happy birthday nakshie! Kamusta? Umiyak ka ba?" Beso ni mama nicole sakin, ang make-up artist ko.

"Thankyou Mama, ayos lang po. Medyo antok pa hehe" palusot ko na lang sa kanya.

"Kirsten, remind ko lang. mag sshoot ulit tayo mamaya after mong make-upan and while preparing ha?" Pagputol
samin ni mama nicole ng official photographer ko for this day.

"Ay, opo. Sige po thankyou po sa paalala" tugon ko sa kanya. Nag paalam muna silang mag su-shoot muna ng ilang scene para sa same day video ng debut ko.

----

Habang inaayusan ako ni Mama ay hindi ko maiwasang matulala lang. nakatingin lang ako sa salamin at parang walang gana. Nararamdaman kong hindi ako kumpleto at hindi magiging kumpleto.

"Nak, okay ka lang ba talaga?" Tanong nya sakin habang inaayusan nya ako.

"Ahh, ehh, oo naman po medyo gutom lang at antok po" medyo nakakaramdam din kasi ako ng konting hilo at gutom.

HER COMEBACKWhere stories live. Discover now