CHAPTER 13

26 0 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito?!" Halos mapasigaw kong tanong sa kanya dahil hindi ko alam kung paano nangyaring naging okay ang lahat para sa parents ko.

"Diba sabi ko sayo tutuparin ko yung pangako ko sayo? Faiye matagal kong hinintay yung pagkakataon na to. Na patunayan sa lahat na kahit anong gawin ko, kahit maghanap ako ng iba. Ikaw lang... ikaw lang yung gusto kong makasama at ang mahal ko" kinuha ni Jae ang microphone sa emcee at umupo na ang lahat.

"Alam nyo po noong umalis si Faiye akala ko magiging malaya na ako. Kasi alam nyo naman po itong babaeng 'to warden ko 'to eh. Makakasama na ko sa friends ko, magagawa ko na yung gusto ko at tama nga. Pero never ko po naisipang ipagpalit sya kahit isang beses. Araw-araw nagdadasal po ako kay God na sana iuwi na nya si Faiye kasi hindi na po ako sanay ng wala sya sa tabi ko. Sobrang hirap po." Naluluha nyang kwento sa harap ng maraming tao.

"Then nagpasukan na and she never failed to complete and made my day kahit sa screen lang, kahit di na kami sabay pumaosk at di na kami nag kikita sa school kasi magkabilang mundo na kami, kahit may acads din sya tinutulungan nya pa rin ako. She's my wonderwoman. And after ilang days ng nakilala ko si Heyden dahil sa cheerdance tinutukso tukso kami sa practice namin and nakikiride lang ako. I must admit na doon din ako nagkabisyo ng todo. Bumalik ako sa pagka yosi-boy, natuto na rin po akong mag inom. Siguro po kasi noong time na yon doon ko lang po naranasan maging binata. And I forgot that I still have my Faiye. Hinayaan ko na lang syang magalit ng magalit hanggang sa hindi ko na kinaya yung pagka duday nya kaya po ginawa ko na lang yung mga hinihila nya sakin na may iba ako dahil sa naging friendly na ako sa babae. sa sobrang pagkangulila ko kay Faiye inilapit ko kay Heyden yung sarili ko. Mahal ko si Faiye at kailangan ko sya sa tabi ko but nasa Australia sya. Si Heyden yung nasa tabi ko that time. Aaminin ko po na hinintay ko na lang na sumuko si Faiye sakin noon para magmukha akong biktima kasi sya yung sumuko. Pero hindi ko po pala kaya so I still reached out to her kahit break na kami chinachat ko pa rin sya and doon ko po naramdaman na ang tanga ko dahil sinasaktan at winawalang bahala ko lang yung pagmamahal sakin ni Faiye dahil ramdam ko na sabik na sabik sya sakin at handa nya akong tanggapin anytime na bumalik ako" hindi na napipigilan ni Jae ang pagiyak nya at ganoon din naman ako. Halos manlabo na ang paningin ko at nagpatuloy sya sa pag kekwento.

"Mas naging tanga pa rin ako kasi pinagpapatuloy ko pa rin yung samin ni Heyden though alam kong si Faiye lang naman talaga ang mahal ko. I tried to change my password that time pero wala pang isang araw ibinigay ko ulit kay Faiye yung password ko. Hindi ko na alam gagawin ko noon. Then hanggang sa nagtuloy tuloy na yung samin ni Heyden dahil nahulog na po sya sakin at doon ko na po sinubukang tuluyang iwan si Faiye" Jae has everyone's attention now.

"Wala po akong balak seryosohin si Heyden but sineryoso na nya ko. Wala po akong choice dahil nahihiya na ako sa kanya dahil inaya na ako ng family nya sa bahay nila. Walang araw na hindi po pumasok si Faiye sa isip ko noong kami pa ni Heyden. Tuwing hahawakan ko po ang kamay ni Heyden si Faiye po naaalala ko, lahat po ng bagay na ginagawa ko kay Faiye ay ginawa ko rin kay Heyden. Malaya kong nagagawa ang gusto ko, yun lang ang pinagkaiba ni Heyden kay Faiye. Pero hindi po pala healthy kapag ganon. Noong nagkasakit po ako si Faiye ang hinahanap ko at sya lang ang gusto kong mag-alaga sakin kaso wala nga pala sya at di na sya ang girlfriend ko. Noong kinamusta nya ako noon at may communication po sila ng tita ko para gawin po ng tita ko sakin yung mga bagay na makakagaling sakin sobrang saya ko po noon. Never po nabigay ni Heyden yung kaligayahan na naibigay at nabibigay sakin ni Faiye" nakita kong halos umiiyak na ang lahat. At ganoon din naman si Jae.

"Kaya po ngayon. Gusto ko po ulit humingi ng tawad kila Tita especially po kay Tito dahil sinaktan ko po ang nag iisa nilang prinsesa. Kila lola din po at sa mga taong naapektuhan noong naghiwalay po kami ng dahil sa katangahan ko. Alam ko po na mahirap makuha po ulit yung tiwala nyo pero this time, papatunayan ko po ULIT sa inyo na si Faiye lang po ang mahal ko. Tao lang din po ako nagkakamali at masyado lang po akong nadala sa tukso noong malayo si Faiye sakin."

HER COMEBACKWhere stories live. Discover now