So near yet so far.
We're breathing the same air, we're on the same town. I'm just 1, 2, 3? kilometers away from you but I can't even say a single "Hi" to you.
Hindi ako pumasok ngayong araw dahil wala ako sa sarili ko, lutang maghapon kakaisip kung ano ba ang dapat gawin ko.
"Hawakan mo ang kamay ko ng napaka higpit, pakinggan mo ang tinig ko ooh di mo ba pansin? Na ikaw at ako tayo'y pinagtagpo 🎶"
Hindi ko namalayan na sumasabay na ako sa kanta habang umiiyak. Ito ang isa sa paborito naming kanta ni Faiye at ito ang kinakanta ko sa kanya kapag minsan ay sinusumpong sya ng ka monggian nya.
"Kumain na ba kayo?" Tanong ni Nanay samin pagkarating nya at may dala syang pizza.
Hindi ako umimik at kumain na lang ako. Narinig kong nag uusap si Kuya at Nanay sa salas nakinig akong mabuti at hindi nagpahalatang nakikinig sa kanila
"Eh anong sabi?" Tanong ni Kuya kay Nanay.
"Hindi daw nya alam. Ayaw daw nya kasing mawala ang kaligayahan ni Jae. Sa totoo lang nga, si Faiye ang bumili ng pizza na yan at sya pa ang nag bayad sa shakeys kanina. Wag mo muna sasabihin sa kapatid mo ang napagusapan natin" kuno't noo akong tumayo at nakialam sa usapan nila.
"Ano ang hindi ko dapat malaman?" Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa at nagulat sila sakin.
"Ahh.. Wala! Chismoso!" Singhal ni Kuya sakin at hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Bakit naman nakipag kita pa kayo kay Faiye?! Wala naman kayong magagawa dahil tapos na kami!" Nagpipigil kong sigaw sa kanila.
"Aba Irvin Jae?! Kung makasagot ka samin ha! Oo! Nakipag kita ako sa ex mo! Bakit?! Naaawa na kami sayo! Tignan mo nga yang sarili mo? Simula nung nawala sa buhay mo si Kirsten Faiye at pinaltan mo ng Ally Heyden na yan mukha kang miserable! Lalo na ngayon!" Sigaw ni Nanay sakin dahil sa galit niya sakin.
"Kaya kong ayusin ang sarili ko! Maaayos ko ang lahat wag nyo akong papakailaman!" Pumasok ulit ako ng kwarto at kinalimutan ang narinig ko.
Lumipas ang mga araw at humingi na ako ng tulong sa isa sa mga bestfriend ni Faiye na si Jean. Nagmakaawa ako sa kanya at pinilit syang tulungan ako para makausap si ko si Faiye.
"Jean sige na, tulungan mo na ko oh. Mag iisang buwan na ng makauwi yung bestfriend mo di ko pa rin sya nakakausap" pagmamakaawa ko sa kanya.
"Hindi ko mapapangako pero susubukan ko. Alam mo naman siguro na busy yun dahil malapit na ang debut nya" reply nya sakin.
"Oo nakikita ko sa instagram nya. Minsan pati ginagamit ko cellphone ni Nanay para makita ang facebook nya. Pero sana mapapayag mo sya" muli kong pagsusumamo kay Jean.
Ngayon mismo ay tinawagan ni Jean si Faiye at mamaya daw ay magkikita na kami. Hindi na ito naka tanggi dahil sa pinatay agad ni Jean ang tawag at binalaan na kapag hindi sila nag kita ay tapos na ang pagkakaibigan nila.
"Jae, please lang ayusin nyo na. Palayain nyo na ang sakit na dulot ng past nyong dalawa. Maawa ka kay Faiye" malungkot na pagkakabanggit nya.
"Mahal ko pa rin si Faiye. Gagawin ko ang lahat bumalik lang sya sakin" seryoso kong sagot.
"Mahal mo bakit iniwan mo? Noon ka kailangang kailangan ni Faiye lalo na nung naiwan syang magisa sa Brisbane dahil kailangan nyang tapusin ang pag-aaral nya don habang umuwi na dito si Tita Des at Ian. Si Tito Jack naman ay nasa NSW Australia. Sobrang sakit nung ginawa mo sa kanya." Malungkot na sambit nito.
YOU ARE READING
HER COMEBACK
Teen FictionSapat nga ba ang mahal mo ang isang tao para gawin ang lahat para sa kanya? Deserve ba ng lahat ng tao ang second chance na maaaring magkaroon ng dalawang resulta. Ang matamis na pag-ibig o ang pait ng nakaraan. Kaya pa bang dugtungan ang naudlot at...