CHAPTER 15

24 0 0
                                    

Umaga na ng magising ako at naka unan pa rin sya sa dibdib ko. Sakto naman na may pumasok na nurse dahil tuturokan na sya ng gamot nya na naka schedule tuwing 6 AM.

Tatayo na sana ako ng nagsalita ang nurse na ayos lang daw dahil doon naman daw sa kabilang braso tuturukan ang misis ko.

"Patawag nyo na lang po ako mamaya kapag hindi nya na handle yung pain. Medyo masakit na po kasi itong ituturok sa kanya dahil wala ng epekto yung anesthesia na itinurok sa kanya noong isang gabi" bilin sakin ng nurse at umalis na sya.

Hindi muna ako umalis sa pwesto namin dahil ayaw kong maabala ang tulog nya. Sana tumigil ang oras tapos ganito lang kami lagi.

"Good morning po Lola" bati ko ng dumating si Lola Flor.

"Magandang umaga. Nakapagpahinga ka na rin ba?" Tanong nya sakin at tumayo sya sa kabilang side ng kama.

"Opo Lola, ayaw po kasi ni Faiye na sa sofa ako matulog magtabi daw po kami dito" nakatungo kong sagot sa kanya. Nahihiya kasi ako kay Lola Flor.

"Ayos lang naman. Kaya nga itong room na to ang kinuha ng Tito Ian mo para malaki ang bed" nakatingin sya kay Faiye  at ganon din naman ako.

"Lola kumain na po ba kayo? May pagkain po dyan nagpadeliver po ako kagabi eh sinobrahan ko na po para incase na may dumalaw eh may makakain po" konti lang kasi nakain ni Faiye kagabi at sa sobrang dami ng inorder ko ay talagang di namin kayang ubusin kahit pa siguro nasa wisho kumain si Faiye.

"Mukhang mananaba na naman si Faiye ah? Sunod lagi ang gusto eh. Hahahaha" natatawang sagot ni Lola at ganoon din naman ako.

"Sige na apo papasok na ako sa trabaho ko dito. Nasa office lang ako dito sa hospital kapag may kailangan kayo tawagin nyo lang ako" um-oo naman ako at umalis na sya.

Maya maya pa ay nagising na ang love ko. Grabe yung ngiti ko ng makita syang fresh from a nice sleep.

"Good morning mahal" bati nya sakin.

Naramdaman ko naman ang init ng mukha ko dahil sa tinawag nya akong mahal! Pinigilan ko naman ang kilig ko kaya napautot ako.

"Ayan pigil kilig pa! Nautot ka tuloy" natatawa nyang pang aasar sakin.

"Magandang umaga mahal ko. Kamusta tulog mo?" Tanong ko sa kanya at tinulungan syang umupo.

"Hindi okay love kasi masakit yung braso ko. Parang namamanhid na pinapalo na ewan" hay jusko po yung sleepy voice nya nakaka akit!

"Gusto mo tawagin ko yung nurse?" Tanong ko sa kanya dahil yun naman ang bilin ng nurse kanina.

"Ayaw ko love. Gusto ko kiss" LOVE ANO BA!!! Stop tempting me!!

"Hay nako naglalambing na naman ang soon to be Mrs. Navea ko" lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

"Ikaw ha napakapilya mo" hinalikan ko sya ng matagal sa noo.

Bumaba ito sa ilong

Sa pisngi

At sa labi

Hindi ko ginalaw ang labi ko at dinamdam ko lang yung labi naming magkadikit. Ang magical lang. Naalala ko bigla yung panahon na inaasar asar ko lang sya simula high school. Hanggang sa naging kami na hanggang sa mga problema naming dalawa.

Kumalas ako sa pagkakahalik sa kanya at niyakap ulit sya.

"Love pagaling ka na ha? Para magawa na natin yung mga plans natin noong nasa Australia ka pa" tumingin ako sa kanya at tumango naman sya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HER COMEBACKWhere stories live. Discover now