CHAPTER FIVE

32 0 0
                                    

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaisip kung sino yung lalaking nasa video call ni Ryle kagabi. Hindi ko ito namukhaan dahil madilim at tinawag ako ni Nanay para makausap si Tatay.

"Goodmorning Ate" bati sakin ng kapatid ko pag labas ko ng kwarto, may pasok pa sya sa school kaya maaga syang gumigising.

"Ba! Ang ganda ng Ate namin ah. Woke up like that!" Bati sakin ni Nanay na nasa sala dahil ihahatid na nya si Ian.

"Nay, can you buy jollibee for me? I'm not in the mood to go outside it seems like my skin is burning because it's so hot even it's so early" mahinahon kong sinabi sa kanya dahil inaantok pa rin ako pero maaga akong nagising dahil sa body clock ko.

"Sige kawawa ka naman eh. Hahaha! Sige na aalis na kami ni Ian" umalis na silang dalawa at ako na lang ang nasa bahay. May canteen kasi kami kaya nandon si Lola, Tita Arni at Tito Dee. Si Abey at Louise naman na anak ni Tita Arni ay nasa school din.

Nag message na ako kay Sofia, kasabwat ko sya sa pag susurprise ko kay Eunice ngayong araw. Sa circle of friends namin at sa lahat ng maibigan ko ay sya lang ang nakakaalam na nakauwi na ako.

"Sofia, magkita na tayo mamayang hapon. Pwede ko ba makuha number ni Eunice?" Buti naman at na seen nya agad ito.

"Yeees! Ito na yun! So ano nang plano?" Tanong nya sakin at ibinigay na nya ang number ni Eunice.

"Kita na lang tayo sa taas ng Greenwich mamayang uwian nyo. Text nyo ko kapag nasa baba na kayo okay?" Bilin ko sa kanya at tinapos ko na ang paguusap namin.

After an hour ay nakabalik na si Nanay, marami daw tao sa jollibee kaya natagalan sya. At meron pa daw syang nakasabay kanina.

"Be, nakita ko sa jollibee yung kamukha este karibal mo." Natatawa nyang sinabi sakin pero hindi ako nakikinig dahil busy ako sa paglalaro ng mobile legends.

"Oh? Edi sabi mo dapat Hi." Pagsusungit ko sa kanya dahil alam ko naman na kung saan na naman pupunta ang usapan naming dalawa.

"Maliit ang mundo anak. Pag nakita mo yun pigilan mo ang sarili mo ha? Wag kang masasaktan" tumayo na sya papunta na sa kwarto dahil kailangan nya ng bed rest.

"Iiwas ako syempre, hindi ko hahayaan na magtagpo ang landas naming tatlo" sabi ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa cellphone ko.

"Kahit na iwasan mo, kapag tadhana ang naglaro sa inyong tatlo ay nako. Maige na yung handa ka" sagot nya at tuluyan na syang pumasok ng kwarto.

Mabilis na akong kumain at natulog ulit ako. Pakiramdam ko ay pagod na pagod pa rin ako sa byahe ko nung isang araw. At hanggang dito ba naman sa Pilipinas ay napapaganipan ko pa rin si Jae?

12:35 na nang magising ako, alas kwatro ang uwian nila Eunice kaya nag handa na ko at napansin ko na parang nag iba ang aura ng mukha ko. Hindi ko alam kung ano pero parang iba talaga. Hindi ko na lang pinansin dahil baka sa pagod lang kaya nagpatuloy na ako sa pag mamake-up.

Maaga akong umalis ng bahay at nagpunta muna ako sa mall para mag isip isip dahil kung ano ano na namang pumapasok sa isip ko na hindi na dapat pumapasok pa. Alam nyo yun? Yung pilit nyong hindi isipin pero talagang tumatambay pa sa isip mo.

"KIRSTEN FAIYE PRIETO SALAZAR!" May tumatawag sakin pero hindi ko pinapansin at nag patuloy lang ako sa paglalakad.

"HOY BESHIT! SUPLADA AH!" Nagulat ako ng biglang may sumigaw sa gilid ko at hinablot ang bewang ko.

"What the hell?!" Napatingin ako sa kanya at si Michael pala! Kapatid sya ni Ryle at tropa din namin ni Jae. Actually sya ang BFF ni Jae.

"Kailan ka pa nakauwi?! Walangya kala ko namamalik mata lang ako! Hahahah!" Pagbibiro nya sa akin. Hindi ako makasagot dahil sa gulat ko sa kanya kanina.

HER COMEBACKWhere stories live. Discover now