CHAPTER ELEVEN

23 0 0
                                    

KIRSTEN FAIYE'S POV

Nagising akong nakaupo sa lapag si Jae habang ang ulo naman nya ay nasa kama. Ang isang kamay nya ay nasa ulo ko at ang isa ay nasa kamay ko. Sinubukan kong tumayo pero nahihilo na naman ako, siguro ay hindi kasi ako kumain kagabi.

Natanaw ko na nasa may pinto na ang mga gamit namin at naka ready na ang mga damit ko, muli akong tumingin kay Jae habang tulog na tulog sya. Namumugto ang mga mata nya at parang kakatulog lang. Nagising sya ng alisin ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya.

"Oh, okay ka lang ba? Maaga pa tulog ka pa" gulat nya.

"I'm okay. Sige tulog ka lang, higa ka na dito mag aayos na ko" tumayo na ako at naghanap ng makakain.

Naupo ako sa harap ng salamin at nakikita ko sya rito. Inalala ko ang sinabi nya kagabi sakin ng pumikit ako kahit hindi pa ako matutulog.

"I'm sorry kasi nasaktan na naman kita. I'm sorry kasi di kita ipinaglaban noon, naging duwag si Irvin Jae at nagpadala sa tukso. Yung sinabi ko sayo kanina lahat ng yon totoo love. This time itatama ko na ang mga mali ko. Ipaglalaban na kita Kirsten Faiye Prieto Salazar. Hindi ko na hahayaan na mawala ka pa ulit sakin kasi love hindi ko na kakayanin. Mahal na mahal kita"

Sa totoo lang ay napaka safe ng pakiramdam ko kapag nasa tabi ako ni Jae. Sa dalawang gabi naming magkasama sa iisang kwarto pilit ko mang iwasan ang nararamdaman ko pero parang nagiging malapit lalo kami. Siguro ay dahil lang ito sa kami ang magkasama ngayon, sa dalawang araw at gabi naming magkasama parang ayaw ko na lang matapos ito.

Lumapit ako sa kanya at tinitigan na naman sya. His tall nose, red lips and his brows. Damn why I'm so into you Mr. Navea?

Hindi ko napigilan ang sarili ko at dahan dahan kong hinalikan ang noo nya pagkatapos ay nagiwan ako ng sulat sa bag nya at umuna na akong umalis sa kanila ng resort. Hinalikan ko sya bilang isang huling paalala na mahal na mahal ko sya ngunit huli na ang lahat.

Habang nasa byahe ako pauwi ay tinawagan ako ni Christian at tinatanong kung nasan ako. Sinabi kong nauna na akong umuwi para makapag pahinga ng husto at mag iingat sila pauwi. Hindi ko na sila hinintay dahil na kokonsensya ako sa ginagawa namin ni Jae kay Heyden.

---

ALLY HEYDEN'S POV

Ako si Ally Heyden Durante Suarez, ang girlfriend ni Jae ngayon. Mahal na mahal ko sya kaya kahit anong gera papasukin ko kung sya ang dapat kong ipaglaban. Hinding hindi ko isusuko si Jae kahit ano pang mangyari at kahit ikapahamak ko pa gagawin ko ang lahat wag lang syang mapunta sa iba.

Naka recieve ako ng text ni Jae na pauwi na sila galing sa outing nila at buti naman dahil miss na miss ko na sya.

"Heyden" lumingon ako at nandito pala si Jae.

"Baby, bakit di ka nag sabi na dito ka didiretso?" Palapit na sana ako para yakapin sya pero bigla syang umiwas.

"Hindi rin ako mag tatagal. Gusto ko lang itama ang mga mali ko. Heyden I'm sorry" humarap ito sakin at pinakinggan ko lang sya.

"Heyden tama na, ayaw ko na itigil na natin to. Pasensya na" nakatingin pa rin sya sa akin at hindi ko napigilang maiyak.

"Bakit Jae? Sabihin mo naman oh. Wala namang problema diba?" Hinawakan ko ang kamay nya pero pilit nya itong inaalis

HER COMEBACKWhere stories live. Discover now