Hindi ko alam kung dapat ko bang buksan ang isang notification ko sa instagram o ano. At dahil duwag ako ay hindi ko binuksan ang instagram ko at patuloy lang ako sa pag fafacebook.
Ash Gaverra: ate nag message ako sayo sa instagram kasi di ka nag rereply kanina.
Akala ko kung sino na ang nag direct message sa akin kanina kaya hindi ko binuksan. Si Ashley lang pala.
Sa paglalantad ko na nakauwi na ulit ako ay baka dito na mag sisimula ang sinasabi nilang gulo. Pero sabi ko nga hanggang kaya kong umiwas sa gulo ay gagawin ko.
---
Lumipas ang isang linggo simula nung nakauwi ako ay tuwing gabi lang ako lumalabas ng bahay. Lahat ng bestfriend ko ay nabigyan ko na ng kanya kanyang oras pati na rin ang ibang kaibigan ko na hindi ko nakita bago ako umalis.Naka plano na ang mga araw kung kailan kami lalabas ng circle of friends ko kaya kung wala namang dapat puntahan ay hindi talaga ako lumalabas ng bahay.
Sabi nila para na daw akong vampira, pero sinabi ko rin naman sa kanila kung bakit ako gabi umaalis ng bahay. Bukod sa mainit sa umaga ay iniiwasan kong makita si Jae.
Nag aayos ako ng gamit ko dahil kila Aika ako tutulog ngayon ng biglang may nag chat sa messenger ko. Nagulat ako ng makita ko ang pangalan na nasa screen ko. Hindi ko alam kung babasahin ko ba agad o hindi ko papansinin.
"Rhina Perez Navea: Faiye..."
Just my name and three periods. If you're going to imagine someone in real life saying your name that way it's just a plain serious call.
Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago ko ni replyan si Tita Rhina. Nag post muna ako sa my day ko para malaman nya na may ginagawa ako kanina at para na din palusot ko sa kanya bat late akong naka reply.
Rhina: Faiye...
Kirsten Faiye: Good evening po Tita, pasensya na po sa late reply. Bakit po?
Rhina: Welcome back. How's your flight?
Kirsten Faiye: good Tita, naka get over na po sa jetlag hehe.
Rhina: Pwede ba tayong magkita?
Nagulat ako sa sinabi ni Tita Rhina sakin. Hindi ko alam kung papayag ba ako, hindi ko alam kung kailan at saan. Nag isip akong maige kung anung isasagot ko.
Kirsten Faiye: Sige po Tita, kailan po?
Rhina: Pwede ba ngayon? Nasa town kasi ako ngayon. Ikaw na ang mag set kung saan.
Kirsten Faiye: Shakeys na lang po tayo Tita.
Rhina: Sige.. papunta na ko see you.
Kirsten Faiye: See you po. Ingat po kayo.
Nag withdraw na muna ako at iniwan ko na ang gamit ko kila Aika. Naka motor ako kaya hindi ako masyadong natagalan, gabi na naman wala nang manghuhuli at hindi na rin mainit.
Nag papark na ako at nakita ko agad si Tita Rhina. She's not the only one at the table where she's sitting. May kasama pa syang tatlong babae na naka talikod.
YOU ARE READING
HER COMEBACK
Teen FictionSapat nga ba ang mahal mo ang isang tao para gawin ang lahat para sa kanya? Deserve ba ng lahat ng tao ang second chance na maaaring magkaroon ng dalawang resulta. Ang matamis na pag-ibig o ang pait ng nakaraan. Kaya pa bang dugtungan ang naudlot at...