KIRSTEN FAIYE'S POV
Nagising ako sa isang maliwanag at malamig na kwarto, maingay din at parang ang bigat ng pakiramdam ko. Napatingin naman ako sa kaliwa ko at nandon sila Nanay, Tatay, ang dalawa kong Lola, Tita Rhina, Tito Andrew, Kuya Liam, Ate Jessy at si Jae.
"Anong nangyari?" Tanong ko agad sa kanila noong lumapit sila sakin.
Hinalikan ako ni Jae sa noo at umupo sya sa tabi ko. Wala talaga akong maalala bukod sa may lalaking humila sa akin kagabi.
"Love, may sumaksak sayo kagabi hindi mo ba naaalala?" Tanong ni Jae sakin habang kapit nya ang kamay ko.
"Naka kulong na yung suspect pero ayaw nyang sabihin kung sino ang nag utos sa kanya para gawin nya sa'yo yun" singit naman ni Tatay.
"Hindi mo ba namukhaan yung lalaki, anak?" Tanong sakin ni Tito Andrew.
"Ahh.. naalala ko na po. Pero hindi ko po kilala yung lalaki. May sinabi po sya sakin kagabi noong sumisigaw ako ng tulong" napahigpit naman ang kapit ko kay Jae dahil nanginginig ako. Lahat naman sila ay naka tingin lang sa akin at naghihintay.
"T-tinatawa-g ko po si Jae that time but wala pong nakakarinig sakin dahil sa malakas na music. Tinutukan nya po ako ng kutsilyo and then sabi po nung lalake h-hindi daw po ako tutulungan ni Jae kasi-i si H-heyden daw po yung M-mahal ni J-jae" napatungo ako at hindi ko alam kung bakit ako napaiyak.
Agad naman akong niyakap ni Jae at pinatahan. Kita ko sa mukha nya ang galit na parang alam nya na kung sino ang nasa likod ng insidenteng nangyari sakin sa mismong araw ng birthday ko.
"Paano ka nakatawag ng tulong?" Tanong naman sakin ni Nanay.
"Naalala ko po na may emergency alarm po yung phone ko. Noong tumunog na po yon at nag cause ng ingay na parang siren ng pulis tas doon nya na po ako sinaksak. Ang huli ko na lang pong nakita ay yung may sumipa at bumugbog doon sa lalaki" nakakapit pa rin ako kay Jae. Hindi ko alam pero takot na takot ako.
"Hayaan mo 'nak, naka kulong na yung sumaksak sayo. Wag ka ng matakot" nilapitan ako nila nanay at tatay at pinakalma ako.
Maya maya pa ay isa isa na silang nagpaalam pati na rin sila nanay dahil kailangan na nilang mag ayos ng mga gamit nila paalis ng pilipinas. Maiiwan muna dito si Lola dahil pinasama ko si Jae kila Nanay para makatulong sya sa pag aayos ng mga gamit.
"Sino nasa isip mo na nag tangka sa buhay mo, bunso?" Tanong sakin ni lola habang naghahanda ng kakainin naming dalawa.
"Wag naman sana lola pero si Heyden lang nasa isip ko" huminga ako ng malalim at biglang kumirot ang puso ko.
Tito ni Heyden ang Mayor sa bayan nila. Malakas ang kapit na kapangyarihan ng pamilya nila kaya't hindi na ako magtataka kung sya nga ang may kakayanan na gumawa nito sakin. Kalat na kalat sa buong Laguna na ang bayan nila ang may pinakamaraming killings na nangyayari at usap usapan pa na utos ito ng Tito ni Heyden.
Huwag naman sana'ng si Heyden ang nasa likod ng nangyari sakin. Dahil hindi nya alam kung sino ang kinakalaban nya. Hindi pa talaga nya ako kilala.
"Paano nyo nalaman yung nangyari sakin lola? Sino nagdala sakin dito? Sino yung nakahuli doon sa sumaksak sakin?" Sunod sunod na tanong ko kay Lola.
YOU ARE READING
HER COMEBACK
Teen FictionSapat nga ba ang mahal mo ang isang tao para gawin ang lahat para sa kanya? Deserve ba ng lahat ng tao ang second chance na maaaring magkaroon ng dalawang resulta. Ang matamis na pag-ibig o ang pait ng nakaraan. Kaya pa bang dugtungan ang naudlot at...