Fallin All In You

1.3K 31 7
                                    

"Aya! Sikat na you!"

Isang nakakarinding sigaw mula sa kaibigan kong si Jilianne ang pumutol sa masarap kong tulog. Dinagdagan niya pa ng tili kaya mabilis ko siyang tinalikuran at tinabunan ng unan ang ulo upang maituloy ang naudlot na panaginip.

Imposible naman kase ang sinasabi niya. Paano ako sisikat bigla? Tatlong taon! Tatlong taon na akong nagpapakapagod kaka-vlog, edit at kakaisip ng content pero ang madadatnan ko?

5 views. 4 likes. 1 dislike

Alam kong sasabihin niyo na at least, mayroong limang nanood... pero Tatlo doon ang galing sa mga kaibigan ko! Ang isa naman ay sa 'kin at 'yung natitira... Ewan ko... Kailangan ko pa bang alamin? Siya 'yung walang hiyang nagdislike!

"Girl! This is not a prank! Super legit 'to! Malapit mo na talagang ma-reach 'yung 100k subscribers!" Medyo kapani-paniwala ang acting ni Talia ngayon.

"AAHHHHHHH!!!!!" Hindi na kinaya ng pandinig ko ang naging sabay sabay nilang sigawan kaya napagdesisyunan kong sugurin na sila't gawin ang lahat upang mapatahimik.

Bumangon akong magkasalubong ang kilay at determinadong gawin ang lahat para lang mapatahimik ang mga kaibigan ko nang mapukaw ng atensyon ko ang laptop na laman ang youtube channel ko na m-mayroong... I-imposible! Kahapon! K-kahapon... Apat lang ang subscribers ko! Kaya paano u-umabot ng...

100k subscribers.

Mabilisan kong kinusot ang mga mata ko bago lumapit sa screen ng laptop. Baka naman nananaginip pa ako? Kanina ko pa sinasampal ang sarili ko, ang sakit na nga sa pisngi pero ang imposible naman kase nang nangyayare!

"Bakit ngayon ka lang tumayo?! Hindi mo tuloy nakitang mag-100k 'yung subscribers mo!" Sermon ni Nica. Umiling ako, hindi pa rin naniniwala sa nangyayare.

Paano? P-paanong....

Sinubukan ko na ding tignan sa telepono at sa iba pang gadyet ng mga kaibigan ko pero ganoon talaga. Isang daang libong tao na ang nakakakilala sa akin. Anong milgaro 'to? May nasabi ba ako sa pagdarasal ko kahapon at tuluyang tinupad ng Diyos ang matagal ko nang pinapangarap?

Anong g-ginawa ko? Paano ako s-sumikat?

May anghel bang nagkamali ng misyon at aksidente akong nabigyan ng kasikatan kahit hindi naman dapat? Isa isa kong inalala lahat ng mga ginawa kong posibleng naging dahilan ng biglaang sikat ko.

"A-ang dami!" Sigaw ko sabay takip sa bibig nang makita kung gaano kakapal ang mga asul na papel na laman ng wallet na napulot ko.

Kasalukuyan akong naglalakad pauwi dahil malapit lang naman ang DOWN sa tinutuluyan kong condo nang may mapulot. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa nakita. Pwede ko 'tong gamiting baon sa mga susunod ko pang taon ng pag-aaral. Mukha ngang sobra pa, e! O kaya kahit hindi na ako magtrabaho ay pwede na!

Mabilis kong inalog ang ulo para makalayo sa tukso.

Nangangailangan ako... Oo... Pero paano kung mas nangangailangan ang nakalaglag nito? At hindi naman akin 'to. Napulot ko lang. Kaya dapat isauli.

Iyon ang ginawa ko. Pumunta ako sa malapit na police station at nagpatulong sa paghahanap ng may-ari. Mayroong nakasulat na ID doon kaya hindi kami nahirapan at nang makumpirmang papunta na ang may-ari para kuhanin iyon ay umuwi na ako.

Pero paanong iyon ang magiging dahilan ng pagsikat ko e, hindi naman nakita ng may-ari ang pagmumukha ko! Hindi din ako nag-iwan ng numero o pangalan kahit na sinabi ng pulis na gawin ko dahil hindi naman ako yung tipong ipinangangalandakan sa buong mundo ang mga nagawang pagtulong.

Fallin All In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon