Chapter Fourteen

416 16 21
                                    

"Actually, hindi naman talaga si Jace crush ko..."

Kagaya ng pinangako ni Tita Ella sa susunod na pagkikita namin ay kinwento niya ang istorya nila ng asawa niyang si Tito Jace. Habang kasalukuyan kaming nagluluto ng agahan para kay Xavi at sa ama nitong maagang lumabas upang magbasketball sa court ng kanilang village.

Hindi alam ni Xavi na nandito ako. Balak ko siyang surpresahin. Atsaka kailangan din naming magkita dahil n'ong bagong taon pa ang huli naming pagkikita, na mahigit isang linggo na ang nakalipas.

Kailangan pa naman naming magkita ng tatlong beses sa isang linggo. Subalit abala kami nang mga lumipas na araw kaya hindi namin nagawa.

"Pero ayon, bigla na lang akong nahulog... O baka nahuhulog na talaga ako sa kanya, at hindi ko lang inaamin..." Kilig na kilig si Tita Ella habang nagsasalaysay.

Ang sarap sigurong balikan ng mga masasayang memorya niyo ng minamahal mo.

Sinabi din sa akin ni Tita na nagkahiwalay sila. Nagkaroon din ng maraming pagsubok pero sa huli ay sila pa rin. Kahit nga daw n'ong ikasal sila ay mayroon pa rin, muntik pang tumuntong sa hiwalayan ngunit hindi nagpatinag ang pagmamahalan nila sa isa't isa kaya nakabuo sila ng Xavi at Xandriah.

"Napakaganda naman po ng storya niyo—" Balak ko pang purihin ang love story nila ni tito nang tumunog ang telepono ko. "Excuse me lang po saglit..." Kaagad itong tumango. Sumenyas pa sa sulok kung saan malakas ang signal.

[Hello? Aliyah?] Bumati kaagad ang tumatawag sa 'kin nang sagutin ko.

"Hello po, Ma'am Rej?" Mukhang alam ko ang rason kung bakit tumawag ang manager ko.

[Tuloy na 'yung pagiging Brand Ambassador mo! This Thursday! Solo 'yon! Ikaw lang!] Parang gusto kong maiyak sa narinig. Sa wakas! Sa wakas at nabigyan din ako ng pagkakataong maging ako!

Ito ang unang beses na magiging brand ambassador ako nang ako lang mismo kaya tuwang tuwa ako. Abot tenga pa rin ang ngiti ko kahit tapos na ang tawag. Napatanong na tuloy si Tita Ella kung bakit.

"Talaga? Congrats! Deserve na deserve!" Kitang kita ko ang saya nito para sa 'kin nang sabihin ko kung bakit halos maiyak ako.

"We're here!" Parang nag-tumbling ang puso ko nang makarinig ng pamilyar na baritonong boses.

Nagkatinginan kami ni Tita Ella. Mukhang nandirito na sila. Mabuti na lang at nakahanda na ang lahat.

"Come here in the kitchen!" Pa-sigaw na utos ni tita na hindi mapigilan ang ngisi habang nakatingin sa 'kin.

Naririnig ko ang mga yapak nilang papunta sa kinaroroonan namin kaya lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Surprise!" Sumigaw kaagad kami ni tita nang marating nila ang kusina at makita kami.

Laglag ang panga ni Xavi nang makita ako. Puno ng tuwa ang mukha niya. Parang gustong gusto akong lapitan pero nagda-dalawang isip.

"Wait! I'll take a bath first! I smell bad! Give me a minute!" Kumaripas ito ng takbo paakyat. Natawa ako sa nasaksihan.

"Hello po, tito..." Magmamano sana ako kay Tito Jace subalit 'wag na muna daw dahil maliligo lang din raw muna ito.

Kami na lang tuloy ulit ni Tita Ella ang nasa kusina. Dumiretso kami sa hapag at pumwesto sa kanya kanyang upuan habang hinihintay ang dalawa.

Fallin All In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon