"Ate Aliyah! Pwedeng pa-picture?!"
Isa lang ang sinisigaw ng napakaraming mga taong naka-abang sa akin sa tapat ng bakery shop na pinagt-trabauhan ko. May iilang minuto pa naman bago magsimula ang shift ko kaya pinagbigyan ko na ang hiling nila. Sayang naman ang ilang oras nilang pag-aabang sa akin dito.
Ngunit hindi ko nagawang pagbigyan ang lahat dahil tinawag na ako ni Ate Apple at kailangan ko nang magtrabaho.
"Ate Aliyah! Mabilis lang po, please?" Halos lumuhod na sa 'kin ang isang dalaga sa pagmamaka-awa kaya nilapitan ko na at kumuha ng letrato kasama siya. "Kayo na po ba ni Kuya Baron?" Biglang tanong niya.
"Aliyah! 'Yong order ng table Five! Ang dami ding nakapila sa counter! Pwede bang unahin mo muna ang trabaho?!" Dahil sa nanggigigil na sigaw ni Ate Apple ay hindi ko na nasagot ang dalaga.
Inuuna ko naman ang trabaho ko. Hindi ko lang kayang balewalain ang mga taga-hanga ko. Unang beses pa lang mangyari ito sa akin buong buhay ko. Kaya hindi ako sanay. Hindi ko nga alam kung anong gagawin. Hindi ko din inaasahan na pati dito'y dudumugin ako ng mga tao. Gayunpaman, ginagawa ko ang lahat upang maipagsabay at makapagtrabaho nang maayos.
"Miss! Ano ba?! Kanina pa kami nakapila dito!" Nilalapag ko ang order ng nasa ika-limang lamesa nang makarinig na naman ng sigaw. Mula naman ngayon sa mga nakapila.
"Ako na dito! Pumunta ka na d'on!" Hinablot sa akin ni Ate Apple ang hawak kong serving tray.
Nagmamadali kong inasikaso ang mga taong nasa counter. "I'm sorry, ma'am... Can I have your order?" Pilit akong ngumiti kahit nagsisimula nang mataranta sa mga nangyayari.
Hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Nakaka-overwhelm na. Habang nakikinig sa order ng babae'y napatingin ako sa mga taga-hanga kong naghihintay sa akin sa labas. Hindi na kase sila nagkasya sa loob. Parang pinipitik ang puso ko sa nakikita. Gustong gusto kong ibigay ang gusto nila ngunit kailangan kong maghanapbuhay upang kumita.
"Miss! Nakikinig ka ba?!" Napakurap kurap ako sa bigla bago ibinalik ang atensyon sa harapan. "Hindi na nga ako oorder! Sinayang mo ang oras ko!" Gusto ko sana siyang pigilan ngunit marami pang mga taong nakapila sa likod.
"Aba! At talagang hahayaan mo lang ako?! Hindi na ako bibili dito kahit kailan! Ang poor ng customer service!" Padabog siyang nagmartsa palabas.
"Y-yes, m'am?" Pilit kong nginitian ang sumunod. Mabuti't mabait at mapagpasensya. Hindi kagaya ng nauna.
Ngunit hindi ko naman masisisi. Matagal din siyang naghintay. Medyo kumalma lang ako nang malapit nang matapos ang mga taong nag-oorder. Kakayanin ko naman pala. Huwag lang hayaang pangunahan ng kaba't taranta.
Atsaka dinudumog naman kami madalas ng mga tao rito. Hindi nga lang nanghihingi ng mga letrato, video greeting ko at kung ano pa man.
Nagsisimula ng guminhawa ang pakiramdam ko nang matanaw si Ate Apple na papalapit sa akin. Magkasalubong ang mga kilay niya. At kahit wala pang sinasabi'y alam kong sermon na naman ang makukuha ko sa kanya. Hinayaan niya na muna akong pagsilbihan ang huling customer na nag-oorder bago kinausap.
"Alam mo bang ang daming nakatayong mga customer dahil nagkulang ang mga upuan..." Nagtaka ako nang marahang tono ang lumabas sa kanya. "Dahil sa mga fans mong hindi naman nag-order pero ang lakas ng loob umupo... Paalala lang, Aliyah... Bakery shop 'to, hindi venue ng meet and greet mo..."
"S-sorry, ate... Hindi ko din kase inakalang pati dito, pupuntahan nila ako..." Hindi man lang ako makatingin sa kanya dahil sa hiya. Pinanatili ko ang titig sa sahig. "P-pero 'wag kang mag-alala! H-hindi na m-mauulit 'to!" Pangako ko.
BINABASA MO ANG
Fallin All In You
Teen FictionSinging Series #1 : "Nothing in life comes easy..." The reason why Aliyah Mikaya Dela Torre rejected Baron Xavier Gailford's offer to use each other for fame. Yes, it was always her dream to get recognized by people... But she never once thought tha...