Chapter Sixteen

379 15 15
                                    

"Xavi, sorry, hindi ko nasabi kaagad sa 'yo..."

Napangiwi ako pagkatapos ng mga lumabas na salita mula sa bibig ko. Inalog ko ang ulo at huminga nang malalim bago muling sinubukang mag-isip kung paano hihingi ng tawad kay Baron kapag nagkita kami mamaya.

"Hindi ko alam na hindi lang pala ako ang magiging brand ambassador... Pero kaagad kitang naisip nang malaman ko, at gusto ko sanang sabihin n'ong sunduin mo 'ko pero pagod ka... At ayoko namang dagdagan pa ang mga iniisip mo..." Napakagat ako sa ibabang labi habang iniisip ang magiging reaksyon niya.

"Xavi... Bawa't araw na magkikita tayo, sinusubukan kong sabihin sa 'yo, pero hindi ko magawa at hindi na nagawa dahil sa nangyaring insidente..." Napatango ako at sumilay ang ngiti sa labi nang sa wakas ay makaisip din ng sasabihin.

Pagkatapos ng halos isang oras na pagkausap ko sa sariling repleksyon sa salamin! Tumunog ang telepono ko at alam ko kaagad ang ibig sabihin kaya tumayo na ako, kinuha ang bag, sinuri ng huling beses ang sarili bago sinagot ang tawag.

"Papunta na ako! Ayan na!" Pagkatapos kong magsalita ay pinatay ko na kaagad ang tawag bago pa marinig ang katak ni Jil.

Mabilis lang naman ang pagsakay sa elevator pababa sa ground floor kung nasaan ang kotse niya. Ganoon din ang biyahe papunta sa lugar kung saan kami sasakay ng yate para ipagdiwang ang kaarawan ni Franco.

"Happy Birthday, my honeybunch, sugarplum, pumpy-umpy-umpkin!" Humalik kaagad si Jil kay Franco nang makalapit.

"Thanks, my sweetie pie, cuppycake, gumdrop, snoogums-boogums, the Apple of my Eye..." Nakakapangilabot ang landi nila. Hindi man lang inisip na ang daming nakakasaksi sa kanila. O baka naman nalimutan na nila kami?

"Oh? Ba't tumigil na kayo? Tapusin niyo 'yung kanta!" Nagsisimula na naman sa pagiging mapait si Nica.

"And I love you so... and I want you to know... That I'll always be right here..." Bahagyang kumunot ang noo ko nang kumanta si Elmo habang dahan dahang lumalapit kay Nica. "And I love to sing sweet songs to you... Because you are so dear..." Ngunit lumayo din ito nang lumabas na si Talia sa sasakyan.

Nag-retouch pa kasi ito. "Hi, Elms!" Kumapit kaagad siya sa braso ni Elmo.

Dumako ang tingin ko kay Nica. Parang mas nagingibabaw ang lungkot keysa ang pait sa mukha niya. Nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya ay kaagad niyang binago ang expesyon. At sinenyasan akong batiin si Baron upang mawala na ang titig ko sa kanya.

Napalunok ako nang magsimula na namang kabahan. Nakumpirma ko kasi na galit sa akin si Baron. Kung hindi ay lalapitan niya naman ako kaagad upang batiin pero hindi niya ginawa. Kaya nagdadalawang isip ako ngayon kung susundin ba ang sinabi ni Nica.

Ang layo pa naman ng agwat namin. Lapitan ko na ba? Nagawa na naming marating ang yate pero hindi ko pa rin nagagawang lapitan si Xavi. Hindi napapansin ng mga kaibigan namin ang distansya sa aming dalawa dahil abala sila sa kakanlandi sa isa't isa.

"Sis! Kung galit 'yon, hindi ka niya totally papansinin! Atsaka okay naman daw siya sabi ng mga friends niya! Kaya go na! Amin na!" Si Nica lang... na mabuti ay hindi nagsasawa kakapilit sa akin gamit ang walang tigil na pagbulong.

"We need wine glasses! Pretty tignan sa picture! Do you have wine glasses, Baron?" Tanong ni Talia. Si Xavi nga pala ang may ari ng yateng 'to.

"Yeah... I'll go inside and get them..." Kaagad itong tumalikod at pumunta sa kusina na nasa loob.

"Ay! Pati pala wine! Aya! Can you ask if they have wine available sa wine cellar nila?" Makahulugang ngiti ang binigay sa 'kin ni Talia. Hindi niya pa pala nakalimutan ang binabalak kong paghingi ng tawad at pag-amin kay Baron.

Fallin All In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon