Chapter Eight

450 25 17
                                    

"And cut!"

Hindi ko alam kong nag-iilusyon lang ako o talagang sumigaw si direk na tumigil na kami dahil hindi ganoon kaklaro ang pagkakarinig ko. Kaya nagpatuloy ako kakasukli sa mga galaw ng labi't dila niya.

"I said cut! Tama na!" Halos mapatalon ako sa lakas ng sumunod na sigaw.

Napa-abante ako at mabilis na umiwas kay Baron bago humingi ng tawad kay direk na kinailangan pang gumamit ng megaphone upang marinig namin.

"I said quick and smack kiss! Not long and passionate! Masyado naman kayong nagpadala!" Natatawa nitong saad. Habang parang gusto ko na lang magpakain sa lupa dahil sa hiya.

"Pero sige! Okay na tayo! Palagyan na lang ng heart malapit sa huli para hindi makita 'yung laplapan nila!" Ramdam ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ko. "Anyway, it's a wrap! Thankyou everyone!"

Nagpalakpakan ang mga tao. Kaya pati ako'y nakipalakpak kahit tulala at hindi makapaniwala sa nangyari.

Unang beses kong makipaghalikan nang ganoon. Pero nagawa ko naman nang maayos dahil sa mga galaw ni Baron na sobrang banayad. Parang inaalalayan niya pa nga ako.

Maharas kong iniling ang ulo nang paulit ulit nitong pinaalala kung gaano katamis at kalambot ang labi ni Baron... kung gaano nagawang libutin ng dila niya ang bibig ko... Napakagat ako sa mamasang masa na ibabang labi.

"I'm sorry—" Kanina ko pa napapansin ang panunubok ni Baron na kausapin ako. Ngayon niya pa lang nagawa pero pinutol ko ang panghihingi niya ng tawad.

Dahil "A-ako d-dapat 'yung mag-sorry! A-akala ko k-kasama d-dila..." Palusot ko. Kahit na sa totoo'y alam ko naman na mabilis lang dapat at natukso lang talaga ako kaya bumigay.

Pero alangan namang sabihin ko sa kanya 'yon?!

"It's alright... Let's just be professional and forget about it..." Hindi ko alam kung bakit parang may tumusok sa dibdib ko nang marinig 'yon mula sa kanya.

Oo. Alam kong ako ang nag-anyaya sa 'yo na itodo ang halikan ngunit pagkatapos mong tanggapin ang imbitasyon at dumalo sa bibig ko, gan'on gan'on na lang 'yon?

"S-sige! W-wala naman dapat talagang m-malisya 'yon!" Sa kabila ng nararamdaman, pilit pa rin akong nagbigay ng tugon.

"Congratulations, BarLiyah!" Nilapitan kami ng mga staffs na may hawak na cake at bulaklak. Agad kaming nagpasalamat ni Baron bago hinipan ang kandila.

"Picture tayo!" Tinanggap ko muna ang bulaklak bago nilabas ang telepono ko at itinaas upang makakuha kami ng selfie.

"Let me..." Inagaw sa akin ni Baron ang phone ko dahil mas matangkad siya at para din makuhanan kaming lahat. Pero ewan ko ba kung bakit nairita ako.

Kasalanan ko ba?! Masisisi niyo ba ako?! Unang beses kong makipaglaplapan 'yon, tapos babalewalain lang nang gan'on gan'on?! Kahit na ako naman ang nagyaya! Hindi ko pa rin matanggap!

"Kayo naman po picture-an namin!" Napataas ang magkabilang kilay ko sa suhestyon nila.

"Sure. Thank you." Dumako ang tingin ko kay Baron nang bigla niyang ipatong ang braso sa balikat ko.

"Smile!" Napilitan akong ngumiti.

Siguro kaya ang dali na lang para kay Baron ang naging halikan namin ay dahil sanay na siya. Kaya dapat ko ring ipakitang sana'y ako! Baka anong isipin niya kapag nalaman niyang may ganito akong nararamdaman! Atsaka sa tingin ko, mas ayos nang ganito. Para hindi kami magka-ilangan. Nakakairita lang talaga! Naiirita ako sa hindi malamang dahilan!

Fallin All In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon