"S-sorry... M... mag-tataxi na lang ako... s-sorry..."
Bigla akong natauhan sa mga ginawa ko. Bakit ko nga ba binuhos ang lahat ng inis ko kay Xavi? Tapos ang kapal pa ng mukha kong sabihan siyang tumigil gayong mula kanina'y ginagawa niya ang lahat upang intindihin ako.
"No... I'm s-sorry..." Humarang siya sa daanan ko. "I'll drive you home... It's late... and dangerous..." Pumayag na ako.
Tahimik kami sa sasakyan. Buong biyahe pauwi. Nagsalita lang ako nang magpaalam. Kung saan humingi ulit ako ng tawad. At ganoon din ito sa akin.
"Anong ginagawa niyo dito?" Mali talaga ang desisyon kong ipaalam ang passcode ko sa mga kaibigan ko.
Bigla bigla na lang silang sumusulpot sa condo ko. Mukhang makiki-breakfast. Este, may mga dala naman silang pagkain, mayroon pa nga para sa akin. Gusto lang ata akong sabayan. At makipagchikahan! Medyo naging abala din kase ako n'ong mga nakaraang linggo at ngayon pa lang ulit sila makakausap nang ganito.
"Upo ka na, mars! May bayad 'yan, ah!" Hindi ko pa nabubuksan ang pagkain ko nang paalalahanin ako ni Jil.
"Thank you!" E, kung pagbayarin ko din kaya sila sa pag-upo nila't pagkain sa hapagkainan ko?
"Choss! Libre ko 'yan! Pero kailangan mong magkwento! Kumusta ang party kahapon? Ms. Best Dressed?" Mabuti naman at binawi ni Nica ang sinabi ni Jilianne.
"Okay lang." Hindi ko alam kung sasabihin ko ba na nag-away kami ni Xavi dahil hindi naman ako sigurado kung away ba 'yon o sigawan lang. Humingi din naman kami ng tawad sa isa't isa pagkatapos.
"How about the model!" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Talia. "Syer Perez! One of the hottest models here in the Philippines!" May pa paypay pa ito sa sarili gamit ang kamay.
Pero kaya pala may itsura ang kuya niyo... Model pala...
"Hindi kayo nag-usap, mars?" Kuryosong kuryoso si Nica. Iling lang ang sinagot ko sa kanya. Hindi namin nagawa dahil umeksena kaagad si Baron.
"Sayang! Trending pa naman picture niyo sa Twitter! With the hashtag best dressed!" Nakisilip ako sa telepono ni Jil. At tama siya. Trending ako. Pati 'yong model. At ang letrato naming magkasama.
"Ako lang ba? Or they look so damn good together?" Lumipat ang tingin ko kay Nica. "Binabasa ko lang 'yung mga tweets!" Pinakita niya sa akin ang ebidensya.
"Seems like some disrespectful people are shipping you guys!" Galit na galit si Talia. Fan na fan kase namin ni Baron.
"OA mo, girl! Sinabi lang na magandang tingnan magkasama! Wala namang sinabing ship! 'Wag masyadong mainit ang ulo!" Tumayo si Nica at dumiretso sa likuran ni Talia upang masahiin ang sentido nito.
"Pero pano kaya 'yon, mars, 'no? If dumating 'yung time na ayaw na kayo ng mga tao ni Baron... Ano 'yon? Maghihiwalay na lang kayo bigla? Tapos 'yun na 'yon? Finish na?" Natigil ako sa sinabi ni Jil.
Gusto kong sumagot pero walang lumalabas sa bibig ko. "Kaya umamin ka na..." Napairap ako sa dinugtong niya. Akala ko naman ay seryosong nakikipag-usap.
"May point si Jil!" Tugon ng pinsan ko. "Pero by the way! I can't go home pala with you, Aya..." Nakanguso si Talia ngunit pilit tumataas ang magkabilang gilid ng labi niya. "I'm gonna have a Two day vacay with Elmo in Batangas..." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Fallin All In You
Teen FictionSinging Series #1 : "Nothing in life comes easy..." The reason why Aliyah Mikaya Dela Torre rejected Baron Xavier Gailford's offer to use each other for fame. Yes, it was always her dream to get recognized by people... But she never once thought tha...