Chapter Six

485 23 11
                                    

"Weak! Why naman di pa diniretso sa labi mo!"

Katatapos ko lang sabihin sa kanila ang dahilan kung bakit kanina ko pa hawak ang kanang pisngi ko at kung bakit pulang pula ang mukha ko. At eksaktong eksato ang inisip kong magiging reaksyon ni Jil kapag sinabi kong hinalikan ako sa pisngi ni Baron.

"Because he's a gentleman!" Kontra ng pinsan ko. "Couz! I really love him for you!" Maluluha pa ata si Talia sa tuwa.

"Kumusta naman lips niya, sis? For sure naramdaman mo kahit sa pisngi ka lang kiniss 'no! Alam mo, dapat hinalikan mo na din sa pisngi!" May punto si Nica. Sana ginawa ko nga.

Pero bigla kasing umeksena si Jil pagkatapos ng nangyari. Aalis na raw kami. Kaya nagpaalam na ako kay Baron at dumiretso na sa sasakyan.

"M-malambot... A-ayos lang..." Hindi ko alam ba't bigla akong nautal. At parang naramdaman muli ang labi niya sa pisngi ko.

"'Yun lang? Wala ba you ibang na-feel?" Hindi kumbinsado si Jil sa sinagot ko. "Like malakas na heartbeat... Butterflies sa loob ng tiyan! And parang nakukuryente!"

Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko matukoy kung may mga naramdaman nga ba akong gan'on. Naghalo halo kase... Parang biglang nagloko ang sistema ko... Parang nagkaroon ng digmaan ang mga naramdaman ko sa sobrang dami... Pero kahit na gulong gulo ako at hindi mawari kung alin ang uunahing pakiramdaman, gusto ko... gusto ko ang nangyayaring kaguluhan sa sistema ko.

Ang nakakabulabog na lakas ng pintig ng puso... Ang mga kalamnan ko sa tiyang parang sumasayaw... At ang kung anong dumadaloy na elektrisidad sa katawan ko...

Teka! 'Yon ang mga sinabi ni Jil, a-ah! "K-konti..." Nagtilian sila sa sinagot ko.

Nagpatuloy pa ng ilang minuto ang pag-uusap namin hanggang sa sabay sabay kami na dalawin ng antok. Natulog kami buong biyahe. Kasama na ako dahil wala na akong iniisip. Sobrang gaan na ng pakiramdam ko. Para ngang lumulutang pa ako.

Nagising lang kami nang makauwi. Alas sais na ng gabi. Nagpadeliver na lang kami ng pagkain dahil lahat ay pagod at gutom na. Maraming malalapit na kainan dito kaya mas mabilis kung magpapahatid na lang ng pagkain.

Nakatambay kaming lahat sa sala habang hinihintay ang in-order. Mahaba na ang oras na tinulog namin sa sasakyan ngunit naririyan pa rin ang antok at pagod. Ngayon pa lang nararamdaman ni Talia at Jil ang hangover nila. Parang pati nga ako'y meron sa hilong nararamdaman. Ang disoras ko na kaya natulog kagabi, tapos kakaunti pa ang tulog ko.

Pero nakuha ko naman ang gusto ko... Tumaas ang isang gilid ng labi ko.

Sumabay ang tunog ng doorbell sa tunog ng telepono kong kasisindi lang. Na-lowbat kase at ngayon ko lang na-icharge kaya ngayon pa lang nag-on. Hindi na ganoon karami ang tumutunog sa telepono ko dahil tinuruan ako ni Talia kung paano mag-mute ng mga notifications.

Nagno-notify lang kapag importante kaya tinignan ko kaagad kung saan nanggaling ito. Napataas ang magkabila kong kilay nang makitang trending na naman kami sa Twitter. Panibagong hashtag na naman. At pinagkakaguluhan kami dahil sa panibagong letrato namin na kumalat!

Sunod akong lumipat sa Instagram. May nakuha din kase akong notification galing doon.

@itsbaronxavier tagged you in a post.

Agad ko 'yong cinlick upang malaman kung ano at napabukas ang bibig nang makitang pinost niya ang picture naming dalawa kahapon! Nakasakay kami sa yate. Nakatingin ako sa camera habang nasa akin naman ang titig niya.

Fallin All In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon