"Surprise!!"
Napatalon ako't napahawak sa puso nang pagbukas ng pintuan ay bumungad sa akin si lola na may dalang cake, lolo at angelo na katatapos lang pasabugin ang mga hawak na party popper.
"Happy 100k subscribers, apo!" Bati ni lola sabay halik sa pisngi ko at yakap nang mahigpit.
"Smile!" Utos ni lolo sabay taas ng keypad niyang Nokia para makapagselfie kami. Napailing-iling ako habang tinitignan kung gaano siya nahihirapang itaas pa lalo ang hawak para makuha kaming lahat.
"Ako na ho, lo!" Pagboboluntaryo ko sabay hablot doon upang matapos na.
Kakauwi ko lang sa Bulacan kasama ang pinsan kong si Talia na kaaalis lang kasama ang driver niya. Alas onse ng umaga, mahigit tatlong oras pagkatapos kong makakuha ng isang daang libong tagahanga. At sa totoo lang, hindi pa rin talaga ako makapaniwala.
Gaano ba kasikat 'yong Gailford na 'yon at paanong pati ako'y nadamay sa kasikatan niya?
Oras na nang pag-kain kaya nang makuntento si lolo sa mga nakuhang letrato ay dumiretso na kami sa hapag. Mabuti nga't may naitatawag pa kaming hapag kahit mula pa sa mga ninuno nang ninuno nang ninuno namin 'tong bahay na 'to.
"Teka nga lang... P'ano kayo nakabili ng cake?" Pinusisyon ko sa bibig ang baso at uminom pagkatapos magtanong.
Hindi naman sa minamaliit ko ang pamilya ko pero sa kakuriputan nila lolo at lola, duda akong sa kanila galing ang pambili nito. Lalo nang hindi sa kapatid kong tamad!
"Hindi pa bayad..." Sagot ni Angelo, dahilan nang pagkasamid ko.
"Sikat ka na rin naman apo 'di ba? Kaya ikaw na ang magbabayad..." Malambing ang tono ni lola habang hinahaplos ang likod ko.
"Ibang klase talaga kayo..." Pilit akong ngumiti kahit ramdam na ang unti unting pagkulo ng dugo.
Biglang tumahimik. Akala ko'y magtutuloy tuloy at malalasap ko na ang kapayapaang mula pagkagising ko'y ninanais. Subalit lalo lang akong nainis.
"'te Aya, totoo ba 'yon?" Ngisi pa lang ng kapatid ko, alam ko na kung ano at sino ang tinutukoy nito.
"Ano sa tingin mo?" Tinanong ko siya pabalik.
"Hinde! Ang imposible, e! Ang gwapo ng lalaking 'yon!" Walang bahid na pang-aasar sa mukha niya, seryoso sa binigay na tugon, kaya lalong nag-umapaw ang galit ko.
"Halika ka nga ditong bata ka!" Magkadikit ang itaas at ibaba kong ngipin habang sinasabi iyon dahil gigil na gigil ako sa kanya!
"Nagsasabi lang naman ako nang totoo!" Tumakbo ito palayo, mukhang naramdaman na nanganganib. "Pero ang swerte mo! Idol ko 'yun, e! Nasayo pa ba jacket? Anong brand? Baka pwedeng isangla!"
Huminga ako nang malalim at pumikit. Hindi ko rin naman siya mahuhuli ngayong nagtatatakbo siya kaya pipilitin ko na lang kumalma. Mamaya ko na lang pipingutin kapag napagod na at nakalimutang galit ako sa kanya.
Speaking of Boron... Ay wait... Bakit nadamay 'yung element ng periodic table?! Hmm... Bay... ron? Ano 'yon, Aya? Manila Bayron? O baka naman... Bacon? Napailing ako. Nakakahiya naman sa pagkain! Masyadong masarap 'yung Bacon para maging siya 'no!
O baka naman it's the other way around?
Sinampal ko ang sarili ko para tumigil na kakaisip. Anong nangyayare sa 'kin? Bakit ako nagkakaganito? Nasa tamang pag-iisip pa ba ako?
BINABASA MO ANG
Fallin All In You
Teen FictionSinging Series #1 : "Nothing in life comes easy..." The reason why Aliyah Mikaya Dela Torre rejected Baron Xavier Gailford's offer to use each other for fame. Yes, it was always her dream to get recognized by people... But she never once thought tha...