Chapter Twenty Fourth

371 15 9
                                    

"Ms. Aliyah, Are you here to support your boyfriend?"

Hindi pa ba obvious 'yon? Bakit pupunta ang hindi naman gan'on kahilig sa fashion sa isang napaka-ekslusibong fashion show ng isang luxury brand dito sa Pilipinas?

"Yes, and I'm actually about to go backstage right now, I'm going to meet Sy. So if you would excuse me." Nakangiti kong tinakasan ang mga interviewer.

Sawa na ako kakangiti sa camera. Mula nang maglakad ako papasok hanggang ngayong uupo na lang sa upuan, may mga sumusunod pa rin. Kaya naisipan kong puntahan si Syer. Para na rin maipakita sa tao kung gaano kami ka-sweet.

Wala, e. Kailangan sa trabaho. Nakapag-usap naman na kami ni Xavi. At ayos lang siya dito. Alam ko naman din ang limitasyon ko.

"Hi, babe..." Bumeso ako kay Syer nang batiin niya ako.

"Kumusta ka?" Aalisin ko sana ang hawak niya sa beywang ko pero may kumukuha ng video. Pati ba naman dito sinundan ako?

"I feel excited..." Halata nga sa expresyong suot niya. "To walk on the runway knowing you're one of the people watching..." Halos mapatalon ako nang biglang magsigawan ang mga taong nakikinig pala sa amin. Nakakagulat! Atsaka nakakakilig ba ang sinabi niya? Ang corni kaya!

"Sige na, pupunta na ako sa pwesto ko, good luck..." Bumeso ako muli at kinawayan siya habang naglalakad.

Laking pasasalamat ko nang pagbalik ko ay wala ng sumalubong na media sa akin. Nagmamadali akong dumiretso sa kinauupuan. Kaya nang maupo ay doon ko pa lang nagawang pagmasdan ang paligid. Doon ko pa lang din naramdaman ang pagka-out of place ko.

Wala akong kilala pero sumisigaw ang mga itsura ng mga tao ng kayamanan. Lalo na sa mga suot nila. Mabuti at medyo nakakasabay ang suot kong white blazer dress.

"Omg! Ate Aya!" Agad akong napalingon sa taong tumawag sa pangalan ko.

Sobrang guminhawa ang pakiramdam ko nang makakita na sa wakas ng kakilala. Wala kase akong kamalay malay sa mga nangyayari at mangyayari kaya masaya akong may mapagtatanungan na ako ngayon.

"Jasmine! Mag-aattend ka din pala!" Lumipat ang tingin ko sa babaeng kasama niya pagkatapos kong bumati.

"Actually, sobrang last minute, that's why I wasn't able to tell you!" Paliwanag niya. "Oh! Ate Aya, this is Charlotte pala, my bestie who forced me to go here with her, and Charlie, this is Ate Aliyah..." Pinakilala niya kami sa isa't isa.

"Hi Charlotte..." Inabot ko ang kamay ko nang may buong ngiti sa kanya. Pero tinignan lang niya ito. At inirapan niya pa ako pagkatapos.

"I don't do handshakes." Mukha pa lang ay sobrang taray na kaya hindi na ako medyo nagtaka sa inakto niya. Tumikhim ako habang binabawi ang kamay. "I do beso instead... a-ate..." Tipid itong ngumiti bago ako nilapitan upang makipagbeso.

Mas lalo kong nalanghap ang bagsik ng pabango niya. Pero hindi naman masakit sa ilong. Mas lalo mo lang mapapatunayan kung gaano siya ka-sexy at ka-mature sa edad niya. Tinawagan niya akong ate kaya siguradong mas matanda ako sa kanya.

Ang unfair lang dahil mas bata pero mas pinagpala. Natatakpan ng blazer ang hinaharap ko kaya parang walang wala sa kanya. Fitted dress pa naman ang suot, kitang kita ang hubog ng katawan. Mala-hour glass!

Fallin All In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon