Daig ng lakas ng tibok ng puso ko ang lakas ng hampas ng mga alon... Ang marahang ihip ng hangin ay kasing rahan ng brasong nakapalupot sa beywang ko... Sa malakas na sinag ng araw na nakatutok sa lalaking katitigan ko'y nagmumukha itong anghel mula sa langit na sinusundo ako.
Pero ngayong nasa harapan ko na siya... ngayong natupad ang senyales na hiningi ko... Sasabihin ko na ba? Na pumapayag na ako?
"Just kidding," parang binuhusan ng malamig na tubig ang puso ko sa sinabi niya. "Talia said there's something you wanna tell me, so I came all the way here to know what it is."
Inis ko siyang tinulak kaya nawala ang hawak niya sa beywang ko. Inirapan ko muna siya bago tinalikuran at mabilis na naglakad palayo.
"Wait! Hindi ka na magpi-picture?" Nararamdaman ko ang pagsunod niya kaya mas binilisan ko ang paglalakad.
"Okay na ako!" Kahit wala namang nakuhang letrato.
Sadya na naman... Kaya bakit ko sasabihin? Bakit ako papayag? Kung ang mga kaibigan ko ang tumupad ng senyales at hindi naman ang tadhana?
Bumalik ako sa pool area, nakabusangot. Naabutan ko sina Jil na nagk-kwentuhan at parang gusto kong makichismis. Baka sakali ding mawala kahit papaano ang iritang nararamdaman ko kung magbabad ako sa tubig. Marahas kong inalis ang scarf na nakabalot sa beywang ko ngunit sa pagmamaktol ko'y lalo lang nabuhol.
Napasigaw ako sa inis. Mabuti na lang at walang nakarinig. Ang mga kaibigan ko lang naman ang naririto. Mga kaibigan kong wala pang pakialam sa akin.
Balak ko nang kumuha na lang ng gunting at gupitin ang scarf o kaya nama'y punitin na lang gamit ang malakas na pwersa nang magyelo sa biglang lumapit sa 'kin.
"Let me..." Napalunok ako nang lumuhod ito sa harapan ko at simulang kalasin ang buhol ng nakataling scarf sa beywang ko.
Naririnig ko ang impit na pagtili ng mga kaibigan ko habang kagat ko naman ang ibabang labi't humihiling na sana'y matapos na 'to. Nagkatinginan kami nang tuluyan niyang maalis ang scarf sa beywang ko.
"T-thankyou..." Pasasalamat ko kahit parang nalulunod na naman sa malakas na kabog ng dibdib.
Kumunot ang noo ko nang itali niyang muli sa beywang ko ang scarf at mas higpitan pa ang pagkakabuhol. "Your bottom's too revealing..." Tumayo ito atsaka ako iniwang nganga.
"Pake mo?!" Hinabol ko siya. "Hoy! Gusto kong mag-swimming!"
"Swim with that on." Huling sinabi niya bago ako iniwang mas laglag ang panga.
Pero parang mas kumportable nga kung may suot akong scarf. Manipis ang pang-ibaba ko at hindi ako sanay kaya nagbabad na lang akong may suot na scarf.
"Ano? Kayo na?" Sa uri ng tingin ni Jil, mukhang may kinalaman sa pagdating ni Baron dito.
Umiling ako. "Sabi ko, papayag ako kung nagkataong magkita kami, hindi kung may pumilit na magkita kami." Tinignan ko sila isa isa.
"Hindi mo ba pinilit? Balita ko pumunta kang Kuaneo kahapon?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Nica. "Dami niyong paparrazi, e..." Sinasabi niyo bang may pasikreto na namang kumuha ng letrato sa akin?!
"Yes, we may have told him that you want to say something to him but he didn't have to come all the way here..." Pangangatwiran ni Talia. "Don't waste his effort..."
Napaisip ako nang malala sa sinabi ni Talia. Nagpatuloy hanggang matapos kaming mag-swimming at ngayong nagbibihis na para sa dinner namin.
BINABASA MO ANG
Fallin All In You
Teen FictionSinging Series #1 : "Nothing in life comes easy..." The reason why Aliyah Mikaya Dela Torre rejected Baron Xavier Gailford's offer to use each other for fame. Yes, it was always her dream to get recognized by people... But she never once thought tha...