"Congratulations to our new social media love team!"
Kakatapos lang naming pirmahan ang kontrata at magkaroon ng picture taking. Mabuti na lang at maganda ang suot ko at binigyan ako ng oras na ayusin ang sarili. Ngayon ay kumakain na kami, nag-abala pa kasi ang agency ni Syer at nagpa-cater.
"Grabe 'yung support ng mga tao sa mga social media love teams today 'no?" Habang tahimik na inuubos ang pagkaing kinuha ko ay pinakinggan ko ang pinag-uusapan ng mga manager namin at iba pang mga taong parte ng naging contract signing.
"Yes... Parang hindi na nga napapansin ang mga artista na love teams kase maaarte and may specific network na pinagtatrabauhan and all but the socmed couples are free, so inuulanan ng mga endorsement, and sponsorship..." Napatango tango ako sa narinig.
Sobrang tampok ng mga social media couples ngayon. Simula nang magkasundo kami ni Xavi na magharutan sa internet, nagkalat ang iba't ibang mga love teams tulad namin.
"Hi..." Lumipat ang tingin ko kay Syer na inutusan ata ng manager niya na tumabi sa akin. Mukhang napilitan. At ginagawa lang din ang lahat ng ito para sa trabaho.
"Hello... Kumusta?" Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam ng awkwardness sa gitna naming dalawa dahil hindi pa ako ganoon kakumportable sa kanya o ano.
"Good, you?" Tumango ako sa sinagot niya.
"Ayos lang naman, Syer..." Nilibot ko ang paligid gamit ang tingin. Hindi ko na kayang makipagtinginan pa sa kanya. Masyado akong naiilang. Hindi pa ako sanay kasama siya.
"Just call me, Sy... And uhm... Let's both work hard and make a great team." Naglahad ito ng kamay at kaagad kong inabot ang kamay ko, pinipilit na makipagkamayan nang maayos sa kabila ng pagka-ilang.
Pero mawawala din naman ang nararamdaman kong ilang kapag medyo tumagal na kaming magkasama. Magkikita na rin naman kami madalas simula ngayon. Masasanay din ako.
"And One, Two, Three, Four, spin! Five, Six! Embrace! Seven, Eight, Eight, Seven— Again!" Nagkamali ako ng galaw kaya inutusan kami ng choreographer na ulitin ang sayaw.
"Sorry po... Hindi po kase ako ganoon kagaling sumayaw..." Hindi din flexible kaya medyo nahihirapan ako.
"You always forget to face me during the embrace." Idagdag pa na 'tin ang hiya ko kay Syer. Ewan ko ba. Masyado akong naninibago sa kanya. Ibang iba kase ito kay Xavi.
May commercial kami na shinoshoot ngayon. Para ito sa isang napakasikat na online shop. Katatapos lang naming magphotoshoot. Kaagad natapos dahil isang layout lang. At habang hinihintay iprepare ang magiging background namin sa i-shoshoot na commercial ay sinimulan nang ituro sa amin ang cha cha na sasayawin sa bandang huli ng commercial.
"Alisin na lang kaya na 'tin ang embrace? Para okay na! Need pa sila ayusan, e..." Suhestyon ng alalay ng nagtuturo sa amin.
"Osige sige! Last na! Before kayo magpa-ayos! Five, Six, Seven, Eight! And One! Two..." Sinabay nito ang palakpak sa bawa't bilang. Para hindi kami malito ni Syer. Lalo na ako. "Perfect!"
Sa awa naman ng may kapal ay nagawa ko na nang maayos. Kaya ko naman. Nagagawa ko. Ngunit hindi maayos dahil hindi nga ako kumportable.
The more I get to know Sy, the more I find him very intimidating. International model pala ito. At lumaki sa ibang bansa kaya medyo hindi magandang pakinggan ang pagtatagalog niya. Pero nakakaintindi naman ito at medyo nakakapagsalita.
BINABASA MO ANG
Fallin All In You
Teen FictionSinging Series #1 : "Nothing in life comes easy..." The reason why Aliyah Mikaya Dela Torre rejected Baron Xavier Gailford's offer to use each other for fame. Yes, it was always her dream to get recognized by people... But she never once thought tha...