Chapter Twenty One

339 16 24
                                    

"Congratulations to the newlyweds!"

Saka ko lang naalala na hindi lang pala kami ni Xavi ang tao nang sumigaw si Ayden, na isa sa mga nag-ayos dito, kanina niya pa nga pinagmamalaki ang ambag niya, e, nagkalat lang naman ng petals hanggang sa makabuo ng hugis puso.

"Pfft! Should we leave na ba?" Nakangising tanong ni Jasmine.

"Yeah! We should! Everything's good na rin naman! Oh! Please give us a feedback about the food pala! Kuya Volo was the one who cooked them! But he had to leave because he has to attend his flying classes pa..." Napa 'o' ang bibig ko sa sinabi ni Illiana. "And we're gonna leave na rin pala! Enjoy, love birds!"

"Stay strong! I hope your relationship lasts! Ng mga half a year!" Pahabol na biro ni Marco bago kami tuluyang nilubayan.

Dumiretso kami ni Xavi sa lamesang nasa gitna ng mga nakakalat na petals na nakahugis puso. Tinulungan niya muna ako sa pag-upo gamit ng paghatak ng upuan ko at pagtulak papalapit sa lamesa nang makaupo ako bago ito dumiretso sa kanyang upuan.

Inabutan niya din pala ako ng bulaklak na hawak ko ngayon habang kasalukuyan niya akong kinukuhanan ng letrato.

"Sana sinabi mong may pa-ganito ka! Para sana nag-ayos ako! Pawis na pawis ako, oh! Tapos mabaho pa!" Inamoy ko ang sarili ko at totoo nga. Medyo may amoy na nga ako.

"It doesn't really matter. I love you." Parang musika sa tenga ang bawa't katagang sinasabi ng boyfriend ko. "Let's bless our food before we eat!" Napangiti ako sa sinabi niya.

Ginawa namin 'yon bago sinimulan ang pag-kain. "Ang sarap! Ang galing magluto ni Volo!" Parang mas masarap pa ang luto niya sa 'kin! "Nag-aral ba siyang culinary?" Umiling si Xavi.

"Alam ko... it's just his hobby..." Nalaglag ang panga ko. Hobby tapos ganito kagaling?

"Ang perfect naman ni Volo! Gwapo na, matalino pa tapos masarap pang magluto! All in one—" Natigil ako nang mapansing nagsasalubong na ang magkabilang kilay ng kausap ko at humahaba na ang nguso nito. "Pero syempre, ikaw pa rin pipiliin ko! Kaya ba ni Volo magbasketball?"

"Yeah." Parang may bumara sa lalamunan ko. "I love playing with him, actually, because he's good but ayaw niyang sumali sa mga bball teams and play sa mga competitions."

"Tama na kay Volo! Ikaw naman! Dahil boyfriend na kita, dapat alam ko na lahat ng tungkol sa 'yo! Anong oras ka pinanganak? Saang hospital? Ano first word mo? Kailan ka naglakad? Tuli ka na ba?" Dire-diretso ang pagbabato ko ng mga tanong kaya hindi ko na iniisip ang mga pinagtatanong.

"The fuck?" Mukhang hindi ito makapaniwala sa huli kong tinanong.

"Joke lang 'yung huli! Pero pakisagot lahat ng tinanong ko! Tapos kung pwedeng magdagdag, go lang! I'm willing to listen!" Nilapit ko ang tenga ko sa kanya.

Halos umabot kami ng madaling araw kakasabi ng mga impormasyon tungkol sa amin sa isa't isa. Mabuti na lang at holiday bukas. Kaso may gagawin ako. Kaya kinailangan pa akong ihatid ni Xavi pauwi sa condo ko.

"Ingat sa pagd-drive, Xav, ah?" Bilin ko sa kanya pagkatapos humalik at bago tuluyang bumaba sa sasakyan.

"Yes po. Good night, boo... Sweetest dreams..." Tinanguan ko na lang ang sinabi niya dahil nag-good night naman na ako kanina, ilang beses na nga, e.

Masaya akong naglakad papasok sa condo. Para akong nasa isang masayang music video kung umarte. Mahinhin kong pinindot ang elevator at pasayaw na pumasok nang bumukas. Nakangiti akong naghintay at parang prinsensang tumakbo papunta sa pintuan kong nakabukas.

Fallin All In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon