Chapter Twenty

372 14 15
                                    

"Xavi! Sinasagot na kita! It's a yes! Love you!"

Malakas akong sumigaw dahil medyo malayo ang agwat namin. Nasa bakuran ito, abala kakagawa ng mga kung ano anong pinapagawa ni lolo habang nasa loob naman ako ng kwarto ko, binuksan ko ang isa sa mga bintana ko upang makita siya at makawayan nang mabasa ang mensahe niyang bumisita na naman ito sa bahay.

Isang linggo na mula nang ligawan niya ako subalit hindi pa rin ito tumitigil sa mga pakulo. Naligo muna ako bago bumaba upang kamustahin siya. Hindi pwedeng naka-pajama pa ako't gulo gulo ang buhok tapos nakakamatay pa ang amoy ng bibig.

"Good Morning! Merienda muna!" Nang iabot ko ang sandwich at juice na ginawa ko para sa kanya ay sinimulan kong punasan ang pawis niya.

"Have you eaten breakfast?" Umiling ako. Inuna ko kase ang paghahanda sa pagkain niya tapos dumiretso na kaagad ako dito. "Say ahh..." Kumunot noo ko nang ilapit niya ang sandwich sa 'kin, pero kinagatan ko pa rin dahil nagugutom na ako. "Don't starve yourself..."

"Ikaw nga pinapagod mo sarili mo! Ikaw pa mismo nagpupumilit kay lolo na pahirapan ka!" Noong nakaraang linggo, pagkatapos ng kaarawan ko ay ganito din ang mga pinaggagawa niya.

"Kase nga this will be my last time to make ligaw someone that's why I want to make the most—" Hindi ko siya pinatapos at sinuksok sa kanyang bibig ang sandwich na katatapos ko lang kagatan.

"Hayaan mo na 'yang si Baron, apo... Ayaw mo ba n'on? Kitang kita mo ang determinasyong makuha ulit ang puso mo..." Napangiti ako sa sinabi ni lolo. Hindi nila alam na walang namagitan sa amin ni Baron noon kaya akala nila'y nakikipagbalikan lang ito.

"Nakuha niya na, lo! Ba't pa siya magsisibak ng kahoy at mag-iigib ng tubig! Pinapahirapan niya lang ang sarili niya!" Atsaka aanhin ko ba ang mga naigib niyang tubig at nasibak na mga kahoy?

"I don't care... I love you..." Kinindatan niya ako bago pinagpatuloy ang ginagawa. "Eat breakfast na, I ordered your favorite food..." Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa dahil sa sinabi niya.

"Sa 'kin 'yung nasa lamesa?!" Nang tumango ito ay kumaripas na kaagad ako ng takbo papunta roon. Akala ko kay Rona. Medyo maarte kase sa mga gustong kainin dahil buntis.

Nakitulog si Xavi sa amin. May extra bed naman na hinihila sa ilalim ng kama ko kaya doon siya pumwesto. Ang himbing nga ng tulog, e. Pagurin ba naman ang sarili.

Ngayon ko pa lang ito napagmasdan nang ganito katagal habang natutulog. At isa lang ang masasabi ko, mukha talaga itong anghel. Na kayang paabutin sa langit ang ngiti ko... kaya akong dalhin sa langit sa pagmamahal niya...

Ramdam na ramdam ko ang sensiridad ng lalaking 'to. Ramdam na ramdam ko din, katulad niya, na siya na ang lalaking pakakasalan ko. I feel very safe and home when I'm with him.

Naisipan kong paglaruan saglit ang mukha niyang sobrang amo. Pinadulas ko ang aking hintuturo sa matangos niyang ilong. Balak ko sanang pisilin nang marating ang dulo subalit bigla itong humilik. Mahina lang naman kaya lalo akong natawa. Hindi naman daw kase ito humihilik, sa pagkakaalam ko. Kaya siguradong napakapagod niya ngayon.

Linggo kinabukasan kaya kailangan na naming bumalik sa Maynila. Bago 'yon ay nagsimba muna kami. Sumama si Xavi pero humiwalay siya dahil baka may makakilala daw kahit na protektadong protekado ito at hindi kita ang mukha.

Sabay kaming bumalik. Nagpumilit pa nga itong pagbuksan ako ng pintuan subalit hindi ako pumayag dahil sa tapat ng building lang niya ako ibababa. May mga tao sa paligid at baka magtaka sila kung sino ang kasama ko. Agaw pansin pa naman ang kupya, face mask at sunglasses ni Baron. Para itong k-pop idol.

Fallin All In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon