Lianne's pov.
"Kuya hansol... payagan mo na kasi ako..." nag mama kaawang sabi ko sakanya... naka uwi na ako... ngayon lang... narinig ko kasi... yung usapan nila kanina ni Taeyong oppa... sa cellphone... gising na daw si Ten...
"Lianne umakyat kana doon sa taas... mag pahinga ka muna... hindi kapa doon pwedeng pumunta..." saka umupo sa sofa.. umakyat nalang ako sa taas... para dalhin yung mga gamit ko... ano pabang magagawa ko...
Linagay ko sa isang upuan yung bag ko... saka humiga sa kama ko... na miss ko tong kwarto ko... ilang araw rin kasi yung tinagal ko sa ospital ehhh....
Tawang tawa pa nga ako kay Kai nong siya yung nag bantay sakin. Pano ba kasi ang tanga... ni hindi manlang marunong mag hugas ng pinggan... buti nga dumating agad noon si kuya... kung hindi baka puro basag na yun lahat...
Gumulong gulong lang ako sa kama ko... saka ko ulit natandaan yung mga masayang alaala namin ni Ten dito sa kwarto ko... yung time na nalasing ako... at yung sumakit yung puson ko...
Tumayo ako saka... tumingin sa bintana... yung bahay nila Ten... yung oras na mag katapat lang yung bahay namin...
Tiningnan ko lang yung bahay nila... pero napansin kong parang nag lilinis yung caretaker saka may mga kasama pa siyang mga babae... naka suot ng pang maid na damit...
May dadating ba? Siguro ewan? Bumalik lang ako sa kama ko... saka humiga... naka tingin lang ako sa kisami ng kwarto ko...
Tumayo ulit ako... saka pumunta sa closet para mag hanap ng damit... pero napa tingin ako... sa kabinet ko may naka ipit na papel ehh...
Binuksan ko yung drawer pero ang hirap ma buksan... hinila ko ito ng mahigpit... saka lumantad sakin... yung maraming sulat... kanino galing to?
Binasa ko lang ang mga pangalan... at iisa lang yung mga naka lagay na pangalan... puro kay Ten lang... pero mas nabigla ako sa isang sulat na binuksan ko... may mga pictures namin... binasa ko yung naka lagay na sulat...
You're pretty for what you are...
You're beautiful in what i see...
You're lovely the way the flowers are...
You're my everything even if others won't let us...
Cause your mine and only mine...You're one and only..
Ten...Bigla naman akong napa ngiti... hindi ko talaga alam na magaling tong si Ten mag pa kilig... pero yung mahirap lang sakanya... hindi niya masabi... sa sulat niya pa dinadaan...
"Lianne! Alis muna ako." Sigaw ni kuya mula sa baba...
"Yes kuya." Bigla naman akong napa ngiti... dahil sa naiisip ko... pupuntahan ko si Ten... para akong baliw na ngiti ng ngiti... sino ba naman hindi mababaliw kapag makikita niya yung taong mahal niya...
Hinintay ko lang na maka alis yung kotse ni kuya... saka ako nag bihis...
Agad naman akong bumaba... pag katapos kong mag bihis... nag tawag agad ako ng taxi... saka sumakay...
Tiningnan ko lang yung phone ko... saka nakita yung pictures namin dalawa ni Ten... ang saya siguro namin ngayon... kung hindi to nangyari kasalanan ko naman ang lahat ehhh...
Pag kahatid sakin sa ospital... agad naman akong nag bayad... pumasok na ako sa ospital...
"Ms. Saan dito yung roon ni Mr. Leechaiyapornkul?." Tanong ko sa babae na nurse...
"Wait lang po maam..." bigla naman akong kinabahan... pano kung umalis na siya...
"Na discharge na po siya maam kanina lang..." bigla naman ako nanghina...
"Sinong kasama niya?" Tanong ko malay mo alam ng nurse...
"Yung mama niya po saka yung pinasan niya..." ito na nga yung sinasabi ko ehh...
"Sige salamat..." saka ako tumakbo palabas... nag tawag ulit ako ng taxi... baka umuwi na siya doon sa bahay nila...
Pag ka dating ko... kumatok agad ako sa gate nila... bigla na namang bumigat yung mga mata ko... bigla namang may nag bukas na babae... na maid.
"Yes po?" Tanong niya...
"Nandito po ba si Ten?." Umaasang tanong sakanya...
"Wala na po maam... ngayon po yung flight nila pabalik ng Thailand..." bigla naman akong bumagsak... saka tumulo yung luha ko...
Bakit? Bakit ang sama sama ng Tadhana sakin? Deserve ko bang masaktan ng ganito?
Tumayo naman ako... saka nag tawag ulit ng taxi... kailangan kong makita si Ten kahit ngayon lang...
Pag ka dating ko sa airport agad naman akong pumasok... saka pumunta sa loob para mag tanong...
"Ms. Naka alis na ba yung flight pa puntang Thailand?." Sana hindi pa... please sana hindi pa siya naka alis...
"Naka alis na po maam..." sabi niya... pag katapos non umuwi na ako... ilang luha naba yung naubos ko... sana dugo naman yung susunod...
Pumasok lang ako sa loob ng kwarto ko... hindi ko manlang siya naabutan... pabagsak akong humiga sa kama ko... saka nag patong ng unan sa mukha ko... hindi ko parin mapa tahan yung sarili ko...
Hindi rin ako dinadalaw ng antok... gusto ko nang mag pahinga... pagod na ako kakahabol sa taong hindi ko naman mahahabol...
Tama nga yung sabi ni kuya once na sumuko kana walang balikan kailan ba ako magiging masaya?.
"Lianne.." rinig kong sabi ni kuya... hindi ko lang siya sinagot. Narinig kong umakyat siya inayos ko yung sarili ko..."Lianne pwedeng pumasok?." Tanong niya...
"Sige lang pumasok kana kuya..." saka siya pumasok... umupo siya sa tabi ng kama ko... pinipigilan ko talagang umiyak...
"Kuya... asan si Ten?" Nabigla naman siya... saka umiwas ng tingin... napa hinga nalang siya ng malalim...
"Hindi mo pwedeng malam-" pinutol ko agad yung sasabihin niya...
"Bakit kuya... dahil iniwan niya na ako... dahil bumalik na siya sa Thailang... dahil ayaw niyo akong masaktan..." saka tumulo yung luha ko...
"Kuya mas masakit tong nararamdaman ko... yung wala akong alam... yung mukha akong Tanga..." gusto ko na kasing ilabas yung sama ng loob ko...
"Tanggap ko na naman... kung ano yung gusto niyang magyari kung hindi niya na ako mahal... gusto ko lang malaman... kasi kung hindi ko malalaman baka umasa na naman ako..." yinakap lang ako ni kuya...
"Kuya ang sakit ehh... palagi nalang ba akong... iniiwanan... kuya hindi ko kaya na wala si Ten..." napa hinga lang siya ng malalim... umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa naka tulog ako... everything in my dream is so wonderful... but not in the reality...
______________
BINABASA MO ANG
Mr. Pervert || WayV Ten Ff
Fanfiction"𝓗𝓲𝓷𝓭𝓲 𝓪𝓴𝓸 𝓷𝓪𝓰𝓲𝓷𝓰 𝓶𝓪𝓷𝔂𝓪𝓴 𝓹𝓪𝓻𝓪 𝓼𝓪𝓴𝓽𝓪𝓷 𝓴𝓪... 𝓷𝓪𝓰𝓲𝓷𝓰 𝓶𝓪𝓷𝔂𝓪𝓴 𝓪𝓴𝓸 𝓹𝓪𝓻𝓪 𝓶𝓪𝓱𝓪𝓵𝓲𝓷 𝓴𝓪." ✔𝓒𝓸𝓶𝓹𝓵𝓮𝓽𝓮𝓭 𝓝𝓣𝓣 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #2 𝓔𝓹𝓲𝓼𝓽𝓸𝓵𝓪𝓻𝔂 𝓓𝓪𝓽𝓮 𝓢𝓽𝓪𝓻𝓽𝓮𝓭: 𝓙𝓾𝓷𝓮 10, 2017 𝓓...