A/N: Owkay. Eto muna ang UD ko ngayon. XDD Magiging inactive muna aketch ng ilang araw. XDDD Di muna ko magkokompyuter gawa ng magdamag na pagdodownload ko ng Exo’s First Box na hindi ko malaman kung bakit nacacancel. XDD Labyu guyszxs XDD
**
Chapter 4
"P***** *** KASING LUHAN YAN EH!!!! SIYA ANG MAY KASALANAN NG LAHAT!!!!!!!!!"
Nandilat ang mga mata ng Exo dahil sa sigaw at paninisi mo kay Luhan, pero hindi mo iyon pinansin at daredarecho ka lang nagpunta sa dining area ng kanilang dorm.
Inagaw mo kay Kyungsoo ang hawak nyang kaldero at kumuha na ng plato. Habang si Luhan, hindi napigilang ipagtanggol ang kanyang sarili.
"Miss.. Bakit ako ang sinisisi mo? May nagawa ba kong mali?" Mahinahon nyang tanong.
Binigyan mo naman siya ng deathglare at saka sinabing, "Kung hindi dahil sayo edi sana hindi ako napagkamalang ikaw kanina sa Airport!!! Kung hindi ako pinagkaguluhan edi sana nasaken pa ngayon yung wallet ko!!! At kung hindi sana kita kamuhka, edi sana wala ko ngayon dito at namemeste sainyo! Kasalanan mo to Luhan! Kasalanan mo!!!"
Kitang kita mong nag uusok na ang ilong ni Luhan at nag aapoy na ang kanyang mata. Pero ang pinagtataka mo, bakit ang kalma kalma pa nya?
"Alam mo miss.. Hindi ko kasalanan kung kamuhka kita. Bakit hindi mo sisihin ang nanay mo kung bakit saken ka pa nya pinaglihi?"
"Lakas ng loob mo para idamay nanay ko ha! Chaka tanga ka ba? Baket? Nung pinagbubuntis ba ko ng nanay ko sikat ka ng hayup ka? Isip isip din. Bobo nito."
Nagsimula ka ng kumain ng mga pagkaing inihanda ni Kyungsoo sa harapan mo. Habang ang pikon na pikon na si Luhan ay nagwalk out nalang dahil baka kung ano pa ang magawa nya sayo.
"Hay nako.. Magkamuhkang magkamuhka nga sila ni Luhan. Yun nga lang ibang iba ang ugali nito kay usa. Kung anong bait at tahimik ni Luhan syang sama at ingay nito eh. Kababaeng tao pa naman." Bulong ni Kris na napailing iling.
Gusto mo sanang bungangaan si Kris dahil narinig mo ang sinabi nya, pero wag na. Nag eenjoy kang kumain eh. Maybe next time nalang.
"Ano palang maitutulong namin sayo Muecan?" Tanong sayo ng mala anghel na si Suho.
Napainom ka naman ng tubig at saka sinagot ang kanyang tanong.
"Bigyan nyo ko ng basic needs ng isang tao. Pagkain, damit, tirahan. Trabaho narin. Kahit p.a. nyo lang, pwede na."
Nasamid naman ang kasalukuyang umiinom ng juice na si Chanyeol.
"*Cough* Anong kala mo *cough* sa---men. Walking *cough* bank?"
![](https://img.wattpad.com/cover/13637015-288-k977631.jpg)
BINABASA MO ANG
Being Exo Luhan's Look-Alike (Exo Fanfiction) [Completed]
FanficSi Muecan ay isang dalagang lapitin ng mga tao dahil hindi maipagkakailang kamuhka nya ang sikat na myembro ng EXO na si Lu Han. Ano nalang ang mangyayari sakanya kapag pumunta sya ng Korea at magkabanggaan ang kanilang mga landas? Magkaron kaya ng...