Chapter 34

4.7K 184 64
                                    

Chapter 34

Asusual, matapos gumaling ni Luhan ay bumalik na ang lahat sa dati. Isang sikat na myembro ng grupong EXO si Luhan kaya't kailangan nyang bumalik sa practice upang mapaghandaan ang nalalapit nilang concert.

Nakatingin ka lang sakanya habang nag susuot na sya ng kanyang sapatos.

 

"Sigurado kang okay ka na?" Medyo nag aalala mong tanong. Hindi naman sya umimik. Tumango lang sya sayo.

 

"Eh ang EXO? Okay na ba kayo ng ibang members? Galit pa ba sila sayo?" Napatigil naman sa pagtatali si Luhan at napabuntong hininga dahil sa ikalawang tanong mo. Napakibit balikat lamang ang binata at tumingin sayo.

 

"Dami mong tanong ah. Eh ikaw? Nakapag move on ka na ba?"

Tila umurong yata ang dila mo sa tanong nya. Gusto mo sanang sumagot ngunit natahimik ka nalang rin at napakibit balikat.

 

"Nay.. gaya gaya." Pangangantyaw ni Luhan sayo. Napairap ka nalang habang nakikita mo syang nakangiti.

Kakaibang ngiting may kakaibang ipinararating.

 

"Geh na. Alis na ko. Bye bh3."

Natigilan ka naman sa sinabi nya at tila nabilaukan ng buto ng manok sa lalamunan. "ANONG BH3 KA DYAN?!?? FEELINGERO TO AH! KELAN PA NAGING BH3 YUNG TAWAGAN NATIN, LIKE DUH..." Maarte mong pagdedepensa habang nakacross arms pa at nandidiri. Aba. Bakit masyadong defensive?

 

"Woo. Kunyare ka pa.. Kinikilig ka naman. :3" Kantyaw nya ulit kaya't binato mo na sya ng unan ngunit nakailag agad dahil lumabas na sya ng bahay.

Naiwan kang naiinis habang pumapadyak padyak. Akala mo tuluyan na syang umalis ngunit hindi pa pala.

Napatalon ka bigla sa gulat nang makita mo ulit ang ulo ni Luhan na nakasilip sa pinto. "PS, Hindi na tatalab ang pulbo, kaya maglagay ka ng harina sa muhka mo. Nang hindi ko nahahalatang namumula ka. Bye bh3."

Napaungol ka nalang sa inis at sinipa ang sofa set. "NYETA YAN!! FEELER PARE! AMP!"

 

**

Kabado si Luhan habang naglalakad sya towards the Practice Room Door. Hindi nya kasi alam kung merong pagbabago sa pakikitungo ng mga members pero syempre, kahit malabo ay umaasa syang babalik ang lahat sa dati.

Napahinga muna sya ng malalim bago tuluyang pumasok sa kanilang practice room.

 

"Hyung.."

Nagulat si Luhan nang may sumalubong na boses sakanya. Hindi boses ng matalik nyang kaibigan na si Xiumin kundi boses nang isa sa mga myembrong namiss nya.

Being Exo Luhan's Look-Alike (Exo Fanfiction) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon