Chapter 38

5.1K 209 64
                                    

A/N: Magiging magulo na ang lahat. Kaya handa nyo na utak nyo. xD

**

Chapter 38

Iminulat mo ang mga mata mo't nakitang umaga na. Hindi mo mapigilang ngumiti habang nag uunat unat. Tumalon ka agad mula sa kama mo at masayang lumakad papunta sa baba.

Ramdam mo parin na namumugto ang mga mata mo. Sumisinghot singhot ka pa nga dahil sa sipon. Pero pinili mong maging masaya. At kung tutuusin, narealize mo na ring tama ang ginawa mong desisyon.

"Goood Mooooorniiiingg!! :D" Masiglang bati mo kay Luhan nang makita mong umiinom sya ng kape sa baba. 

Napasimangot ka bigla ng hindi ka nito pansinin. Napakibit balikat ka lang at naisip na baka hindi ka nya narinig.

"Uiiii~ Kumain ka na ng almusal?? :D Kung hindi pa, Anong gusto mo? Ipagluluto kita! :))" Offer mo dito habang kumukuha ng tubig sa ref. 

Hindi naman ulit ito sumagot. Ngunit nakita mo ang irap na ginawa nya.

"Huy bh3.. Galit ka ba sakin?" Sabi mo na ineemphasize ang salitang bh3 upang mapalingon sya. Pero hindi pa rin eh. Lalapitan mo sana sya't tatabihan sa dining table pero tumayo na sya't umalis.

"Problema nito??" Nakataas na kilay mong tanong.

Pilit kang ngumiti at napailing iling sa pag iisip na baka wala lang sa mood si Luhan. Naisip mong bakit hindi mo kaya ikwento sakanya ang nangyari kagabi? Baka sakaling magbago ang mood nya.

Umupo ka sa sofa set kung saan sya nakaupo at ngumiti. "Ui.. Alam mo ba.. magkasama kami ni Sehun kagabi." Panimula mo. "Nag usap kaming dalawa tungkol sa pag ibig. Sinabi nyang mahal nya pa ko."

Napakuyom na si Luhan sa kanyang kamao. Naririndi na sya, naiinis. Ayaw nyang marinig pa ang sinasabi mo kaya't tumayo na sya.

"Ui.. Sabi ko may kekwento pa ko sayo eh!!! Di ka ba interesado? :(" Nakapout na sabi mo. Kasi for the nth time, iiwasan ka na naman nya. Hindi mo alam ang problema kaya unti unti ka na ring naguguluhan.

 

"Hindi ako interesado. -___-" Malamig na sabi ni Luhan at saka naglakad na papunta ng kanyang kwarto. Rinig na rinig mo ang malakas na pag bagsak nya ng pinto kaya't hindi mo na mapigilang mainis.

"BAKIT BA SYA GALIT NA GALIT!!? BAKIT BA SYA UMIIWAS?!? BWISIT NAMAN!! GANYAN BA TALAGA MGA LALAKE!!? UGH. -_____-" Napakamot ka sa ulo mo sa sobrang inis. "Pano malalaman yung rason ng pagtatampo nya kung hindi nya naman ako kakausapin?! ANO KO?!? PUNYETANG MANGHUHULA?!?"

Padabog ka na ring napatayo at lumakad pabalik sa kwarto mo. Ang sigla sigla mo kanina nung lumabas ka sa kwarto mo. Samantalang bwisit na bwisit ka na pagpasok mo muli rito.

Being Exo Luhan's Look-Alike (Exo Fanfiction) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon