Chapter 36

4.4K 169 63
                                    

Chapter 36

Lumabas si Kyna sa kanyang kwarto upang kumuha sana ng inumin sa kusina nang makita nya si Sehun na nakatambay sa balkonahe't nakatulala.

Napabuntong hininga ang dalaga at saka napailing iling. Nagdadalawang isip sya kung lalapitan nya ba ang binata ngunit may kung anong nilalang ang bumulong sakanya at sinabing lapitan ito.

 

"S-sehun.."

Hindi naman sumagot ang binata. Siguro ay dahil wala ito sa sarili. Wala namang nagawa si Kyna kundi tabihan nalang ang binata upang maramdaman nito ang presence nya.

"U-ui.. Kyna.."                                                   

Nakita ng dalaga ang namumugtong mga mata ni Sehun. Gusto nyang mag alala at pagsabihan si Sehun pero sino nga lang ba sya?

Fiance lang sya at hindi sya ang mahal.. Hindi sya ang babaeng gusto ni Sehung mag alala para sakanya. Kaya kahit na gustong gusto nyang pagsabihan ang binata ay wala syang magagawa. Kailangan nyang alamin ang kanyang limit upang hindi masaktan.

 

"B-bakit namumugto yang mga mata mo?" Tanong ni Kyna kay Sehun.

Napasinghot lang si Sehun sa kanyang tutulo na sanang sipon at napapahid dito. "Wala. Sinisipon lang ako."

Napailing iling na lamang muli si Kyna. Alam nyang umiiyak ito dahil sayo, Muecan. Alam nyang ikaw ang dahilan kung bakit ito nasasaktan. "Hindi ka sipunin Sehun. Bata pa lang tayo, kilalang kilala na kita. Siguro kaya ka sinipon dahil sa kakaiyak. Sabihin mo sakin Sehun ang rason kung bakit. Makikinig ako."

Napatungo naman ang binata. Hindi sya umimik. Itinungo nya lang ang kanyang ulo.

Pilit na ngumiti si Kyna at inakbayan si Sehun. "Ano ka ba! Kaibigan mo parin ako noh! Wag mong isiping andito si Kyna na may gusto't naghahabol sayo. Kundi, andito si Kyna na kaibigan mo at handang makinig sa kwento ng buhay mo." Napatawa saglit si Kyna kahit wala namang nakakatawa. "Dali na Sehun!! Nakaktampo naman to. Parang walang pinagsamahan. Kalimutan mo na lahat ng awkwardness natin nung mga nakaraang araw. XD Isipin mo andito ako bilang kaibigan mo."

Punyeta. Wala. Hindi pa rin umimik si Sehun. Hindi pa rin sya nag share. XD Nakakatawa kasi muhkang tanga si Kyna, pero at the same time, nakakalungkot kasi nakakaawa sya.

 

"Mahal mo si Muecan diba? At umiiyak ka dahil sakanya. Umiiyak ka kasi hindi mo alam kung ikaw pa ang gusto nya, tama ba?"

At boom! Napalingon si Sehun sa dalaga nang dahil sa sinabi nito. Aba. Sang lupalop naman kaya nakuha ni Kyna ang mga sinabi nya? Pano nya nalaman ang dahilan? Sabagay. Kung titingnan mo si Sehun eh parang nakasulat na sa muhka nito ang kanyang problema.

Being Exo Luhan's Look-Alike (Exo Fanfiction) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon