Chapter 18

5.9K 229 80
                                    

 A/N: owkay. Malapit na ang sagot sa tanong ng lahat. Konting kembot nalang. XDDDD Btw, Tingnan nyo yung nasa Multimedia. BWAHAHAHAHHAHAHAH XDDD OMG BAEK. XD

**

Chapter 18

/Beep beep~/

Nagising ka naman dahil sa vibration ng cellphone mo at tiningnan kung sino ang nagtext.

|From: 09871234567

Muecan. Si Suho to. Okay lang ba kung pumunta ka dito sa dorm namin? Salamat. Pasensya na sa abala.|



Napataas ang kilay mo. Teka. Bat ka naman nila papupuntahin sa dorm? Magpapatulong na naman ba silang maglinis? O pakulo lang ni Xiumin ito?

Napatayo ka naman agad sa pagkakahiga mo sa sofa at pumasok sa kwarto para gisingin si Sehun at sumabay sakanya, pero, wala na ang binata.

Napakibit balikat ka nalang at nagsimula ng mag ayos.

Bakit ka kaya pinapupunta sa dorm?

**

"Oh.. Andito na si Muecan." Sabi ni Tao pagkabukas nya ng pinto.

Dali dali namang nagpunta si Baekhyun sa kinaroroonan mo at sinampal ka ng malakas.

*PAAAAAAKKKK*

Nanlaki ang mga mata mo sa ginawa nya at kitang kita mong nanggagalaiti sa galit si Baekhyun.

"T*** *** MO MUECAN!!!!!!!"

Napanganga ka nalang. Punyeta. Pinapunta ka ba nila dito para patikimin ng malakas na sampal at mura?

"A-anong ginawa k-ko?" Nauutal mong tanong. Bigla kasing kumawala ang matapang na kaluluwa mo. Isa pa, hindi ka makasigaw sa sobrang sakit ng sampal ni Baekhyun. Hindi ka makalaban.

Alam mo naman. May dalawa kang personalidad. -_______- Yung natatameme ka nalang kapag sinisigawan at yung nagwawala ka't nagpapaulan ng mura kapag sumanib sayo ang isa mong kaluluwa.

"HAYUP KA!!! NAKITA KITA KAGABI!!!!! KAHALIKAN MO SI CHANYEOL!!!! P***** *** DIBA ALAM MO NAMAN ANG NARARAMDAMAN KO PARA SAKANYA?!??!!! PORKIT LASING YUNG TAO, PAGSASAMANTALAHAN MO NA AGAD?!?! P***!!!!! AKALA KO BA KAIBIGAN KITA?!!?!"



Hinawakan nina Kris at Suho sa balikat ang nag aamok na si Baekhyun. Samantalang si Tao at D.O naman ay pumunta sa tabi mo para icomfort ka.

"A-anong sinasabi mo??? Magdamag lang akong nasa bahay kagabi. H-hindi ako nagpunta dito."

Being Exo Luhan's Look-Alike (Exo Fanfiction) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon