Chapter 26
Dahan dahan mong iminulat ang iyong mga mata at isang tao agad ang pumasok sa iyong isipan.
"S-sehun.."
Napatingin ka agad sa binatang pumasok sa kwarto at napataas ang kilay nito.
"Sya na nga ang dahilan kung bakit ka nahimatay, sya parin ang bukambibig mo. Ays ka din noh? Tanga to the infinityth power ganun."
Unti unti na namang namuo ang mga luha sa mata mo ng ipaalala ni Luhan si Sehun. Naalala mo na naman kasi kung gano kasakit ang mga sinabi ni Sehun sayo. Narealize mong mas okay pa sanang sinabi nyang may mahal na syang iba kaysa sinabi nya sayong sinubukan ka lamang nyang mahalin dahil kamuhka mo si Luhan.
"Punyeta umiiyak ka na naman?!!? Tapos ano?!!? Mahihimatay ka na naman??! Hindi naman kasi dapat iniiyakan yung mga gag*ng ganyan! Kung di ka nila mahal, edi wag! Wag mo ipagsiksikan yung sarili mo!"
Mas lalo kang napahagulgol. Hindi naman kasi naiintindihan ni Luhan ang nararamdaman mo. Hindi.
"S-sinubukan... s-sinubukan nya lang.. A-akong mahalin.. /sob/ k-kasi.. k-kasi.. kamuhka kita..."
Hindi naman nagulat si Luhan sa sinabi mo. Napataas lang muli ang kilay nya at nagsimula na namang magtaray.
"At naniwala ka naman? Ang problema kasi sayo, ayaw mong mag isip! Teka. Isipin mo ha. Sinabi nya yun sayo, eh kung hindi ka nun minahal, bat pinost nun yung muhka mo sa instagram? Ha? Binalandra nya lang yung muhka ng babaeng lolokohin nya ganun? Di nag muhka syang playboy kapag nagkataon? Bobo." Napakamot sya sa ulo na para bang naiinis saka tumingin muli sa mga mata mo. "Nagegets mo ba?! Ibig sabihin may ibang rason yun kung bakit ka nya sinasaktan! At ang ibig sabihin nun, hindi ka nya kayang ipaglaban sa rason na yun! Kaya ang tanging nagawa nya lang eh saktan ka! Wala! Duwag pala yang EX mo! Hindi ka marunong ipaglaban!"
Hindi ka na nakapagsalita. Hagulgol ka lang ng hagulgol. Iemphasize pa daw ni Luhan ang salitang EX.
"Yan ang napapala mo! Nanghihimasok ka pa kasi sa mga buhay namen kaya ayan! Nasasaktan ka! Puro pag ibig ka kasi! Ang landi landi mong babae ka!"
Napakunot na ang noo mo sa sinabi nya. "Wag kang magsalita na para bang alam mo ang sitwasyon ko! T*** *** to."
"Pwes t*** *** mo rin dahil Alam ko!!!"
Natigilan ka naman sa sinabi nya.
"ALAM KO ANG SITWASYON MO TANGA! ALAM KO YUNG FEELING NA NAGMAMAHAL KA PERO HINDI KA NAMAN MINAMAHAL PABALIK! ALTHOUGH IKAW HINDI KA LANG NYA PINAGLABAN. PERO ISIPIN MO, MAS MASAKIT KAPAG MINAHAL MO NG TODO TAPOS EECHAPWERAHIN KA LANG DIBA???! YUNG TIPONG GINAWA MO NA YUNG LAHAT PERO WALA PARIN, DIBA?!"
![](https://img.wattpad.com/cover/13637015-288-k977631.jpg)
BINABASA MO ANG
Being Exo Luhan's Look-Alike (Exo Fanfiction) [Completed]
FanfictionSi Muecan ay isang dalagang lapitin ng mga tao dahil hindi maipagkakailang kamuhka nya ang sikat na myembro ng EXO na si Lu Han. Ano nalang ang mangyayari sakanya kapag pumunta sya ng Korea at magkabanggaan ang kanilang mga landas? Magkaron kaya ng...