Chapter 2

5.6K 172 2
                                    

"OH, ayan na iyang bahay na pagtatrabahuhan mo, ihja"

Sa isang magarang bahay sa isang bachelor subdivision ako dinala ng driver ng agency na inapplyan ko dito sa Maynila.

Sandali akong napabuntong hininga bago lumabas. "Inhale.....Exhale, kaya mo yan Annika" bulongan ko pa sa sarili ko. Ito ang unang beses na magtatrabaho ako na malayo sa amin.

"Salamat po, manong ha"

Hinarap ko ang bahay pagkaalis ng sasakyan. Sakto naman ang pagbukas ng gate nito at lumabas mula roon ang isang itim na sasakyan. Huminto ito sa harapan ko at bumaba ang bintana nito.

"Yes, lady? What can I do for you?" Bahagya naman akong nagulat ng magsalita ang gwapong lalaki na siyang namang driver nitong magarang sasakyan.

"Sir, ito po ba ang bahay ni Eng. Uvic Gene Morales? Ako po pala yung ipinadala ng agency para magtrabaho bilang yaya ng bata" sagot ko sa kanya kasabay ng pagpapakilala ko. Hindi naman maalis ang mga mata sa kanya.

Matagal niya akong tinignan na tila sinusuri bago sumagot. "Yes. You're in the right place, pasok ka na lang. Paki sabi kay manang Belen na pinapasok kita"

Bago pa man ako makapagpasalamat sa kanya at umalis na ito. Hindi ko na rin nakuha pa ang pangalan niya. Wala na akong nagawa kundi pumasok na lamang ako sa loob.

"Magandang umaga sa iyo ihja, ikaw siguro ang sinasabi ni sir na bagong yaya ni Unice" Bungad sa akin ng isang may katandaang babae. Magalang ko naman siyang tinanguan.

"Opo" sagot ko habang nag iisip pa rin nang itatawag sa kanya.

Napansin niya naman ito. "Manang Belen na lang, ihja. Halika at ililibot kita"

Isa isang tinuro sa akin ni manang Belen ang bawat sulok ng bahay. Naikwento niya rin sa akin kung gaano na siya katagal nagtatrabaho kay sir Uvic.

Napag-usapan naman naming dalawa si sir Uvic. Doon ko lang rin na kumpirma na siya iyong nakausap ko kanina.

"Mabait iyang si Sir, may kapilyuhan iyan lalo na pagkasama iyong mga kapatid niya. Kahit nadidistino sa malayo, palaging umuuwi iyon para kay Unice"

"Saan po ba si Unice, manang?" Usisa ko na sa kanya dahil kanina ko pa hindi nakikita ang bata.

"Tulog pa siguro iyon, gabi na kasi sila natulog na mag ama dahil alam nito na aalis ang daddy niya kinaumagahan" medyo natatawa pang kwento ni manang.

Sa pagpasok uli namin ni manang Belen sa bahay naabotan namin na pababa na ang isang batang babae. Maganda siya ay may pagkakahawig ito sa ama.

"Nanay Belen? Gutom na po ako" sabi nito kay manang.

Ang cute naman ng batang ito. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Agad naman siyang kinuha ni manang Belen at inihatid sa hapag kainan.

"Unice, ito nga pala si Ate Annika. Sabi ng daddy mo, siya na iyong magiging yaya mo. Gusto mo iwan ko muna kayo dito?"

Sumubo ito muna bago magsalita. "Opo, Nanay"

Natawa naman ako, sinenyasan din ako ni manang belen na tumabi kay Unice.

Medyo may pag aalangan pa ako sa bata. Ewan ko ba pero pakiramdam ko, hindi naman mahirap pakisamahan ang batang ito ngunit nahihiya pa rin ako.

"Ate Annika. Can we visit daddy po ba?"

Napaintad naman ako nang magsalita siya. Yumuko ako upang salubongin ang munting tingin nito sa akin.

Maganda talaga si Unice lalo na sa malapitan. May angulo nga ito na may pagkakahawig sa kanyang ama. Her sweet chubby cheeks looks so familiar to me. Nginitian ko naman siya bago sinagot.

The Innocent's Whisper (Completed)Where stories live. Discover now