Chapter 20

2.7K 102 2
                                    

"Hey, Annika? Are you okay?"

Napalingon ako kay Charles, na nakatayo mula sa likuran ko. Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nung umalis ako sa bahay. It was the a very difficult decision I made, but I know this is for the best for now. Ito ang kailangan ko at mas lalo na si Uvic.

Ngumiti ako kay Charles at tumango. "Anyway I have a surprise to you" Kumunot naman ang noo ko. Sinundan ko naman ang tingin niya habang nakangiting tumitingin sa pintuan. Maya-maya pa ay iniluwa nito ang isang babae.

Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti dahil sa sobrang tawa.

"INSAN!!" kaagad naman kaming nag akapan ni Leah at nagtatalon talon sa sobrang tuwa.

"Pa..paano?" Halos di ko makapaniwalang tanong.

Nagkibit balikat naman ito at tumingin kay Charles " Well,.. tumawag itong si Charles sa akin nitong nakaraang araw, Sinabi niya sa akin na malungkot ka raw kaya naman... charrrrann! I'M HERE" yumuko pa ito na tila akala mo ay nasa isang fairytale. Natawa naman ako.

"Maybe I should leave you two first ladies to fetch some drinks" Kumindat ito sa amin. Pinigilan ko naman siya para magpasalamat. He just smiled at me and patted my head bago ito tuloyang lumabas ng silid.

"Insan, oh? kamusta kana? sobrang na miss kita, palpak naman kasi, nasira yung cellphone ko eh, nahulog nung naglalaba ako kaya di na tuloy ako naka contact sayo"

"Ayos lang naman ako, insan" Giniya ko siya pa upo sa sofa para makapag usap kami nang masinsinan. Nawala naman pansamantala ang lungkot na nararamdaman ko dahil sa kanya.

" Nasabi din ni Charles sa akin na nakakaalala ka naman daw ng konte, isa ba ito sa dahilan kung bakit ka umalis doon sa pogi mong amo?" Natawa naman ako sa huling sinabi niya. Mas lalo naman akong napangiti.

Umayos ako ng upo. " Hindi naman masyadong chismoso itong si Charles ano?" Natatawa ko pang sabi.

Bumuntong hininga ako.  " Uvic, is my husband" halos walang emosyon kong sabi kay Leah. Bigla naman siyang natigilan sa sinabi ko.

"Sa reaksyon mo, sigurado akong hindi pa iyan nasabi sayo ni Charles" Nakangiti kong sabi sa kanya. Hindi ko naman napansin na pumapatak na naman pala ang mga luha ko. Naramdaman ko na lang na may panyong lumapat sa aking mga pisngi.

"Charles.."

"You should learn how to keep those tears away since it was your decision to leave"

May kung anong tumusok sa puso ko dahil sa kanyan sinabi. Sa ilang linggo kong pananatili dito sa bahay niya, hindi ko na din nabibilang kung ilang beses niya na akong nakikitang umiiyak. I cannot even sleep well at night. Walang gabi na hindi ako umiiyak. Regret. Guilt. Confusion. Yang ang mga naglalaro sa damdamin ko.

Habang nakatingin kay Charles, naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni Leah. These two people will always be my comfort zone. Hindi ako nagkamaling dito pumunta magmula nung hinakbang ko ang mga paa ko palabas sa bahay ni Uvic.

"Tahan na, Insan" Pag aalo ni Leah sa akin. Ilang sandali pa ay may pumasok na naman sa kwarto. Sabay sabay kaming napatingin doon, isang bulto ng babae at lalaki. Shielle, and Dencynt. Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko at binaling ang tingin ko kay Charles. Maya-maya pa ay pumasok na din si Rex, na sinundan ni Brian at Kristoff.

Patakbo namang lumapit sa akin si Shielle saka mahigpit akong niyakap.

"Ate Girlie!" ilang sandali pa ang mahigpit niyang yakap ay nasundan pa ng paghagulgol.

Unti-unti na naman akong nanlambot dahil sa pag iyak niya. At yung iyak na kanina ko pa gustong pigilan ay hindi ko na napigilan pa.

-----
"I DON'T WANT YOU!" I heard Unice scream while getting rid of his new yaya.
Kakapasok ko pa lang noon sa bahay

The Innocent's Whisper (Completed)Where stories live. Discover now