Chapter 17

2.7K 75 7
                                    

Pagkatapos ng munting haponan ay dumiretsyo na ang lahat sa pool area. Para magbarbeque party. Shielle and Annika together with Manang Belen are preparing the ingredients. Tumulong na din si Kristoff sa kanila, nagpapaapoy naman si Rex.

"Daddy, do I need to change?"

Bumaba ang tingin ko sa prinsesa ko na nakatayo sa aking harapan.

"Yes, baby gusto mo na ba maligo sa pool?" tanong ko dito. Mabilis naman itong tumango.

Binuhat ko naman siya papasok sa bahay para makapag bihis. Nang makarating kami sa kwarto napansin nito ang kahon na nasa sahig.

"Dad? ano po yan?" turo nito sa kahon.

"That one? hmmm. Those are mommy's things"

Bigla namang lumaki ang kanyang mga mata na parang nagulat.

"Do you mean, mommy gran? or mommy G?"

Kinuha ko ang mini one piece swimsuit nito na nasa kabit bago magsalita.

"Mommy G, baby. Your mommy"

Napansin ko ang pagkagulat sa mukha nito. Mula pa noon hindi ko na talaga binabanggit kay Unice ang tungkol sa kahit na anong konektado sa mommy niya kaya naman di na ako magtataka kung nagulat man ito sa sinabi ko ngayon.

"Can we open it daddy?" excited na tanong nito.

Pinasuot ko naman sa kanya ang one piece mini swimsuit niya.

"Sure baby but maybe later? okay lang ba yun?"

Mabilis ang pagtango tango nito. Bago siya bumaba sa kama ay kinuha ko na ang tuwalya niya para maibalot sa katawan niya.

"Ahhhmmm may pictures po ba si mommy dyan daddy?"

"Aha! pero saka na natin yan buksan baby okay? First magswimming muna ikaw kasama ang tita mo"

"Okay Daddy!"

Mabilis pa sa alaskwatro ang pag takbo nito palabas. Tumayo na din ako para magbihis. Di ko maiwasang di tignan ang mga lumang gamit ng asawa ko. It still hurt like hell.

Help me move on, dear.

Isang mahinang katok ang pumukaw sa atensyon ko. Nang pagbuksan ko ito. Nakumpirma kong si Annika pala.

"Yes?"

"Gusto ko lang malaman kung pwede rin ba akong maligo sa pool. Kasi alam mo naman yung alaga ko"

Lihim akong natawa sa sinabi nito. She sounds like Unice asking permission to eat candies right after visiting to a Dental Clinic.

"Sure you may..."

"Hays thanks LORD!"

Napataas naman ang kilay ko sa mabilis na sagot nito. I fold my arms and look at her weirdly.

"Shouldn't you say Thanks Uvic instead?"

"Na-na! Sige na po sir mag siswim swim na po ako!"

Sisibad na sana ito ng muli kong maisip na maliligo siya sa pool. Kaagad kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya.

"Wait Annika!"

Nagulohang tumingin ito sa akin maging sa paghawak ko sa braso niya.

"Bakit ho, Sir?"

"Ahmm. Just don't wear too revealing swimsuit okay?..I guess Sando and cycling is better."

Bumilog naman ang mga mata nitong tumingin sa akin na parang ako ang pinakapangit na tao sa mundo.

The Innocent's Whisper (Completed)Where stories live. Discover now