Chapter 28

2.8K 74 4
                                    

"Dito naman kami madalas kumain, ang sasarap ng pagkain dito. Gusto mo bang kumain?"

"Okay lang, libre mo ako?" Pagbibiro ko sa kanya.

"Sure!" He winked at me. Natawa na lang ako sa sinagot nito.

Kumain kaming dalawa sa maliit na karendirya. I remember he once brought me here too para kumain ng sabay sa mga kapatid niya. Oo at mayaman sila, pero hindi sila naging maarte kahit kailan sa mga pagkain lalo na sa lugar na kinakainan. Para kasi kay Uvic mas marami mas masaya raw. Most of the students eyes were on them before tuwing kumakain sila sa mga karendirya malapit sa unibersidad. Iyon din ang naging dahilan bakit mas lalo silang inadmire ng mga estudyante noon.

Bigla akong napabuntong hininga, I can remember many of my college life events pero bakit hindi ang pagkaaksidente ko?

"Bakit? Is something bothering you, Annika?" 

Ibinalik ko ang atensyon ko kay Uvic na bakas ang pag aalala sa mukha. "Wala naman, lately kasi sumasakit ang ulo ko sa pag-iisip ng mga bagay bagay" I honestly told him. 

"Gusto mo bang magpacheck-up tayo?" Tanong nito sa akin. Umiling naman ako, gustohin ko man na kasama ko siyang magpacheck pero hindi pwede. I want to do it alone.

"Wag na, kung okay lang sana sayo, magkikita kami ni Leah bukas" Pagpapaalam ko sa kanya. "Oo naman, ayos lang. As long as Charles is not around" sagot nito sa akin.

Napakunot naman ang noo ko "Ikaw talaga, wala namang ginagawa sayo yung tao. Isa pa, nasa States iyon ngayon, kaya wag kang mag-alala. Uuwi pa rin ako sa inyo"

"That sounds good" tipid na sagot nito pero nakangisi. " I might get used to it" Dagdag pa nito. Mas lalo naman akong nagtaka sa sinabi niya. Hindi ko naman siya pinansin pa at pinagpatuloy lang ang pagkain ko. 

Hindi naman nagtagal ay umuwi na rin kami. Pagdating namin ay wala pa rin sila Unice, saktong pag lapag ko ng bag sa couch ay tumunog ang cellphone ni Uvic. He answered it immediately.

"Hello... speaking...WHAT? SAAN? K, On the way!!" 

Bakas ang gulat, takot at pag aalala sa mukha niya. Wala pa siyang sinasabi pero bigla din akong binalot ng takot hindi ko ma intindihan kung bakit.

"Si... Unice..." Iyon lang ang sinabi niya pero pareho kaming parang binagsakan ng langit at lupa. Nagmadali siyang lumabas at pumunta sa garahe, kaagad naman akong sumunod sa kanya. Gustong malaman ang dahilan ng pagmamadali ni Uvic at kung sino ba iyong tumawag sa kanya. At kung bakit ganoon na lamang ang takot sa kanyang mukha.

Bago niya pina andar ang sasakyan nagbuntong hininga siya. "Unice, got into an accident..."Para naman akong binuhusang ng malamig na tubig sa kanyang sinabi. ACCIDENT? Hindi na ako naka pagsalita pa sa sinabi ni Uvic. Masyadong occupied ang isip ko sa nangyari kay Unice.

"Uvic, bilisan mo please" halos nanginginig kong sabi sa kanya. Mas lalo naman niyang pinabilis ang pagmamaneho. 

Nang makarating kami sa hospital, nasa operating room na raw si Unice. Ayon sa mga police na sumalubong sa amin na siya ding tumawag kay UVIC kanina malala daw ang tama ni Unice. She was on the back seat. Mahina lang daw ang pagmamaneho nila pero nong nasa intersection na sila bigla na lang daw may sumulpot na mabilis na track mula sa kanan. Nawalan daw ito ng preno at sumalpok sa kotse nila. Meron din umanong basak na bintana ang nakatusok sa kanya nung marecover nila. The driver has a minor injury as well as ang yaya ni Unice na parehong nasa Front seat, pero si Unice daw ang may mas malalang tama.

Hearing all of these makes my heart breaks into million of pieces. Halos hindi tanggapin ng isip ko ang nangyari. Bigla akong nawalan ng balanse, napahawak naman sa akin si Uvic. Doon ko lang na ramdaman ang lamig ng kanyang mga kamay sobrang lamig noon. He guided me to seat down on one of the benches. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng takot sa tanang buhay ko. My baby... My angel, will she be okay? 

Naramdaman ko naman na tumabi si Uvic sa akin. Inihilamos nito ang kanyang mga palad. I know... I know he needs me to comfort him. Alam kong pag masakit ito sa akin ay mas lalong lalo na sa kanya. As soon as he feel my palm in his back ramdam kong natigilan siya. He also whispered some words. 

"Not again... please not again"

Para namang kinumot ang puso ko sa mga sinasabi niya. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Alam kong kahit anong sabihin ko ay hindi iyon makakapagpagaan sa kalooban naming dalawa. Nagsidatingan sina Brian, Rex, Dencynt, Kristoff at Shielle. Pareho kaming napatayo ni Uvic at sinalubong sila. Sinalubong naman ako ng yakap ni Shielle, as soon as she hug me, hindi ko na napigilang hindi mapahagulgol. I can't stand it anymore. Kanina pa nasa operating room si Unice pabalik balik na din ang doctor sa paglabas pasok sa O.R pero ni isa walang makasagot sa tanong namin.

Hindi na namin nabilang kung ilang oras ang lumipas bago lumabas ng O.R ang doctor. Kaagad siyang sinalubong ni Uvic. "How's my child, doc?" 

"You're child is in critical condition right now, Mr. Steele. Masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya. Nalalim din ang pagkabaon ng bubog sa kanya, tumama iyon sa ibang parte ng internal organs niya. Kailangan niyang masalinan ng dugo at mag undergo ng panibagong operation. And she is now in a coma. Some matters will be discuss later, I'm sorry and excuse me"

Pareho ang reaksyon namin ni Uvic nang marinig ang sinabi ng doktor. Mas lalo naman akong nanghina. Ang baby ko.. Iyon ang mga salitang paulit ulit na nasa isipan ko. SAKIT, TAKOT AND PAG-AALALA ang nararamdaman ko. Inalalayan naman ako ni Shielle na maupo. Samantalang si Uvic naman ay napasuntok sa pader. Pinigilan naman siya ni la Rex at Kristoff.

"Ang bata pa niya! Paano kung... paano kung hindi kayanin ng katawan niya? shit!!!" Sumuntok ulit siya sa pader, at sa pagkakataong ito ay mas malakas na iyon. "Hindi ko kakayanin, hindi ko kakayanin na mawala sa akin ang anak ko" pag mamakaawa niya sa kanila. "Kuya" iyon na lang ang nasabi ni Shielle na nakatingin sa Kuya niya. I know all of them feel our pain. Walang ni isa sa kanila ang nagsalita. Hinawakan lang nila Kris at Rex ang kamay ni Uvic para maiwasan nito na masaktan niya ang sarili.

"I won't let that happen. Unice will be fine" paninigurado ni Dencynt.

"She a fighter, like you Uvic. Maniwala ka magiging okay din si Unice" dagdag naman ni Rex pero kahit ano pa man ang sabihin nito. Hindi iyon nakapagpagaan sa nararamdaman namin. Unice is too young. Kung pwede lang sana na ako na lang ulit ang naaksidente, mas gugustohin ko pa iyon kesa na ang anak ko ang nasa ganitong sitwasyong. She really does not deserves this.

Panay ang pagdaloy ng mga luha sa mga mata ko. Isipin ko pa lang ang sitwasyon ngayon ni Unice ay mas lalo lang akong di makahinga.

"Excuse me, po.. pinapasabi ho pala ng doktor na kailangan na raw pong masalinan ng dugo ang pasyente pansamantala. Sino po ang pwede?" 

"AKO!" Pareho at sabay nating sabi ni Uvic. Maging ako ay nagulat sa sinabi ko, marahil dala na rin sa pag aalala ko kung kaya hindi ko na naisip pa ang mga sinasabi ko. Nagkatitigan naman kaming dalawa ni Uvic. Puno din ng pagtatanong ang mga mata niya.

"Ibig ko pong sabihin, Ako po ba pwedeng magpatest kung pwede ako?" bawi ko.

"Ako, pwede akong magdonate, I'm her father" deklara ni Uvic sa nurse.

'''''

AUTHOR'S NOTE:

Hello guys. I already Published my first chapter of HE IS MR. RIGHT. I would really love it if you could read it and express your opinion about the story. Pinag iisipan ko po siyang isunod after dito kay Uvic. Pag naging maganda po ang feed back niyo ipagpapatuloy ko po yun kung hindi naman maybe I will post in somewhere else. Thank You!!

refer the link below:

https://www.wattpad.com/myworks/51440100-he-is-mr-right

The Innocent's Whisper (Completed)Where stories live. Discover now