Chapter 27

2.8K 73 0
                                    

Ilang araw na rin mula nung dinala ako rito ni Uvic sa bahay. Nakatawag na din ako kina Leah at Charles para sana sunduin nila ako dito. Pero pareho lang din silang tumanggi sa kagustohan ko. Ayon sa kanila, Uvic and Unice needs my time kailangan ko daw bumawi sa mag-ama ko after 6 years of being not in their side. Kung kaya naman hindi na ako nakipagtalo sa dalawang yun. I just enjoy my time being here. Wala din naman akong naging problema sa ilang araw na pananatili ko rito.

Minsan na lang din kami nagkakasagutan ni Uvic dahil sa mga pang-aasar nito. Mukhang sineryoso talaga nito ang sinabi sa akin na gusto niyang maging magkaibigan kami. In these past few days, nagiging madalas ang pagiging magkasundo namin sa mga bagay bagay. Sometimes I just can't keep myself but to admire him for being so hands-on to our daughter. Alam na alam nito ang don'ts and do's para kay Unice. I was never been wrong for thinking that he will be a great dad.

"Ang lalim ng iniisip mo ah, kape?" inabot naman nito sa akin ang extrang kape na hawak nito. Umupo naman siya sa isang upuan katabi ng upuan ko dito sa pool area.

"Medyo na bobored na kasi ako dito sa bahay, Nag iisip ako ng pwede kong pasyalan" sagot ko sa kanya. Which is also true. " Pwede naman akong mamasyal diba?" pagpapaalam ko sa kanya.

"Oo naman, hindi ka naman nakakulong dito eh" seryosong sabi nito. Humigop naman ako sa kapeng binigay niya sa akin. Ang sarap, kahit kailan hindi talaga nagbago ang timpla ni Uvic. Bahagya naman akong napangiti sa naalala ko noong unang beses niya akong ipagtimpla ng kape.

Maya-maya pa ay umunat ito ng mga braso. " You know what? Parang gusto ko ring mamasyal, I know somewhere, sama ka?" Tinigna ko muna siya ng matagal, na ninigurado na hindi kapilyuhan ang nasa isip nito. Pero nung marealize ko na parang wala naman itong halong  pagbibiro ay sumang ayon na din ako.

Tinapos lang naming dalawa ang pagkakape bago magbihis para mamasyal. Kung saan niya man ako dadalhin ay nasa kanya na iyon. Ang importante makalanghap lang ako ng sariwang hangin ilang araw na lang din kasing puro pader na lang ang nakikita ko dito sa bahay.

Habang nasa byahe kami, pansin na tila pamilyar ang daan na tinatahak namin. Hindi ko alam pero ang bilis ng tibok ng puso ko. Kung tama ang nasa isip ko, bakit? bakit dito niya gustong mamasyal?

"Saan tayo pupunta?" Hindi ko mapigilang di manigurado. "We're going to a University. Its one of my favorite place, since it was the place where I met someone who changed my life big time!" Nakangiting sabi nito na hindi man lang nakatingin sa akin. Hindi ko din tuloy maiwasang hindi mapangiti.

Pagkarating namin doon sa gate, kaagad naman siyang nakilala nang guard doon. "Boss!" pansin ng gwardya sa kanya. Tumango naman ito sabay kindat bilang pagtugon.

"Palagi ka bang nandito?" Kasi hindi pamilyar sa akin ang guard, mukhang bago ito. "Oo, instead of going to parks and other places, dito ako pumupunta. Halika, ipapasyal kita." Pinark nito ang sasakyan at nagmadaling bumaba para pagbuksan ako ng pinto.

"Ang ganda ng school namin, hindi ba?" Nilibot ko naman ang paningin ko, halos walang pinagbago ganoon pa rin, at tama nga si Uvic. Maganda pa rin ito kagaya dati. Nakangiti naman akong tumango sa kanya. Nagsimula lang kaming maglakad lakad, may mga lugar siyang tinuturo sa akin mula sa malayo. And narrating some random memories he had with that place.

"Hindi ka naman ata kasi pumapasok sa klase niyo noon eh. puro na lang tambayan ang mga itinuturo mo sa akin." Asar ko sa kanya. "Of course not! Huh! student council kaya ako dati" Pagmamalaki nito, natawa naman ako. Totoo iyon, he was a student council back then, iyon din ang naging dahilan bakit kami nagkakilala.

~~~~~

"Hey, miss? Aren't you supposed to join the University Acquaintance Party over there?" 

The Innocent's Whisper (Completed)Where stories live. Discover now