Chapter 5

3.7K 120 2
                                    

Hindi nga nagbibiro si Sir sa akin noong nakaraang araw na isasama niya ako sa outing nila. Halata din naman ang excitement kay Unice kasi ilang araw niya na rin akong kinukwentuhan ng mga nakaraang outing nila.

Nakwento niya rin sa akin na naghiking na sila noon at nagpakarga lang siya sa daddy niya hanggang maka akyat sila sa tuktok ng bundok.

Ewan ko ba at natatawa ako lalo na pag si Unice ang nag kukwento sa akin. Sobrang bibo niyang magsalita at bawat kwento nito ay nadadala niya rin ako.

"Handa na ba ang dadalhin mong mga gamit, Annika?"

Si manang Belen iyon. Tinutulonga niya kasi ako sa mga gamit na kailanganin ko.

Tatlong araw din kasi iyong outing na sinasabi ni sir Uvic kung kaya naparami na rin ang mga dala kong damit.

"Ang charger niyang telepono mo wag mong kalilimutan baka hindi ka maka contact doon sa mamang at papang mo ah." Bilin pa nito.

Napangiti na lang ako sa kanya. Ngayon alam ko na kung bakit nagtagal si manang Belen dito sa bahay nila Sir Uvic. Iyun ay dahil kung mag aruga ito ay parang tunay na ina.

Hindi rin mapagkakaila na sobrang bait ng matanda.

"Kayo po, manang? Talaga po bang okay lang kayo dito? Kung ako lang sana ay hindi na lang ako sasama kasi wala po kayong kasama dito" Sabi ko naman sa kanya.

Kahit papaano ay may katotohanan din naman ang sinabi kong yon kay manang. Lumapit siya sa akin at inabot ang tuwalya ko na dadalhin.

"Oo naman, anak. Ayos lang ako rito. Kayang kaya ko na ito. Magtatampo iyong alaga mo pag hindi ka sumama. Lalong lalo na yung ama nun. Kung alam ko lang eh"

Pangungumbinsi naman niya na may halong pambibiro.

Hindi ko naman nakuha ang huling sinabi nito. Minsan ganyan talaga si manang. Paminsan minsan na papansin ko na tila may gusto itong sabihin at hindi lamang ito matuloy dahil bigla na lang itong matatawa. Minsan gusto ko na din isipin na nag uulyanin na siya sa edad na 63.

"Teka, anong oras na ba?" Bahagya naman itong tumingala sa wall clock ng kwarto ko.

"Aba, mag aalas sais na pala gisingin mo na roon si Unice at ako na ang gigising kay sir Uvic "

"Opo manang"

Agad ko na ring tinungo ang kwarto ni Unice.

----
"Wake up, sweetie, hey, boooo"

Nagising ako sa munting mga daliring gumagapang sa mukha ko. Nang iminulat ko ang mga mata ko. Napangiti naman ako nang makita ang pinaka magandang mukha sa buong mundo.

I gave her a sweet smack in her lips. Nang e check ko ang oras, it was just 3 am.

"Why did you wake me up this early, Ang? Wala pang dalawang oras ang tulog ko"

Well, normal lang naman sa mag asawa ang mag puyatan pag gabi. At yun ang ginawa namin magdamag sa tuwing wala siyang photo shoot.

The Innocent's Whisper (Completed)Where stories live. Discover now