Chapter 19

2.6K 88 3
                                    

"IT'S already past 2 am, Guess my wife and I have to go home." Paalam naman ni Dencynt bago giniya ang kanyang asawang buntis sa pag tayo. Lenzzy gave me a sweet smile upon standing. Ilang sandali pa ay nagsitayuan na din ang iba at nagpaalam para umuwi. Si Shielle naman ay sinundo na din ng kanyang asawa.

Nang magsi uwian na ang lahat, unti-unti ko namang niligpit ang mga kalat. Uvic remain sitting while watching me. Hinayaan ko na lang siya dahil alam kong nahihilo na ito.

"Di ka pa ba matutulog?" puna ko sa kanya.

"Concern ka ba sa akin?" balik na tanong niya sa akin.

Natigilan naman ako sa nasabi nito. Nilapag ko ang hawak kong plato at tumingin sa kanya. Is he asking me a stupid question? Syempre oo concern ako! mula noon pa man ang hina na ng alcoholic tolerance mo! And now you dare yourself to drink and asking me that question? 

"What are you looking at?" dagdag na tanong niya sa akin.

"Kung ako ang asawa mo, tingin mo gugustohin kong makita kitang ganyan?"

He smirked at me. "How I wish you are her, Annika" Kinuha niya ang isang basong may laman pang alak at nilaro iyon sa kanyang kamay. Natahimik naman ako sa sinabi niya.  How I  wish you know, my love. 

Kinuha ko ang baso ng alak sa kanyang kamay. He stopped me by holding my hand. Nagulat ako sa kanyang ginawa. Uvic looked at me in my eyes full of  sincerity. Para akong nalulunod sa kanyang mga tingin. Naramdaman ko na lang ang paghaplos ng kanyang kamay sa aking mukha.

"This face... this sweet innocent face... I missed this" wala sa sarili niyang sabi. Gusto kong maiyak sa ginawa niya pero I try my best to hold my tears from falling. Binigyan ko siya ng isang ngiti.

"I miss you too Uvic" wala din sa sarili kong sabi sa kanya. Huli na nang marealize ko ang sinabi ko sa kanya. At dahil doon, hinila niya ako palapit sa kanya, dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya. Without any word he embraced me in his arms. Doon na nagsimulang pumatak ang mga luha ko.

We remained in that position for as long as I could remember. Ramdam ko rin ang pagpatak ng kanyang mga luha sa aking balikat. Pinunasan ko ang mga luha ko.

"What do you feel about me?"

Tinignan niya ako ng matagal dahil sa sinabi ko.Kaagad akong umiwas ng tingin sa kanya ta tumayo.

"Wala,, mabuti pa siguro ay matulog kana"

Akma sana akong aalis pero natigilan na naman ako nang may sinabi siya sa akin.

"Please help me forget my wife"

Hindi ko maproseso sa isip ko ang sinabi niya. He want to forget me? Tila tumigil ang mundo ko.

"I'm falling for you Annika, please tulongan mo ako"

Muli ko siyang hinarap. Naramdaman ko din ang  maliit na butil na pumapatak sa mga mata ko.

"Sa tingin mo Sir Uvic, bakit ka nahuhulog sa akin?" sinadya kong salubongin ang mga tingin niya.

Hindi naman ito nakasagot agad. "You're falling for me because you see Girlie in me, right?"

"Nakikita mo sa akin ang asawa mo kaya ganyan ka, if you cannot let go of her then be it! Don't just love someone only because she remind you of your wife, dahil... dahil pa... paano kung bumalik uli ang asawa mo? Paano kung buhay naman talaga siya? Syempre siya at siya pa rin ang pipiliin mo hindi ba? masasaktan mo lang yung isa!"

Halos nagtatangis baga kong sabi sa kanya.  Tumayo naman siya para pantayan ako ang tingin ko. Please matauhan kana Uvic. Don't confuse your feelings.

"She'll never come back... my wife won't ever comeback" Halos pabulong niyang sabi. He is so hopeless. And it breaks my heart again. Natameme naman ako sa kinatatayuan ko.

"Hindi na siya kailan man babalik, Annika. Hindi na! iniwan niya na ako! Naririnig mo ba ako?!" Sigaw nito na halos nagsusumamo niyang sabi habang niyugyog ang balikat ko.

"Dahil kung babalik pa siya, matagal niya na yung ginawa. Because my wife... my wife though does not have any enough time for us before but she.. she will never let me suffer like this!" Matagal kaming nagkatitigan matapos niyang sabihin lahat ng yun. Hanggang sa unti-unti niya na akong binitawan na tila parang natauhan.

Kaagad naman niyang nagsimulang maglakad paalis. He left me standing there without saying a word. Doon ko naramdaman ang guilt. I never have enough time for them before but he still love me so much. He remained loyal to our marriage.

I guess it's time, Its time to find out the truth why I am in this situation right now. Kailangan ko nang alalahanin ang lahat bago ako nagising na wala nang naaalala at kung bakit napadpad ako sa lugar na yun.

Kaagad kong pinunasan ang mga luha ko at kinuha ang cellphone. Ilang sandali pa may sumagot na sa kabilang linya.

"Charles?"

-----

NAGISING akong halos sarap ihampas ng ulo ko sa pader. Kaagad akong bumangon, doon ko napansin na may munting braso na nakadantay sa akin. It's my sweet little angel peacefully sleeping. I stayed in my position para di ko siya magising. Tinitigan ko siya habang natutulog saka hinimashimas ang kanyang mga buhok.

Saglit na dumaan naman sa isip ko ang nangyari kagabi sa usapan namin ni Annika, kaagad akong napabalikwas ng bangon, unti-unti kong inangat ang braso ni Unice sa katawan ko bago tumayo at nag suot ng isang manipis na puting t-shirt. 

Nagmadali akong bumaba ng hagdanan para hagilapin si Annika. Nadatnan ko naman si Manang Belen na nagpupunas ng mesa sa sala.

"Nasa si Annika, Manang?"

Saka lang ako napansin ni manang. Hininto nito ang pag pupunas bago inabot sa akin ang isang nakatuping puting papel.

"What's these?" nagugulohan kong tanong sa kanya.

"Pinabibigay ho ni Annika, bago si umalis kaninang umaga nung sinundo siya nung Charles"

Kumunot naman ang noo ko sa huling sinabin ni manang, kaagad kong binuksan ang papel na inabot nito sa akin kanina. At mas lalo lang uminit ang ulo ko nung mabasa ko na para naman kay Unice ang sulat at hindi para sa akin!

Ano na naman ba to, Annika?

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko para tawagan ang numero niya pero hindi naman ito sumasagot. Nakailang beses na din akong paulit ulit na e dial ito pero wala pa rin.

Sa bawat sigundo na lumilipas na hindi niya sinasagot ang tawag ko ay nakaramdam ako ng takot. Takot na baka pati siya ay tuloyan nang mawala sa akin.

"Manang, pakiayos naman ng gamit ni Unice at pwede bang ikaw na lang muna ang maghatid sa kanya sa skwelahan?"

Tumangon na lang si Manang, nag madali akong umakyat para magbihis. I need to find her. I need to bring her back here. Hindi pwede to. She can't just go whenever she wants!

The Innocent's Whisper (Completed)Where stories live. Discover now