Chapter 15

2.8K 81 6
                                    

"Annika, ayos ka lang ba?"

Bigla akong nakaramdam ng pag aalala nang mapansin ang pananahimik niya. She looks so sad too.

"Ahh, oo naman sir, ayos lang ako. Medyo nagugutom lang!"

Nakangiti niyang sagot pero andun pa rin ang emotion sa kanyang mga mata. Nagulat naman ako sa kurot na ginawa ni Wengweng sa tagiliran ko. Kaya naman napahiyaw ako.

"Ano bang problema mo?"

"Eh kasi naman baka talagang gutom na yang si Annika, sige na umalis na kayo"

Giniya pa niya ako patalikod at tinulak tulak. Pambihira talaga itong babaeng ito oh! Minsan sarap talaga nitong upakan. Mahinang natatawa naman si Annika sa ginagawang pag aalipusta nito sa akin. But her laugh is so light. Para bang she's hurt inside. Ano ba tong iniisip ko, am I assuming that she's jealous?

"O sige na, babosh na. Enjoy kayo ah. Annika ikaw nang bahala dito kay Uvic. Ipapahiram ko muna siya sayo"

Pabirong sabi pa nito. Napabuntong hininga naman ako nung tumalikod na siya at umalis.

"God! That woman and her loud mouth!"

Inis kong sambit. Di ko naman inasahang sasagot si Annika sa sinabi ko.

"She's nice"

"Yah, She is"

I smiled as I replied to her. Wengweng is like a sister to me. Nais ko sanang idagdag yun sa sasabihin. Pero naisip ko baka di siya interesado. So I let those words hanging and open a new topic.

"Sana sinabi mo kanina na nagugutom ka na para naman nakaalis tayo agad doon"

"Mukha naman po kasing tuwang tuwa pa kayo habang nag uusap. Tyaka medyo lang naman, sir di naman masyado"

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. She sounds like a jealous girlfriend. I know its another weird thing pero ang sarap namang isipin na nagseselos talaga siya.

"Bakit ka naka ngiti dyan, Sir"

"Wala naman. May naisip lang"

Nakangiti ko pa ring sagot sa kanya. Maya-maya pa ay may tumawag sa akin. It's Rex. Kinonekta ko naman ang wireless Bluetooth earphone ko at sinagot ito

"Oh? Uutang ka?"

Bungad na asar ko sa kanya. Nainis naman agad lalo ang loko.

"Mayaman ako no! Di lang halata pero kaya kong bilhin pati buhay mo, loko!"

Mas lalo naman akong natawa. Pikon talo talaga itong si Rex palagi. Mas nadagdagan naman ang inis nitong nang marami ang tawa ko.

"Walang nakakatawa, so shut up!"

"Fine! Bakit ka kasi tumawag, may date ako ngayon istorbo ka"

"Yeah right, may date ka.. tsss saka mo na idahilan yan pag nakamove on kana kay Girlie, brother"

"I'm almost there, bro. Almost there!"

"Anyway I called you kasi gusto ko sanang hiramin yung isang kotse mo"

The Innocent's Whisper (Completed)Where stories live. Discover now