Chapter 26

2.9K 86 3
                                    

He want me back. Iyan ang mga salitang paulit ulit na tumatakbo sa isipan ko kanina pa mula nung sinabi iyon ni Uvic. Magtatanong pa sana ako sa kanya kung ano pa ba ang ibig sabihin niya sa kanyang sinabi, pero di iyon na tuloy dahil na rin sa biglang sumulpot si Unice para ayain akong e braid ang buhok nito.

Kasalukuyang nasa guest room ako ngayon, pumipili ng damit na susuotin ko. Kahit papaano ay may naiwan pa naman akong damit dito. Gusto ko sanang tawagan si Charles pero kinuha naman ni Uvic ang aking Cellphone. Wala naman itong binigay na dahil kung bakit ayaw niyang ibalik ang cellphone ko hindi naman din ako nagpumilit dahil baka magkasagotan lang din kami.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, ay napaintad ako sa pag bukas ng pinto. It's Uvic. Bakas din ang pagkagulat sa mukha niya ngunit saglit lang din iyon.

"Bakit? Uso namang kumatok ah"

Napakamot ito sa ulo bago magsalita. "Sorry, I was supposed to do that, pero napansin ko kasing bukas naman ang pinto" sagot nito.

Nagkibit balikat na lang din ako. "Ano pala ang kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto ko lang sanang sabihin na pakibilisan mo dahil hinahanap kana ni Unice. And anyway. Mas bagay sayo iyang Yellow shirt."

Tinignan ko ang damit na tinuro niya. Doon ko lang din na realize na wala pala akong damit pang itaas, at naka bra lang ako nang pumasok siya. Bago ko pa man siya ma sumbatan at lumabas na ito na tawang tawa.

Dahil naman sa pangyayaring iyon ay namula ako... wait, namula? Bakit asawa ko naman siya ah, kaya hindi dapat ako mahiya sa kanya. Tama!

Pero ako pa rin si Annika, base sa pagkakaalam niya kaya dapat pa rin talaga akong mahiya sa kanya. Teka nga... Sa paraan na tignan ako kanina ni Uvic, I know na gulat siya nung una but the way he looks at me, it seems and felt that we got used to see me that way that he already does not mind.

Pero baka naman kaya lang ganun para hindi ako mahiya sa kanya since hindi ko naman napansin na wala akong pang itaas kanina. At dahil ayaw ko nang mag isip pa, namalayan ko na lang ang sarili ko na sinusuot ang yellow shirt na itinuro ni Uvic kanina. Nag madali naman akong lumabas sa kwarto. Sakto namang may pumasok sa bahay, the woman is so unfamiliar to me.

"GENE!!" masayang tawag nito kay Uvic na busy sa kanyang cellphone nang umangat naman ng tingin sa Uvic sa pinto kaagad namang gumuhit ang ngiti sa labi ng asawa ko at sinalubong sa pinto ang babae, the woman hugged my husband in the way I really don't want.

"How are you, Pat? I missed you" masayang bati sa kanya ni Uvic.

Ngumiti naman ang babae sa kanya. "I'm good, asan na ba ang inaanak ko?"

Ilang saglit pa ay napatingin sa gawi ko ang babae. I forcefully  make a smile to her. Napatingin na rin si Uvic sa akin.

"Who is she Gene?"

"Yaya ako ni Unice, nice to meet you" ako na ang sumagot para kay Uvic. "Maghahanda lang ako ng makakain" tumango na lang si Uvic. Kaagad naman akong nagtungo sa Kusina. Mula doon ay dinig ko pa ang pag uusap nilang dalawa tungkol sa buhay buhay. The woman keeps on looking for Unice kaya mamaya maya pa ay pinatawag na ito ni Uvic.

Saktong pagkatapos kong maghanda nang makakain, ay bumaba na rin si Unice at nang makita nito ang Babae ay bakas ang mukha nito.

"Ninang Pat!"

Kaagad niya itong niyakap at hinalikan, tuwang tuwa naman ang huli. Inilapag ko ang pagkain sa lamesa sa kanilang harapan. Akmang aalis na sana ako nang pigilan ako ni Uvic.

"Have a seat Annika"

Kumunot naman ang noo ko sa kanya. "May kailangan pa akong gawin" Nakita ko namang ngumiti si Uvic. "Feeling at home ha, that's good!.. Anyway wala ka naman talagang gagawin diba? kaya maupo ka muna dito, and anyway meet Patricia" Nagkatinginan kami ni Patricia. She looks at me like examining me from head to toe.

"Pat, meet Annika" she extends her hand, inabot ko naman ito. We made a simple hand shake. Kaagad namang inagaw ni Unice ang pansin nang ninang nito.

"Ninang, kamusta po kayo? what brings you here po?"

Natawa naman ng mahina si Uvic sa tananong ng anak. "Oo nga naman Pat, what brings you here? last time I heard you are supposed to be getting married right?" Dagdag ng asawa ko. Pag uusapan lang naman pala namin ang buhay ng babaeng ito, bakit pa ba ako nandito?

"Well you see... that idiot broke up with me in the middle of our engagement, now he is begging me to come back to his life, kaya ito I am hiding from him. Nakakairita na kasi ang paghahabol niya eh"

Lumipas pa ang ilang  mga minuto na puro lang kamustahan ang nangyari, tahimik lang din ako the whole time since hindi ko naman talaga alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila.

"Balita ko, you're still single, Gene. Bakit? "

Tinignan naman ni Uvic si Unice bago magsalita "Well, you know WHO is the reason" natawa naman si Patricia. "Kung sabagay... aren't you even thinking about going out to date with someone?"

"hmmm, don't know" Nagkibit balikat lang ito bago tumingin sa gawi ko na siyang kinunot naman ng aking noo. Hindi naman napansin nung Patricia ang inasta ni Uvic. Tinignan ko naman siya na tila nagugulohan.

Hindi naman nagtagal ay nagpaalam na si Patricia sa amin. She kissed Unice in the cheeks and so with Uvic, tumaas naman ang kilay ko sa ginawa nito. Binigyan niya naman ako nang masuyong ngiti. Gusto ko na lang din tuloy sabihin na wag na lang siyang bumalik.

"What's with that face?"

Napaintad naman ako sa puna ni Uvic. Kaaalis lang nang sasakyan ni Patricia. "Wala! Siya nga pala, asan na ba yong cellphone ko? Kailangan kong tumawag" Pagdadahilan ko, kaagad naman nitong inabot ang kanyang cellphone sa akin. "Here, use mine, instead. Hindi mo naman na kakailangan pa ang cellphone mo while you are in here"

Tinalikuran naman ako ni Uvic nang maabot nito sa akin ang cellphone. At ano naman ang gagawin ko sa cellphone niya? wala naman dito ang mga contacts ko. Nagmadali akong humabol sa kanya. "Uvic, hindi cellphone mo ang kailangan ko? wala dito ang mga contacts ko"

Tumigil ito sa paglalakad at ngumiti "Well, I already save their contacts in there, you're cousin? even Charles number is in there, kahit labag sa loob ko. tsk" Bahagyan akong natawa sa sinabi nito "At bakit naman labag sa loob mo na e save ang number ni Charles, ha?" Nagkibit balikat ito. "Hindi ko siya feel, I don't like him being close to you" Mas lalo naman akong natawa.

"Ganun pala yun? naka base pala ang lahat sa feelings mo, you're so unpredictable Uvic. Hindi ka namann ganyan noon ah" natatawa ko namang sabi. Tila sumeryoso naman ang mukha ni Uvic na siyang pinagtataka ko. "Bakit Annika, do you knew me before, ano ba ako dati?" Natigilan naman ako at narealize ang huling sinabi ko. "Ahmm, I mean noon nangtatrabaho pa ako dito"

Tumango tango na lang ito bilang pag tugon. "Unice is upstairs, tara" Aya nito sa akin." Habang papunta kami doon ay naisipan kong magtanong kay Uvic. "Wala ka bang trabaho ngayon? Mukha kasing hindi ka busy eh" Binalingan niya ako ng tingin at inakbayan. "Family is more important than work" sabay kindat nito sa akin.

Pilit ko namang tinatanggal ang pagkakaakbay niya sa akin. "You're too close, hindi naman tayo friends diba?" Nagdilim naman ang mukha nito. "So si Charles lang ba ang pwedeng umakbay sayo dahil friends kayo?" Ano na naman bang iniisip nito, wala naman sa sariling sinagot ko siya. "OO!" saka inalis ang kamay niya sa balikat ko at nagmartsya pauna sa kanya.

Hindi pa man ako nakakalayo sa kanya ay narinig ko naman na papalapit na ito. Naramdaman ko na lang nahinawakan nito ang kamay ko. Now we are holding each others hand. Pilit ko namang inagaw ang kamay ko sa kanya, ngunit mas lalo lang nitong hinigpitan ang hawak dito. 

Binalingan ko naman siya ng tingin, sabay din ang pagsabi niya na "Then, let's be friends" nakangiting sabi nito at kinindatan pa ako. Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko dahil parang mabingi ako sa malakas na pag kabog ng puso ko.



The Innocent's Whisper (Completed)Where stories live. Discover now