Chapter 13

2.7K 89 3
                                    

One week na ang lumipas mula ng mag outing kami. Nag umpisa na ring pumasok sa school si Unice. At mag mula ng umuwi kami napapansin kong mas lalong naging maalaga si Annika sa anak ko. Iba ang ngiti at tawa niya sa pakikipagbiruan kay Unice. You can really see happiness in her eyes. Di ko maiwasang di mapangiti sa tuwing nakikita ko silang nagtatawanan dalawa.

"Sir Uvic, okay lang po ba kayo? Gumawa na pala ako ng kape ninyo"

Nilingon ko si Annika na nagsalita mula sa likuran ko, kasalukuyang nasa terrace ako ng bahay. Naging mas lalo namang gumaam ang pakiramdam ko sa kanya. I know it's weird but as the days goes by gusto ko na lang din talagang maniwalang siya ang asawa ko.

"Sige salamat. Siya nga pala, may gagawin ka ba mamaya bukod sa sunduin si Unice?"

Nag-isip muna ito bago sumagot sa akin.

"Wala naman, Sir, bakit?"

"Would you accompany me in my office? May idadaan lang ako"

Ngumit siya, at alam kong tunay na ngiti iyon bago sumagot.

"Walang problema, Sir!"

I found her cute, bigla naman tumibok ang puso ko sa ngiti niyang iyon. Nagiging weird na talaga ako lately.

Kung di naman kasi dahil doon sa RafRaf na yun na nagmamadaling makuha yung papelis wala talaga akong balak na pumunta ng opisina.

"Sir, nga pala may dumating na package kanina dito, may kabigatan po kaya di ko na naakyat sa kwarto niyo"

Oo nga pala yung ibang mga gamit ni Girlie pinahatid ko dito kay mang  Nestor, baka iyon ang tinutukoy ni Annika.

"Ako nang bahala doon mamaya, mag palit ka na ng damit at aalis na tayo"

I smiled and winked at her. Hindi nakatakas sa mga paningin ko ang pag pula ng mga pisngi niya. Bilang tugon tumango na lang siya at nagmadaling umalis. Mahina naman akong napatawa sa reaksyon niya.

Makalipas ang ilang minuto ay nakapag ayos na din si Annika. Simpleng puting dress lang ang suot niya na bumagay sa kanya. Nakalugay ang mahabang buhok at medyo natatakpan nun ang bahagi ng kanyang mukha na may piklat.

"Sir Uvic, naku! Nakakatunaw naman ang tingin niyo. In love na po ba kayo sa akin?"

Ngumiti siya ng may kapilyahan sa akin doon ko namalayan na matagal pala akong nakatitig sa kanya.

"Tara na nga Annika, lumilipas ang araw mas lalo kang nagiging pilya!"

Patay malisya kong sabi at na unang maglakad palabas ng bahay. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya mula sa likuran ko. I'm going insane with this woman!

After few minutes of driving ay malapit na din kami sa Company building, napansin ko rin na medyo komportable na siyang sumakay ng kotse.

"Malapit na tayo, naayos mo na ba yung ibang papers na kakailanganin ko?"

"Yes, sir. All set!"

"Good!"

Ilang sandali pa ay nasa parking lot na kami ng gusali. Halos magkasabay lang kaming bumukas ng pinto ng sasakyan at bumaba.

"You should atleast, wait me to open the door for you, Annika"

Puna ko sa kanya habang naglalakad kami papasok sa Employee's Entrance.

"Baka po may makakita sabihin pang girlfriend mo ako, sir"

"I won't mind"

Sandali siyang natigilan sa sinabi ko, halata ang gulat sa reaksyon niya nung sulyapan ko siya. I smiled at her like usual. Magsasalita pa sana ito pero inunahan ko na.

The Innocent's Whisper (Completed)Where stories live. Discover now