Chapter 30

3.1K 81 5
                                    

"Ate!!" Napakasaya ko nang makita ko siya. We hugged each other. Pareho pa kaming mangiyak ngiyak habang magkayakap.

"Bunso, Kamusta kana? Lagi kitang nakikita sa T.V, I knew its you from the start" sabi niya sabay haplos sa buhok at mukha ko.

Nagkwentoha kaming dalawa. Excited daw siyang makita at makilala ang asawa at anak ko. Ganun din ako, sigurado akong matutuwa si Uvic dahil sa wakas. Makakasama ko na ang ate ko.

Matagal din kaming nagkawalay. Simula nang mamatay sila mama, napunta ako dating bestfriend ng mama namin. Samantalang siya kina tita. We dont have any communication to each other simula nang araw na yun.

Siya ang unang nag message sa akin sa social media account ko. We started to chat each other. Hindi ko sinabi iyon kay Uvic dahil gusto ko siyang surprisahin.

My sister insisted to drive the car while I sit on the front seat. Masaya kaming nag uusap dalawa habang nasa byahe until we saw a strong light.

Dahil sa panic niya nakabig niya ang manibela. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Until I heard her calling me.

"Annika... Annika... Annika!!.. bunso. Gumising ka"

Nang dumilat ako nakita ko siyang duguan. Bigla akong nanginig.

"Bilisan mo, lumabas kana bunso" paki usap nito sa akin.

Doon ko napagtanto na nasa gilid kami nang bangin.

"Pero ate, hindi. Hindi ako aalis. Sabay tayong lalabas dito" pagmamatigas ko.

"No baby. Hayaan mo na ako dito. Wala na tayong oras. Bilisan mo na!" Halos hirap na hirap niyang sabi.

"Pero ate..."

"Uvic needs you, as well as your baby. Ako walang maghahanap sa akin. Wala akong pamilya kaya sige na lumbas kana!" Sigaw nito sa akin. Pero hindi ko pa rin kayang iwan siya. Ngayon lang kami nagkasama muli kaya hindi ko kakayanin na mawala pa siya sa akin.

"No ate... please.." naiiyak ko nang pagmamakaawa sa kanya.

"Masaya na akong nakasama ulit kita kahit sa maikling oras lang.. promise me di mo pababayaan ang baby mo, maging mabuti kang asawa sa asawa mo.. mahal na mahal kita" she reached for my seat belt and unlocked it kasabay nun ay ang pagtulak niya sa akin palabas.

Wala akong nagawa kundi ang titigan na lang ang sasakyang nagpagulong gulong ng ilang beses sa bangin na lulan ang kapatid ko bago sumabog ng malakas.

Sa lakas ng pagsabog ay bigla akong nabingi at unti-unting nawalan ng malay.

Hanggang sa may narinig akong boses...

"LOVE, wake up... please wake up, love" Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Ang mukha kaagad ng asawa ko ang nakita. Bumuntong hininga ito bago magsalita

"Thanks God! You're having a nightmares again, baby" nag aalala niyang sabi.

Bigla ko namang sumagi sa isipan ko ang pangyayaring iyon. Alam kong hindi iyon panaginip. Totoong nangyari ang bagay na iyon at hindi ako pwedeng magkamali. Sa kakaisip sa bagay na iyon ay narinig ko ang paghikbi ko.

The Innocent's Whisper (Completed)Where stories live. Discover now