Chapter 11

3K 90 3
                                    

Wala pa rin ako sa sarili ko, hindi pa rin mag sink in sa isip ko lahat ng mga bagong impormasyon nalaman ko ngayon. Paano? Paano ko sasabihin sa mag-ama ko na ako to kung para sa kanila matagal na akong patay. Maliban pa dyan ay yun pa lang ang mga bagay na naaalala ko, hindi ko pa maalala ang iksaktong nangyari sa akin bago ako magka amnesia. Kailangan maalala ko muna lahat-lahat, kailangan ko pa ng konteng panahon para masabi lahat ng to kay Uvic.

"Annika?"

Napalingon ako sa pamilyar na boses na yon, agad akong humarap rito. Ang bilis ng tibok ng puso ko ng makita siya, ang lalaking mahal ko. Gustong gusto kong tumakbo palapit sa kanya at yakapin siya. Gusto ko siya ulit tawaging asawa ko pero ang hirap. I tried to manage a smile.

"S-sir U-vic, mabuti naman po at gising ka na"

"oo nga eh, besides I had this dream that while I'm sleeping, I felt her kissed me, And whispered me some words. It felt so true Annika. Siguro sobrang miss ko lang ang asawa ko"

"ah... o-po, s-siguro nga po ganun yun"

Pagsisinungaling ko sa kanya. Medyo kumirot ang puso ko sa sinabi nito, gusto kong aminin sa kanya na ako yun kanina. Ako ito. Ang asawa niya. My poor Uvic, I hope I could wipe-away every pain in your heart.

"Ikaw Annika? Ayos ka lang ba? Bakit parang balisa ka? Umiyak ka ba?"

"Ha- sir? Ako ho?... wala to sir"

Lumapit siya sa akin at tinignan ang mga mata ko. Those eyes that was full of love when looking at me before. Ngayon puso na ito ng lungkot. I am really stupid for taking his suffering for too long, bakit ba ngayon lang ako bumalik sa kanya? Bakit di ko man lang siya naalala noong araw na nagkita kami dalawa.

"Tell me Annika? You look so sad."

Puno ng sincerity ang boses nito. This is my real Uvic, kahit sobrang sakit at hirap ang pinagdadaanan nito he still care for everyone around him. Isasantabi nito ang sakit na nararamdaman nito para sa ibang tao.

"Namiss ko lang po kasi sila mamang at papang ko, tumawag po kasi sila kanina"

I lied again.

"Ganun ba? Pwede ka naming umuwi muna saglit doon sa inyo, I'll pay for your expenses, besides on leave pa naman ako sa trabaho, I could take care of my daughter"

Our daughter. May dumaang kirot na naman sa puso ko ng banggitin nito ang anak naming. May nagbabadyang mga luha na naman sa mga mata ko. Ang baby ko. Wala man lang ako nung first birthday nito, kahit yung binyag niya. I missed all her important events. Maybe Uvic is right kailangan ko munang umuwi... hindi! Kailangan ko munang bumalik kina mamang at papang. Kailangan sabihin ko muna sa kanila lahat ng to. They should be at least the first persons I tell all of these.

"Okay lang po ba talaga sa inyo,sir? Nakakahiya naman po"

"Annika, after what happened awhile ago, you're not just my daughter's nanny. You're my friend now, at isa pa, ayaw ko naman na agawin mo ang moment ko. Ako tong dapat nag dadrama tapos ikaw magdadrama ka rin?"

Natawa naman ito sa biro niya, natawa na din ako ng makita ko ang mga ngiting nasa mga labi niya. God, Uvic, you're still as playful as you are. But your eyes are never been a liar.

"Sir, naman! Wala na rin po ba akong karapatang umiyak pag umiyak po kayo?"

"Oo naman! Ako ang boss mo!"

Sabay naman kaming nagtawaan sa biruan naming. I really want to hug him right now. I really do. Bahala na.

"Sir, pwede ko po ba kayong yakapin?"

The Innocent's Whisper (Completed)Where stories live. Discover now