Chapter 9

3.1K 98 3
                                    

"Ate Annika ang galing ni daddy ano?"

Nakangiting puri ni Unice sa daddy nito. Kasalukuyan silang nag lalaro ng volleyball. Magkasama silang lima si sir Uvic,  Brian, Zymes, Rex at Dencynt. Naiwan si Sir Kristoff kasama si baby Zychael. Sa kabilang grupo naman ay sila Charles.

"De Lucca come on! Ano ba naman yan?!"

"Sorry its just slipped in my hand!"

Naiinis na sagot naman ni Sir Dencynt kay Sir Rex na halata na din yung pagkainis. Natawa naman sila sir Uvic sa kanila. Kanina pa kasi sila nag lalaro bawat isang player ay may nagagawa nang puntos. Tanging si sir Dencynt na lang yung wala pang nagagawang puntos. Kung hindi ba naman kasi lagpas sa linya ay sasabit naman sa net kung hindi naman ay iniiwasan naman ang bola.

"Kuya, ayosin mo naman!"

Sigaw ni ma'am Shielle sa kuya nito na hindi inaayos ang laro. Si ma'am Shielle kasi ang tiga puntos nila.

"Oo nga naman, bro! Kawawa naman itong si Uvic!"

Masama namang tinignan ni sir Uvic si sir Brian dahil sa sinabi nito na kahit ako ay di naintindihan pero may tinginan talaga sila na sadyang sila lang ang nagkakaintindihan.

"Can you guys shut up! I'm losing my focus!"

"Wow ha!"

Agad naman kaming nagtawanan sa reaction ni sir Rex. At sa sinagot ni sir Dencynt. Maging ito ay medyo natawa na rin.

"Okay, I was kidding in that part! Mag continue na lang nga tayo!"

Singhal ni sir Dencynt sa kanila. Natatawang nagtinginan naman kami ni Unice. Tama nga siya masaya pag kumpleto ang mga tito niya dahil nakikita niyang sobrang saya ang daddy niya. Hindi ko alam ngunit may kung anong kirot ang dumaan sa puso ko nung sinabi iyon ni Unice kanina habang naglalaro kami.

Sa hindi katagalan, at kahit panay ang asar na nangyari sa grupo nila sir Uvic sila pa rin ang nanalo. Pareho nga talaga silang magaling ni sir Brian. Magaling din naman si Charles minsan ko na din siyang nakitang sumali sa volleyball game doon sa amin. Kaya din naman kami nagkakilala nung kinuha nila akong muse sa team nila. Charles is a kind man. Anak ito ng may ari sila ng isang hacenda don sa bayan. Sa kabila ng mataas na antas ng pamumuhay nito he remained humble gaya din naman ng mga magulang niya. People loved them there because of their kindness and hospitality.

"Annika? pwede mo ba akong samahan mamaya? May pupuntahan ako. It's quiet important and I need someone there."

Napatingin naman ako sa gawi ni sir Uvic na nakatayo na pala sa tabi ko at katingin din kina Charles.

"Do you like him?"

"po?" 

Hindi pa man ako nakakabawi sa sinabi niya kanina mas lalo naman itong nadagdagan sa tanong nito. Tumingin naman sa akin si sir Uvic. Kagaya ng mga kinagawian niyang tingin sa akin na puno ng mga kahulogan. Mga tingin na pamilyar sa akin.

Maya maya pa ay napansin ko naman ang paglapit ni Charles sa amin. Sabay kaming napatingin ni sir Uvic sa kanya. Napansin ko naman ang pagkunot ng noon ni sir ng makita siya.

"Niks? Do you have anything to do later? Would you mind accompany me?"

Magsasalita na sana si sir Uvic pero agad ko itong pinutol. Ako na mismo ang sumagot kay Charles.

"Sorry Charles pero may pupuntahan kami ni sir Uvic mamaya. Ayos lang ba kung di muna kita masasamahan sa ngayon?"

Ngumit naman si Charles bilang pagsang ayon sa sinabi ko.

The Innocent's Whisper (Completed)Where stories live. Discover now