Chapter 4: Rebelasyon

491 38 9
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nanananghalian si Andrea sa maliit na kusina sa may likuran ng kanyang opisina. Doon din ang CR at daan tungo sa bodega. Ang ulam niya'y ginisang gulay at mechado na binili ni Z-Man sa karinderya dalawang kanto mula sa gate ng studio kung saan din bumibili ang mga mekaniko ng talyer. Ang kay Z-Man na ulam ay nakatakip pa ng plato. Usually, sabay silang kumakain ni Andrea, subalit may dumating na bisita ang museo na kailangang asikasuhin.

Dinig ni Andrea na kausap ni Z-Man ang lalaki sa labas.

"Sir, ito 'yung costume ni Roman dun sa last scene. 'Yung nahulog siya sa bangin."

"Yung espada ba buhay pa?" tanong ng kausap niya.

"Oo naman, sir. Come with me! Papakita ko."

May kakayahan din naman si Z-Man na makipag-usap sa mga bisita at hinahayaan siya ni Andrea na gampanan ito. Training din, sakaling dumating ang araw na magkasakit siya at hindi makapasok. Pamilyar na si Z-Man sa mga display, at sa Dugo sa Bughaw na kanyang nagustuhan, dahil ma-aksyon daw ito.

Nguni't kakaiba ang sigla ni Z-Man sa sandaling ito. Na tila ang kausap niya'y hindi ordinaryong bisita. May tono sa boses ng lalaking bisita na may pagka importante siya, kung kaya't binilisan ni Andrea kumain para alamin kung sino siya.

Sa loob ng museo, hawak ni Direk Joe Verde ang espada at ina-admire ito. Siya ang lalaki.

"Director pala kayo, sir. Baka naman pwede n'yo kong gawing extra," ngiti ni Z-Man, may pataas-taas pa ng kilay.

"Bakit hindi?," sinakyan lang siya ni Joe.

Napatingin sila nang dumating si Andrea.

"Ako na bahala kay sir. Magtanghalian ka na muna," sabi niya kay Z.

"Yes, boss," may saludo pa si Z-Man habang masayang umalis tungo sa kusina, at pahabol kay Joe. "Sir, ha! 'Pag kailangan n'yo ng poging extra."

Tumangong tumatawa si Joe. Nang wala na si Z-Man:

"Akong curator ng museum," pagpapakilala ni Andrea kay Joe. "Lahat ng naka-display dito'y nanggaling sa mga pelikula. Costumes, props, posters, pictures. May catalogue kami. P200 lang. Pwedeng may dedication."

Nagkatinginan ang dalawa. Ang unang impresyon ni Joe kay Andrea ay hindi ito pangkaraniwan na matatawag na lola. May dating ang curator.

"Kung matutulungan n'yo po ako. Nagre-research ako sa isang partikular na pelikula."

"Anong pelikula ito?" kaswal na tanong ni Andrea.

"Dugo sa Bughaw."

Nagulat si Andrea, at siya'y ginanahan.

"Dugo sa Bughaw. Marami kami niyan," mabilis niyang sabi. "Tulad na lang ng espadang hawak mo. Una 'yang ginamit sa pelikulang Kahariang Bato starring Placido de Leon, kasama si Ramona Diwa."

Dugo sa BughawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon