Pasado alas singko ng hapon. Sa harap ng hotel, nagsisipasukan sa van ang ilang artista at mga extra sa loob bitbit ang kanilang mga bagahe. Sa gilid ng van, kausap ni Evelyn ang PA girl. Sa curb naman ng hotel, si Andrea ay may kausap sa cellphone.
"Hindi muna ko makakauwi ngayong araw. Sa makalawa na ang uwi ko," sabi ni Andrea sa telepono. "Kunin mo na lang kay Evelyn ang mga pasalubong ko...oo...oo, 'wag kang mag-alala."
Kausap ni Andrea si Peping na nasa museo, sa kanyang office table gamit ang landline. Pasara na ang Movie Klassiks Museum, pinapatay na ni Z-Man ang mga ilaw.
"Heto, pasara na kami," ulat ni Peping. "Marami-rami naman. Pero, 'di tulad ng dati. Siguro 'pag napalabas na ang pelikula mo...naku naman, Ate, 'di ko pababayaan ang museum! Kami pa ni Z!"
Narinig ni Z-Man na kausap ni Peping ang boss niya at sumulpot ito sa kanyang tabi.
"Si Boss ba yan?" tanong ni Z-Man, sabay sumigaw, "Boss ayos ba tayo dyan?"
Tumango si Peping.
"Ayos daw," sabi niya. "O, sige, Ate. Ingat na lang."
Binaba ni Peping ang telepono. Sandaling siyang napaisip. May kakaiba kasing tono sa kapatid na hindi niya agad maipaliwanag. Wari'y may problema ito.
"Peps! Beerhouse tayo ha! Sagot ko!" bulaga ni Z-Man.
Mabilis namang napunta ang atensyon ni Peping kay Z-Man.
"Basta, sagot mo ha!"
Sa harap ng Ilocos World Hotel, magkaharap sina Andrea at Evelyn para magpaalam sa isa't-isa. Ready nang umalis ang van.
"Eh pwede naman akong magpaiwan," suggest ni Evelyn. "Wala namang makakamiss sa akin sa Maynila."
"'Wag na. Okay lang ako. Sanay akong mag-isa," sabi ni Andrea.
"Tapos na ang mga eksena mo. Umuwi ka na, friend!" hikayat ng manager.
Pero, desidido na si Andrea na magpaiwan.
"Sige na, baka ikaw pa maging dahilan na ma-late kayo sa flight n'yo."
Tumango na lang si Evelyn. Nag-try naman siya. Pero, hindi mabali ang desisyon ng kaibigan.
"O siya. Matanda ka na. Alam mo na ginagawa mo," sabi na lang ni Evelyn. Natatawa silang nagakapan at nagpalitan ng mga babay.
Bumusina ang van. Naglakad tungo sa van si Evelyn pero nakita niya na sa unang upuan sa may pintuan, ay naunahan siya ng isang babaeng extra at siya'y umalma.
"Hoy, diyan ako. Lumipat ka sa loob," utos ng matapang na manager.
Agad na lumipat ang babaeng artista sa likod with no resistance. Naupo si Evelyn sa puwestong iyon at habang isasara ang pinto ay kumakaway sa kanyang kaibigan. Naroon din sa van ang ilang maituturing ni Andrea na kaibigan niya, si Rico na kanyang make-up artist at ang actress na si Mildred Javier na gumanap na Doña Catalina, at kumaway din ang mga ito ng paalam sa kanya. Kumaway din si Andrea pabalik at pinagmasdan ang pagalis ng van, ang ngiti sa kanyang mukha ay unti-unting naglalaho.
Pagbalik ng kanyang hotel room ay naiyak si Andrea. Hindi pa niya matanggap ang pagkamatay ni Roberto. Ngayong wala na ito, wala na rin siyang makakapitan. Balewala na siya. Isang matandang artista na tingin ng karamihan ay isang joke. At hindi magtatagal ay makakalimutan din siya. Ayaw niyang umuwi ng Maynila nang ganito. Hindi ito ang katapusan na gusto niya.
Nakaupo si Andrea sa kama. Patuloy ang kanyang pagiyak. Ang paghikbi. Lahat na ng klase ng pagdadalamhati.
At sa kanyang kamay, ang .45 na baril ni Roberto.
Noong gabi na nasa ospital sila para i-identify ang bangkay ni Roberto at pagkaguluhan ng mga reporter para kunan sila ng komento, si Andrea ay umiwas na ma-interview. Sadyang hindi niya kayang humarap sa media. Pabalik ng hotel ay sinundan pa rin siya ng mga reporters at nagabang pa sa kanyang hotel room. Kung kaya't nakiusap sila ni Evelyn sa hotel manager na manatili muna si Andrea sa kuwarto ni Roberto pansamantala hanggang sa lubayan siya ng mga reporters. Sa takot ng manager na baka atakihin naman sa puso si Andrea ay pumayag ito. Lingid sa kaalaman niya, ni Evelyn at ng lahat, na may baril pala si Roberto sa loob ng maleta sa kanyang kuwarto at si Andrea lamang ang nakakaalam. At nang makabalik na si Andrea sa kanyang sariling hotel room ay bitbit na niya ang baril.
#
"Joe, Joe!"
Dumilat si Joe. Nakatulog siya sa sofa ni Bernie at nakita niyang kaharap na niya ang mega-producer na naka-bathrobe lamang at bagong paligo mula sa bubble bath.
"You fell asleep, Joe," sabi ni Bernie. "Sorry, napatagal ako sa banyo. Ito kasing si Danilo eh..."
Kinindatan ni Bernie si Danilo na nakangiting kalalabas pa lamang ng bathroon at nakatapis. Tumayo si Joe. Medyo hilo pa siya sa biglang paggising.
"Are you okay, Joe?" tanong ni Bernie habang naghahanap ng palabas sa TV.
"Y-yes..."
Humakbang palabas ng kuwarto si Joe.
"Joe..." habol ni Bernie. Lumingon ang director.
May sasabihin sana si Bernie. Payo or something, pero hindi rin siya sure sa sasabihin. Alam niyang may dinaramdam ang director at ayaw niyang makahadlang ito sa ginagawang pelikula. Pero, pagod na rin si Bernie in trying to make sense of things. And besides, naghihintay na si Danilo.
"Never mind, Joe," sabi na lang ni Bernie.
Tahimik na lumabas ng kuwarto si Joe.
Habang naglalakad sa hallway ng hotel ay hindi mapakali ang director nang maalala ang huling tagpo nila ni Andrea sa veranda, kaya na-decide niya na bago bumalik sa room niya ay dumaan muna sa kuwarto ng matandang actress para kausapin ito. Ayaw niyang nakabitin sa ere ang hindi nila magandang tagpuan. Pero, nang makarating sa pintuan at kakatok na lamang ay napatigil siya. Nag-isip. Nagdalawang-isip. Ibinaba niyang kanyang kamay na nakaporma nang kakatok at dahan-dahang siyang tumalikod at naglakad na lamang paalis.
Pagdating sa kanyang hotel room ay agad na nahiga si Joe sa kama. Gusto niyang itulog na muna ang hindi mapakali niyang sarili nguni't hindi siya dapuan ng antok. Hindi mawala ang kaba na kumakalabog sa kanyang dibdib hanggang sikmura. That certain feeling na may mangyayaring hindi maganda. Ilang araw after nito, hindi rin alam ni Joe kung bakit hindi siya kumatok. Isang desisyon na kanyang lubos na pinagsisihan.
NEXT CHAPTER: "Mga Planong Umiikot sa Ulo"
BINABASA MO ANG
Dugo sa Bughaw
General FictionInspired ng mga klassik Filipino movies na gawa ng studios tulad ng Sampaguita, Premiere at LVN, ito'y kwento ng mga artista, past and present, at ng mga taong nasa likod ng paggawa ng pelikula. Isang hindi malilimutang soap opera. Ang istorya ay tu...