Sa Asya, isa ang Pilipinas sa mga naunang gumawa ng pelikula. Ang kauna-unahang lokal na pelikulang Pilipino ay ang Dalagang Bukid ni Jose Nepomuceno na ginawa noong 1919. Isang silent film tungkol sa pag-iibigan ng isang flower vendor at law student na hinahadlangan ng isang mayamang Don ay kinatampukan ng artistang sina Atang de la Rama at Marceliano Ilagan.
Pagsapit ng Golden Age ng Cinema sa Asya (1940s-60s), ang industriya ng pelikulang Pilipino ay umusbong. Dito naglabasan ang sarili nating mga gods and goddesses ng pelikula na maihahambing natin bilang sarili nating Hollywood. Artista na tulad nina Rogelio dela Rosa, Mario Montenegro, Armando Goyena, Luis Gonzales, Carmen Rosales, Rita Gomez, Gloria Romero, Tessie Agaña, Fernando Poe, Jr, Eddie Garcia, Rosa Rosal, Delia Razon, Nestor de Villa, Nida Blanca, Lolita Rodriguez, Amalia Fuentes, Bella Flores, Susan Roces, Paraluman, Dolphy, Romeo Vasquez, Pancho Magalona at marami pang iba.
Mga pelikula na nagpakita sa katangian nating mga Pinoy. Palaibig, palaban, at may mga pangarap na gustong makamit. Para sa marami sa atin, 'pag sapit ng katanghalian, ating nagisnan ang mga klassik na mga pelikulang ito sa telebisyon, at natunghayan kung paano tayo noon. At ngayon, dumaan na ang madaming taon, at ang mga pelikulang ito ay nagsisilbing magandang ala-ala ng lumipas, ng mga yumao nating mga artista.
Sila ang inspirasyon ng Dugo sa Bughaw.
Sana'y magustuhan ninyo ang istoryang ito.Copyright © 2017 All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.
BINABASA MO ANG
Dugo sa Bughaw
General FictionInspired ng mga klassik Filipino movies na gawa ng studios tulad ng Sampaguita, Premiere at LVN, ito'y kwento ng mga artista, past and present, at ng mga taong nasa likod ng paggawa ng pelikula. Isang hindi malilimutang soap opera. Ang istorya ay tu...