Chapter 12: Lights, Camera, Action!

293 24 3
                                    

Naka-shades at pink silk long-sleeves si Bernie na kumikislap sa araw habang hawak ang champagne glass

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naka-shades at pink silk long-sleeves si Bernie na kumikislap sa araw habang hawak ang champagne glass.

"Welcome! As you all know, dito sa beautiful Ilocos Norte shinoot ang original Dugo sa Bughaw!" bulalas niya.

Sinalubong ni Bernie ang mga bagong dating: Joe, Patricia, Lance at Gina. Mga naka-vacation outfit din, dala ang bags nila. Ang kay Patricia, complete set ng baggage na tulak-tulak ng bellboy.

Nasa Ilocos World Hotel sila, ang pinakamalaki at sikat na hotel sa Ilocose Norte. Itinayo noong 1950s at marami ng renovations and improvements. 5-storeys at kumpleto ng world-class amenities.

"Patricia, darling! Lance! Joe!" bati ni Bernie sabay beso. Pagkatapos ay prinesent niya ang view ng dagat na para bang siya'ng may-ari nito.

"Isn't it beautiful?!"

Mahaba ang veranda ng 4-storey hotel at may infinity pool na dumudugtong papunta ng malawak na Luzon Sea. Maraming sets ng outdoor tables and chairs. Festive ang look ng hotel ngayon dahil sa international golf tournament na nagaganap. May mga banderitas all around at maraming foreigners.

"Let's go, people! Mag-brunch na muna tayo!" aya ni Bernie.

Habang naglalakad sila papasok ng hotel, pinagmasdan muna ni Joe ang dagat. Maraming bagay ang umiikot sa utak niya. Isa na ang realization na narito siya ngayon sa malayong location shoot at kung gaanong kalaking pera ang ininvest ni Bernie para lang magawa ang remake na ito. Feeling niya'y nasa kamay niya ang success or failure nito.

#

Maayos ang loob ng kuwarto ng motel. 60s style. Simple ang disenyo mula sa wallpaper hanggang sa kurtina. Bukas ang lampshade sa magkabilang side table. Nakaupo sa kama sina Leonora at Roman. Nasa kalagitnaan sila ng pagbibihis. Si Leonora, isinasara ang butones ng blouse at si Roman naman, ang kanyang polo. Gusot ang kama, nagpapahiwatig na sila'y nagtalik.

"Malakas ang kutob kong naghihinala na si Mama," pangamba ni Leonora. "At si Agueda, kahapon ay binibigyan n'ya ako ng masasamang tingin. Natatakot ako, Roman. Na madiskubre tayo."

"Mabuti pa'y sabihin na natin sa kanila ang katotohanan," mungkahi ni Roman.

Nguni't, hindi ito magandang ideya para kay Leonora.

"Sa oras na aminin natin ito, lalong hindi na tayo papayagang magkita pa."

Hinawakan ni Roman ang kamay ng kasintahan.

"Magtanan tayo. 'Yun na lamang ang paraan," sabi niya. "Kung mahal mo ko..."

"Mahal na mahal kita, Roman. Alam mo 'yon."

"Kung ganon, sumama ka sa akin."

"Pero, saan? Saan tayo pupunta?"

"Kung saan tayo dadalhin ng ating pag-ibig," ani ni Roman. "Ang pangarap ko para sa atin ay isang buhay na tahimik. Payapa. Walang ibang responsibilidad kundi mahalin ang isa't-isa. Pinakamamahal kita, Leonora. Ang dahilan kong mabuhay. Ngayon hanggang pagtanda. Hanggang magpakailanman."

Dugo sa BughawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon