Parang tuliro si Andrea na naglakad papunta sa hotel room niya. Masakit ang katotohanang narinig mula kay Bernie, at mas masakit dahil kasabwat si Joe. Kay Joe na buo ang kanyang tiwala. Parang gumuho ang mundo niya.
Hindi niya makuhang kumatok sa pintuan ng kuwarto nila. Naalala ang pangako kay Evelyn na kukunin muling manager. Hindi lang ito failure sa sarili, kundi failure rin para sa mga taong malapit sa kanya. Sa isip niya, isang kahihiyan si Andrea Rosa.
Napaupo siya sa sahig at bumuhos ang luha.
Mula sa dulo ng hallway dumating si Roberto. May akbay na girl na nakapulupot sa kanya—ang seksing starlet na ka-flirtan niya sa party kagabi. Nang makita si Andrea na umiiyak sa sahig ay agad siyang lumapit.
"Andrea? What's wrong?"
Hindi makapagsalita si Andrea. Lumuhod si Roberto at humawak sa balikat niya.
"Anong nangyari sa kanya? Lasing?" tanong ng starlet.
"Halika, tulungan mo kong dalhin siya sa kuwarto," utos ni Roberto.
Ilang pintuan lang ang layo ng room ni Roberto. At nang madala nila si Andrea doon at mabuksan ang kuwarto, ay may ibinulong si Roberto sa starlet.
"Bumalik ka after 1 hour..." and changes his mind. "Make it two hours."
Tumango ang actress at lumakad paalis. Pumasok ng kuwarto si Roberto akay si Andrea.
Makalipas ang kalahating oras ay nahimasmasan na si Andrea, at kumalma na. Ginawan siya ni Roberto ng hot tea at dinampian ng hot towel ang mukha. Pagkatapos, lumabas sila ng balcony ng room para magpahangin. Ang view ay serene na nightsky. Naupo sila sa magkatapat na chairs at ikinuwento ni Andrea ang narinig niyang usapan nina Bernie at Joe. Galit ang reaction ni Roberto.
"That faggot! He can't do this to you!"
By now, tanggap na ni Andrea ang lahat.
"Thank you, Roberto sa simpatiya mo. Pero, tama si Bernie. Laos na ko. Bakit nangangarap pa ko ng bagong career, matanda na ko."
"Hey, don't forget I'm much older than you, Andrea," paalala ni Roberto. "At tignan mo ko, I'm strong as a horse and still making pictures!"
Tumayo si Roberto showing he's still fit for his age.
"'Wag ka mag-alala, Andrea. After this movie, rest assured, I will help you. I have connections. Hindi lang si Bernie ang producer sa business, you know," pagmamalaki ni Roberto, at inaya niya si Andrea na bumalik sa loob.
Pumasok si Roberto kasunod si Andrea. Kinuha ng actor ang maleta niya, inilapag sa kama, at binuksan ang zipper. Kinuha niya ang notepad at bolpen at may sinulat. Sa loob ng bukas na maleta, sa tabi ng mga bote ng vitamins and of course, viagra, napansin ni Andrea ang baril na may holster. Binigay ni Roberto ang note kay Andrea.
"Heto. Number ito ng kaibigan kong producer. Since mauuna kang umuwi ng Manila, give this number a call. Tell him na pinatawag kita. Siyang bahala sa iyo."
"Thank you, Roberto."
Pero, naaagaw na ng baril ang atensyon ni Andrea.
"Para saan yan, Roberto?"
"Oh, the gun?"
Kinuha ng actor ang baril at binunot from the holster. Isang .45.
"This is my baby. I carry this anywhere for protection," sabi ni Roberto with pride. "It's licensed, of course. Bigay ito ng isang dear friend of mine who got it from the American actor Randolph Scott."
Pinahawak niya ang baril kay Andrea.
"Here, hold it."
Hinawakan ni Andrea ang baril. Dalawang kamay dahil mabigat. Pumorma siya na umaasinta.
"Natatandaan mo yung ginawa nating movie before?" sabi ni Roberto. "'Yung Bastardo? It's the same gun you used to kill me."
Napangiti si Andrea, "Talaga?"
"One and the same," tango ni Roberto.
"Pinagtangkaan mo kasi akong gahasain," bulalas ni Andrea. "Binaril tuloy kita."
Natawa sila, malakas at matagal, sa pagalala sa 1966 movie nilang Bastardo kung saan si Roberto ay gumanap na isang sadistic suitor at si Andrea bilang bastard daughter.
"Haay..." buntong-hininga ni Andrea. "Nasaan na ang masasayang araw? Nalipasan na tayo."
"They were such good times," ngiti ni Roberto.
Ibinalik ni Andrea ang baril at nagpaalam.
"Thank you uli, Roberto," heartfelt na sabi niya. "I'm glad you're here."
"The pleasure is mine, Andrea."
"I have to go at hinahanap na siguro ako ni Evelyn, at baka may soiree ka pa with..." nag-hint si Andrea, sa girl na kasama ni Roberto earlier.
Naalala ni Roberto.
"Oh, the girl!" ngiti ng veteran actor. "Well, alam mo naman ako..."
"...strong as a horse," dugtong ni Andrea.
Tumawa si Roberto at hinatid si Andrea sa pintuan.
"What time is your flight tomorrow?"
"Sa gabi pa. 6:30 PM," sagot ni Andrea.
"Well, I think this is goodbye for now," ani ni Roberto. "Baka 'di na tayo magkita tomorrow. Maaga ang call time namin sa set bukas."
Tumango si Andrea, may lungkot na nararamdaman.
"Just remember, Andrea," serious na tumingin sa kanya si Roberto. "Ikaw ang nag-iisa at totoong Leonora. No one can take that away from you. You should keep that in mind, even if they tell you otherwise. Kahit mawala na tayo sa mundong ito, matatandaan nila tayo sa mga pelikulang ginawa natin."
Kinuha ni Roberto ang kamay ni Andrea at hinalikan.
"I will always be here for you, Andrea. I promise you and my dear friend Juancho, everything's going to be alright."
"Thank you, Roberto."
Ngumiti si Andrea. Dahil kay Roberto, nabawasan ang hinanakit niya at nagkaroon ng panibagong pag-asa.
NEXT CHAPTER: "Curtains"
BINABASA MO ANG
Dugo sa Bughaw
General FictionInspired ng mga klassik Filipino movies na gawa ng studios tulad ng Sampaguita, Premiere at LVN, ito'y kwento ng mga artista, past and present, at ng mga taong nasa likod ng paggawa ng pelikula. Isang hindi malilimutang soap opera. Ang istorya ay tu...