Matapos ang kontrobersyal na suicide ni Andrea Rosa ay nagkaroon ng imbestigasyon sa mga pangyayari na maaaring pinagsimulan nito. Ito'y sa request ng Actor's Guild at kanilang inimbitahan lahat ng mga major persons na involved sa pelikula para magbigay liwanag.
Sa isang malaking conference room na may mahabang mesa nakaupo ang investigating team na grupo ng mga abugado. Nang dumating si Bernie ay naka-crutches siya pagka't hindi pa tuluyang gumagaling ang sugat na natamo ng pagbaril sa kanya ni Andrea. Alalay siya ni Danilo na pagkatapos ng shooting ay naging personal alalay niya. Kasama ni Bernie ang sarili niyang legal team.
"Is it true that you used unconventional means during the making of this movie that may have led to the victim's suicide?" tanong ng abugado kay Bernie.
Hindi sumagot si Bernie, kundi'y ang kanyang mga attorney ang sumagot para sa kanya. Sa lahat ng katanungan ay ganito.
Sina Patricia, Lance, Mildred Javier, at iba pang cast ng remake ay kinausap din. Ganun din sina Gina, Letty, Reggie at ilang crew. Wala naman silang tinuro na direktang dapat managot sa pagkamatay ni Andrea, at inilabas na lamang ang matindi nilang regret sa nangyari. Very unfortunate, paulit-ulit na sinabi ni Patricia sa mga abugado at sa media.
Tanging si Evelyn ang may pinapakitang galit at kanyang paniniwala na dapat may managot sa nangyari.
Ang may pinakamabigat na regret ay si Joe, malaki ang dagok sa kanyang kunsiyensya. Alam niyang hindi sapat ang nagawa niya, na sana'y na-prevent niya ang suicide. Siya ang bumuhay sa career ni Andrea, sa samang-palad, siya rin ang nagdala sa kanyang kamatayan.
Tulala si Joe nang kausapin ng mga abugado noong araw na iyon. Tulala siya't blanko ang tingin at hindi agad narinig ang tanong sa kanya.
"Mr. Verde...Mr. Verde!" tawag ng attorney.
"Y...yes?"
"Anything else you want to say?"
"Yes."
Kita sa mukha ni Joe ang matinding pagsisisi, at sinabi:
"We never should have made the movie."
Matapos ang imbestigasyon ay wala namang nakasuhan o nakulong. Hindi si Bernie pagka't isa rin siyang biktima gawa ng pagbaril sa kanya ni Andrea. Apologetic naman ang mega producer. Aniya, kung may nagawa man daw siyang mali, ay ipinauubaya na lang niya sa Diyos. Inako niya ang responsibility na hindi na-evaluate mabuti ang psychological stability ni Andrea bago siya nabigyan ng kontrata. In honor of Andrea, ay binili niya ang Movie Klassiks Museum at ipinagalan ito sa actress.
At ang pelikula?
Pinalabas ang remake ng Dugo sa Bughaw at ito ay pinilahan ng milyon-milyong Pilipino. Blockbuster movie of the year. Nang sumunod na taon, nanalo ito ng Best Picture sa Philippine Film Awards. Kasama na ang Best Director, Best Actress, Best Screenplay at posthumous Best Supporting Actress kay Andrea Rosa.
Nanominate ito sa Oscar Awards ng Best Foreign Film. At ang prediction ni Joe ay nagkatutoo. Ito'y nagwagi.
Ang Dugo sa Bughaw Remake ngayon ay kinikilalang "The Greatest Filipino Film of all time."
Ang footage ng suicide ni Andrea ay hindi lumabas sa publiko. Hindi na ito natagpuan.
In Memory of
Roberto Garcia
(born 1934)Andrea Rosa
(born 1940)
BINABASA MO ANG
Dugo sa Bughaw
General FictionInspired ng mga klassik Filipino movies na gawa ng studios tulad ng Sampaguita, Premiere at LVN, ito'y kwento ng mga artista, past and present, at ng mga taong nasa likod ng paggawa ng pelikula. Isang hindi malilimutang soap opera. Ang istorya ay tu...