Nakakapaso ang sikat ng araw. Ang alon ay galit na pumapalo sa dalampasigan.
Ito ang beach cove kung saan ang duwelo nina Roman at Don Manuel ay naganap sa orihinal na pelikula at magaganap muli sa remake.
Sa isang dulo ng cove ay isang cliff—ang taas ay mga 75 feet, higit kumulang na 8 storeys high. Sa ilalim ng cliff ay malalaki at matatalas na bato. Sa istorya, dito nahulog si Roman at tumalon si Leonora—ang ending ng pelikula.
Kasama ni Joe si Reggie, isang cameraman at ilang crew para ishoot ang establishing at iba pang shots. Naroon din sina Andrea at Evelyn para manood. Dahil sa init, lahat sila'y may pantakip ng ulo at naka-shades. All smiles si Andrea, ang tanawin sa cove ay nagbabalik ng magandang mga ala-ala.
"Ba't ba sumama pa tayo? Ang init-init! Nasusunog na ko," angal naman ni Evelyn.
"Makasaysayan ang beach na ito. Dito namin shinoot ang last scene ng pelikula," tinuro ni Andrea ang bangin. "At doon nagpakamatay si Leonora!"
"Oo nga. Gusto ko na rin atang tumalon doon," sabi ni Evelyn.
Sa kalayuan, tinawag ni Joe si Andrea para ipakita ang pagkaka-set-up ng camera. Nasa may paanan ito ng cliff.
"May wide shot tayo ng bangin," ani ni Joe. "Balak ko ipakita yung nahuhulog si Leonora from this angle and from the angle sa top ng cliff. Magse-set-up din kami ng camera doon sa taas."
Tumango si Andrea in appreciation.
"Direk, yun bang mahuhulog si Leonora may stuntwoman kayo?" tanong ni Evelyn.
"Bakit, 'te? Gusto mo mag-volunteer?" hirit ni Reggie.
"Malaki ba bayad nun?" siryoso si Evelyn.
"Oo, 'te! Libre pa ataol mo!"
Nagtawanan sila.
"CG na 'yun. Sa post na," inform ni Joe.
Napakamot ng ulo si Evelyn.
"Ganun ba? CG, wala dati n'yan."
"Nung panahon namin. Maghahagis lang sila ng manikin," kuwento ni Andrea.
"In fairness sa director mong si Victor," sabi ni Reggie. "Hindi niya ginawa'yun dahil alam niyang magmumukhang-fake. So, ginawa lang niyang artistic ang pagkakahulog."
"Wow, at alam mo 'yun," impressed si Joe.
"Oo naman, direk. May mga pangarap din ako! Gusto ring sumunod sa mga yapak mo!"
Nagtawanan sila at nagbiruan pa. Bumulong si Joe kay Andrea.
"What do you think? Mabibigyan ko ba ng justice ang end scene na ito?"
"Oo naman, Joe," masayang sagot ni Andrea.
#
Late na sila nakabalik ng hotel galing sa beach cove, halos palubog na ang araw. Magkahiwalay na van ang sinakyan nina Andrea at Evelyn, at iba naman ang kay Joe at Reggie.
BINABASA MO ANG
Dugo sa Bughaw
General FictionInspired ng mga klassik Filipino movies na gawa ng studios tulad ng Sampaguita, Premiere at LVN, ito'y kwento ng mga artista, past and present, at ng mga taong nasa likod ng paggawa ng pelikula. Isang hindi malilimutang soap opera. Ang istorya ay tu...