Ang main image ay painting nina Leonora at Roman na magkaakap. Background ay pulang ulap na parang nagliliyab. Sa gitna, maliit na image nina Roman at Don Manuel in a duel sa tabing dagat. Sa magkabilang bahagi ay dalawang mansion representing Montecillo at Vergara families. Sa ibaba ang title at credits ng pelikula. Ito ang poster ng orihinal na 1962 Dugo sa Bughaw.
Nakatayo sa harapan ng poster sina Andrea at Joe at pinagmamasdan ito.
"I can't believe it," sabi no Joe. "The great Andrea Rosa. Akala ko'y—"
"Patay na ako?," tingin ni Andrea. "75 na ako, pero sa awa ng Diyos, malakas pa."
"Anong nangyari sa iyo? After mamatay ang asawa mong si Juancho Rilios ay nawala ka from public eye. Naging recluse tulad ni Garbo."
Sa pagkatagal-tagal na panahon, ngayon lang natanong ng straight si Andrea ng ganito.
"Hindi ko lang asawa si Juancho. Partner ko siya sa pelikula. Ako si Leonora. Siya si Roman. Hindi mabubuhay ang isa kung wala ang isa," heartfelt niyang tugon.
#
Ang compound ng Silver Lining Pictures ay cluster ng mga buildings: Main studios A, B & C, technical buildings, editing, stockrooms, offices at canteens. Studio B ang naging museum. Noong time na operational ito, kumpleto ang facilities. Ngayon, maliban sa museum, para itong ghost town. Pinarerentahan na lamang ang lote bilang garahe ng mga naglalakihang pampasaherong bus.
Naglalakad sina Andrea at Joe sa isang shaded walkway.
"Pero, pelikula lang iyon," sabi ni Joe. "Si Leonora at Roman ay roles lang sa pelikula na ginampanan n'yo."
"Hindi mo mai-imagine kung gaano kalapit ang pelikula sa tunay naming buhay."
Saglit na natigilan si Andrea at may naisip.
"Gusto mo bang malaman kung paano ako na-discover sa pelikula?"
Tumango si Joe. Umaapaw ang kanyang interes.
"Estudyante lang ako noon nang makilala ko si Victor."
Ang ala-ala ay unti-unting bumabalik sa kanyang isipan. Ang pangyayari na, para kay Andrea, ay tila kahapon lamang.
#
1958.
Nakatayo ang 18-taong gulang na Andrea sa tabi ng isang gusali na may sign na "Studio B." Naka-school uniform at akap-akap ang kanyang bag. Palingon-lingon siya sa paligid, nag-aalala.
Bumukas ang pintuan ng studio at lumabas ang isang mataba at napapanot na lalaki na sa kanyang late 50s. Naka-long-sleeve na polo ito na nakatuping manggas hanggang siko at may suspenders. Nagsindi siya ng tabako at bumuga ng makapal na usok. Humakbang palayo si Andrea upang bigyan ng espasyo silang dalawa.May ilang mga karpintero na dumaan na may dalang tools, steel ladder at mga kahoy. Gustong magtanong ni Andrea nguni't nahihiya siya. Napansin siya ng matabang lalaki at ito'y lumapit, at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ng director na si Victor Encarno ang future star niya.
BINABASA MO ANG
Dugo sa Bughaw
Aktuelle LiteraturInspired ng mga klassik Filipino movies na gawa ng studios tulad ng Sampaguita, Premiere at LVN, ito'y kwento ng mga artista, past and present, at ng mga taong nasa likod ng paggawa ng pelikula. Isang hindi malilimutang soap opera. Ang istorya ay tu...