Chapter 2: Sina Leonora at Roman

944 48 7
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Isang engrandeng ballroom ang nagtatanghal ng isang lavish na masquerade party. Napupuno ang bulwagan ng nga taong naka gala costume at maskara. May naka-hang na malaking chandelier sa gitna na kumikislap sa salamin nitong mga palamuti. Sa isang dako, may big band na tumutugtog ng mga lumang awitin, swing at jazz.

Tulad ng iba, naka-costume at maskara si Leonora at nakikipagsiksikan sa makapal na tao sa dance floor, hawak ang champagne glass. Ingat siya na hindi mabunggo at matapon ang inumin habang naglalakad pabalik sa kanyang mesa galing sa buffet table. Muntikan na siya sa dalawang pares na paikot-ikot na nagsasayaw, mabuti't nakayuko siya. Nguni't sa mabilis na pagiwas ay bumangga naman siya sa isang naka-maskarang lalaki at natapunan niya ng champagne ang suit nito.

"Ipagpaumanhin n'yo, Ginoo. Nabasa kong Amerikana n'yo," nahihiyang sabi ni Leonora.

Matangkad ang lalaking may manipis na bigote at husto ang tayo nito kung kaya't ganon na lang ang paghingi ng pasensya ni Leonora. Kinuha ng lalaki ang panyo sa kanyang bulsa para punasan ang suot, nguni't inagaw ito ni Leonora.

"Please, ako na," habang pinupunasan ni Leonora ang Amerikana sa bandang dibdib, nakatitig sa kanya ang lalaki na may paghanga.

May tumawag kay Leonora mula sa malayo, boses ni Rita na kaibigan niya.

"Leonora! Asan ka ba?!"

Ibinalik ni Leonora ang panyo sa lalaki at nagpaalam.

"Sige, tinatawag na ako."

Daliang umalis si Leonora habang nakamasid pa rin ang nabighaning lalaki.

Sa bilog na mesa, nakaupo ang kanyang mga kasamahan: sina Rita at Dolores, pawang mga socialites, at Ricarte, na nag-iisang lalaki sa kanila. Naka-costume at maskara rin ang mga ito. Ipinatong ni Leonora ang champagne glass niya na nangalahati na ang laman sa pagkakatapon at lumingon sa kanyang likuran, umaasang makitang muli ang lalaki. At masusulyapan niya itong nakaupo tatlong mesa ang layo mula sa kanila.

"Sinong pinagmamasdan mo d'yan?" tanong ng katabi niyang si Dolores.

"Kilala mo ba 'yun, Dolores?" pasimpleng tumuro si Andrea. "Ang lalaki sa mesa ng matatanda."

Si Ricarte ang sumagot na narinig pala sila, "Ang manerismo. Ang galaw. Ang company niya. Siya'y walang iba kundi si Roman Montecillo. Anak at tagapagmana ni Don Generoso Montecillo. Nagbabalik mula Amerika upang patakbuhin ang kanilang hacienda."

"Siya nga!," bulalas ni Rita na medyo nakainon na. "Nakita ko na siya sa magasin!"

"Guwapo ba?" tanong ni Dolores.

"Kahawig lang naman ni Mario Montenegro," ani ni Rita.

"Kilala mo siya, Ricarte?" tanong ni Leonora.

Dugo sa BughawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon